"Mach gusto mo ba ihanap kita ng date? Tumatanda ka na wala ka pa din naging boyfriend baka maging matandang dalaga ka niyan" nakangising sabi niya sa dalaga.

"Wala ako panahon sa pakikipagdate ang dami ko pang responsibilidad sa opisina, nakakahiya naman kina Tito alam mo naman ang laki ng utang na loob ko sa kanila" napahalukipkip naman ang binata, hanggang ngayon devoted pa din ang kaibigan sa mga responsibilidad niya pero hindi niya magawang ienjoy ang kabataan.

"Paano kung biglang may dumating sayo na lalaki na magpapa-ibig sayo? Kunyari ako paano kung ligawan kita?" nabulunan naman ang dalaga agad naman siyang binigyan ni Brandon ng juice.

"Hoy Nrab wag ka nga makulit diyan baka mawalan ako ng ganang kumain, nakakasuka ang mga pinagsasabi mo" sumimangot naman ang binata sa sinabi ng dalaga, pinagpatuloy na lang nito ang pagkain. Habang si Cham ay patuloy lang sa pagkain, sinusulyap sulyapan na lang niya ito at tahimik na kumain.

"Nrab sorry I need to go back sa office madami pa kasi ako tatapusin okay lang ba?" binigyan lang siya ng binata ng mukhang pilit na ngiti at agad na tinawag ang waiter para sa bill nila.

"Let's go" tipid na sagot ng binata. Inalalayan naman niya na tumayo si Cham at hinawakan ang kamay nito.

"Sorry Nrab wag ka na magtampo please" malambing na sabi niya, napansin niya kasi na tahimik na ang kaibigan habang nagdrive pabalik.

"Okay lang Mach, gusto pa kasi kita kasama kaya lang mukhang busy ka madami pa namang ibang araw siguro" diretso lang ang tingin nito sa kalsada, gusto niyang maramdaman ng kaibigan na nagtatampo siya, sa tagal nilang hindi nagkita sa airport pa lang tinawagan na niya ito dahil ito ang kauna-unahang tao na gusto niyang makita.

"Kainis naman Nrab eh kinokonsensya mo ako, tambay ka na lang sa office ko. You want?" bigla naman nagliwanag ang mukha ni Brandon sa narinig.

"Sabi mo yan ah, tutulungan na kita para mabilis matapos Friday pa naman ngayon bukas wala ka pasok diba?" tinignan siya ni Cham na may pagtataka.

"Bakit ano naman kung sabado bukas? Ano meron?" umasim ang mukha ng binata, hindi man lang naalala ng kaibigan kung anong petsa meron bukas.

"Wala yayayain sana kita mag out of town. Kung okay lang sayo at kung hindi ako makakasagabal sa trabaho mo" malungkot na sabi nito.

"Hmmm saan mo naman ako dadalhin?"

"Basta secret muna, payag ka na ba?" sabay kindat sa dalaga, namilog ang mga mata ni Cham sa pagkindat ng binata. Naninibago siya sa kaibigan masyadong pilyo na siya ngayon.

"Sige payag na ako basta siguraduhin mo lang mageenjoy ako sa pupuntahan natin kundi kukutusan talaga kita" mahinang sigaw nito sa binata at sabay irap.

Nakarating na sila sa Aldan Building, napansin niya na gulat na gulat pa din ang mga empleyadong madaanan nila papunta sa opisina niya.

"Mam Cham andiyan po si Mr. Torralba sa office niyo hinihintay kayo kanina pa." bungad sa kanya ni Ara, pasimangot na binuksan ni Cham ang pintuan ng opisina niya at nakita ngang andun ang lalaki.

"Hi Chamile, sorry if I insisted to wait you here" agad na tumayo ito at lumapit sa dalaga may dala din itong bouquet ng bulaklak. Iniabot niya ito sa dalaga. Mukhang bihis na bihis ito naudlot kasi ang lunch meeting nito sa dalaga, si Olsen Torralba ang isa sa pinakasikat na cartoonist sa Pilipinas pati na din sa Asya gumagawa din siya ng mga manga. Isa rin sa binansagan na one of the hottest bachelor of the year.

"Yes it's okay, what can I do for you?" umupo siya na siya at binuksan ang laptop.

"Since hindi natuloy ang lunch meeting natin maybe we can go out for a dinner later?" patuloy lang sa pangangalikot ng laptop niya ang dalaga, at matagal bago sumagot.

He Robbed My heart (editing)Where stories live. Discover now