Epilogue

7.1K 107 13
                                    












Someone's POV


"Sige magsaya lang kayo dahil magbabalik ako dahil sa ginawa niyo sa akin. At sa pagdating ng araw na iyon, ako naman ang hahalakhak at magsasaya kapag napatay ko na kayong lahat. Hindi ko kayo titigilan hangga't hindi ko nauubos ang lahi ninyo, hindi niyo kilala kung sino ang totoong Revil, ipaparamdam ko sa inyo ang walang habas na pagpapahirap sa araw na makaharap ko kayo. Ha ha ha, lubusin niyo na ang masasayang sandal niyo habang hindi pa ako tuluyang nasisiraan ng ulo, tandaan niyo 'yan!"

.

.

.

Psalm's POV

Natigilan ako sa ginagawa ko ng may maramdamang kakaibang aura sa paligid, luminga linga ako sa buong paligid ng kaharian ngunit wala akong makitang kakaibang kilos, nilingon ko si Vidia na nasa hapag kainan kasama ang aking mga magulang, nakangiti siya habang nakikinig sa mga sinasabi ng aking Ina, tiningnan ko ang kanyang kamay kung saan iyon ang pinaglagyan ng bracelet. Wala doon ang bakas ng bracelet, ibig sabihin hindi sa kanya nagmumula ang aura na iyon. Tumayo ako sa pagkakaupo at lumapit sa apat na guwardiya.


"Pwede bang sa likod kayo magbantay?" Patanong kong utos sa kanila.

"Masusunod po your highness." Magalang nilang tugon sa akin, tiningnan ko lang sila habang naglalakad patungo sa likod ng kaharian.



Napahawak naman ako sa dibdib ko ng biglang sumikip ang aking pakiramdam, napakunot pa ako ng noo at sinubukan kong makaupo upang hindi ako matumba sa pagkakatayo.



"Psalm okay ka lang?" Nilingon ko ang pinangyarihan ng boses na iyon, ngumiti ako sa kanya ng iharap ko ang aking mukha.



"Yeah I'm good."


"Sigurado ka ba? Napansin ko na kanina ka pa palinga linga, may hinahanap ka ba?" Sunod sunod niyang tanong sa akin, umupo siya sa tabi ko at inilapag ang plato niya na may lamang vegetable salad.


"Klenn okay lang ako, pagod lang siguro sa maghapong bisita."

"Magpahinga ka na kaya, pwede mo namang iutos sa iba ang mga iyan." Sabay turo niya sa listahan na nasa harap ng kaharian. Birthday kasi ngayon ni Daddy Paul at ng alaga kong si Kirin na unicorn na iniregalo sa akin ng mahal na Hari noong birthday ko.

"I'm fine Klenn, sige kailangan ko pang asikasuhin ang mga table number ng ibang dumarating na bisita." Tumayo ako mula sa pagkakaupo at lumakad papalapit sa mga dumadating na bisita. Nginitian ko sila at tinanggap ang mga regalong iniabot nila para kay Kirin, isinama ko sila sa table kung saan sila nakaassigned.

Lumipas ang ilang oras ay patuloy ko pa ring nararamdaman ang aurang iyon, maging ang pananakit ng aking dibdib sa hindi ko malamang dahilan kaya napahawak ako doon. Iisang tao lang ang kilala ko kung kaninong aura ang may kahintulad ng nararamdaman ko ngayon, walang iba kundi si Revil na nakaharap ko ilang taon na ang nakakalipas, paikot ikot lang ang aurang iyon sa buong paligid ng reception.

"Princess okay lang po ba kayo?" Nagulat ako ng marinig ang boses ni Ate Gem, ngumiti lang ako sa kanya at tumango tango.

"Magpahinga na po kayo."

"Mamaya na kapag dumating na si Kirin, nag eenjoy pa yun kasama si Kier." Nakangiti kong sambit sa kanya, si Kirin ay resulta ng breed ng isang bright pegasi at ng magicorn. 1 year old pa lamang siya ngayon ngunit kasing laki na niya ang mga unicorn na makikita sa Golden Peak Mountain na may ibang iba ang lahi kay Kirin, halos kasi ng unicorn sa lugar na iyon ay mga Ember Unicorn, Powder Tipped Unicorn, Ravus at ang nag-iisang bright pegasi na si Sanae. Noong una kasi hindi ako naniniwala kay Klenn na may unicorn na nabubuhay dito sa Magical World, hindi ko din kasi akalain na bibigyan ako ni Ama ng ganoong klaseng regalo.

TMW: Academy Of Magic (Curax Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon