Chapter 15: Powerful Magic II

6.7K 144 0
                                    


Dhecob's POV

I'm Dhaecob Alazar, 20 years old I'm Kier's Butler. I'm a Light User , special ability Teleportation.

Hindi pa rin namin maintindihan kung ano ang nangyari kanina. Maraming mga katanungan ang  nasa isipan ng bawat isa. Ngunit bumalik na lang kami ng Academy at nagpahinga na, at para bang walang nangyari kanina, parang hindi dumating ang malahalimaw na panganib na  iyon. Naku ewan ko sa mga yun hindi ko na sila maintindihan, nakakalito na sila kaya maging ako ay nadadamay sa stress nila. Makapagpahinga na nga lang.

HM Draew's POV

Hello there, Draew Guttierez is the name. Head Mistress of this Academy.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kanina.

Flashback

Gising na si Psalm ng matapos kaming kumain ng lunch, pagkagising na pagkagising niya ay pinakain na din namin siya. Hindi naman halata sa kanya na gutom siya, ngunit parang nararamdaman na niya  ang bawat hapdi at sakit sa tuhod nya.

After 30 minutes.

Nang matapos siya sa kinakain niya, wala paring makitang emosyon na nahihirapan siya.
Hinawakan niya ang tuhod at pilit pinapagalaw.

"Ahm, Psalm okay ka na ba?" Tanong ko sa kanya, tumingin lang siya sa akin at walang isinagot sabay tumango lamang.

"Ahm Psalm, tungkol pala sa necklace." Panimulang sambit ni Reanna. Tumingin lang ulit siya sa aming dalawa at tinitigan. Hindi ko alam kung bakit ganun na lamang siya makatitig, maya maya pa ay pinilit niyang tumayo, ngunit dahil sa sobrang sakit ng tuhod niya hindi na niya nakayanan, kaya muli na lamang siyang umupo.

"Ano na naman ang meron sa necklace?!" Galit niyang tanong habang nakatingin sa aming dalawa ni Reanna.

"Ahm ano kasi Psalm?" Mangatal ngatal kong sagot, sinamaan niya ako ng tingin kaya napalunok ako ng laway sa mga oras na iyon.

"Ano?!" Sigaw niya sa akin, magsasalita na sana ako ng biglang.

"Sinabing ano nga eh?!" Muli niyang sigaw sa akin.

"Psalm!" Napalingon ako sa likuran ko ng marinig ang sigaw ni Reanna.

"Bakit?!" Tanong ni Psalm.
"Huwag mong sisigawan si Draew." Sagot ni Reanna.

"Wala akong pakialam." Mataray na sagot ni Psalm kay Reanna.
"Tandaan mo siya ang Head Mistress ng Academing ito!"

"Wala akong pakialam kung siya ang Head Mistress ng  Academing ito!" Pabalang na sagot ni Psalm.

"Tandaan mo nasa Academy ka at sinumang mas nakakatanda sayo ay dapat igalang mo."

"At sino ba ang nagdala sa akin dito? Diba kayo!"

"Dinala ka namin dito para protektahan ka at ayaw ka naming mapahamak."

"Mapahamak tss. Bakit ba lagi kayong nakasunod sa akin ha?!"

"Hindi mo kasi naiintindihan!"
"Huh, edi ipaintindi niyo sa akin! Tsaka ilang araw na ba ako dito?" Muling sigaw ni Psalm.

"Hindi ka pinalaki ng ganyan nina Paul at Mira." Nangangatal na sigaw ni Reanna .

"Wala silang pinalaking Psalmmer ang pangalan na sumasagot sa mas nakakatanda sa kanya. At wala akong inalagaang bata na ayaw sa magic. Ang batang pinalaki ko at minahal nila ng sobra sobra ay hindi ikaw. Hindi ikaw! Dahil yung Psalmmer na mabait, magalang, marunong makinig sa guardian, at mahal ang magic ay wala na. Wala na at hindi na namin kilala!" Mangatal ngatal na sambit ni Reanna.

Biglang natigilan si Psalm at unti-unting pumapatak ang luha. Halos mamula siya, at patuloy pa rin sa pag-agos ng luha ng kanyang mga mata.

"Alam mo Psalm, hindi naman namin ito ginagawa para tumulong ka sa pagdating ng full moon. Ginagawa namin ito para mabuhay ka, para mabuhay ka."

"Wala na sila kaya ano pa ang saysay ng buhay ko. N-namatay sila ng dahil sa akin, wala na sila, hu hu! Kaya walang kabuluhan ang b-buhay kong ito lalo na kung wala s-sila sa tabi ko. W-wala ng h-halaga ang b-buhay ko simula noong n-namatay sila huhuhu! W-wala na akong p-pamilya, w-wala na akong p-pamilya huhu!" Umiiyak na sambit ni Psalm, habang niyayakap ang isang tuhod at pilit pinapagalaw ang isa pa.

"Sana mamatay na lang ako! Para makasama ko na sina Mommy at Daddy. Diba yun ang nababagay sa mga taong masasama na katulad ko, diba?! Dapat lang sa akin na ma-mamatay." Psalm added and she continue to cry, lalong pumula ang kanyang mukha nung sinambit niya ang mga linyang iyon.

"Hindi ka pepwedeng mamatay." Sambit ko.

"Gusto ko ng mamatay, gusto ko ng mamatay hu hu hu!" Agad na tumayo si Psalm at napasigaw siya sa sakit.
"Ahhhhh." Mangiyak ngiyak niyang sambit.

" Psalm!" Sigaw naming dalawa ni Reanna.

Natumba si Psalm sa pagkakatayo niyang iyon. Halos namula ang lahat ng parte ng katawan niya dahil sa pagkakabagsak niya. Inakay namin siya upang makatayo at nangangatal pa siya sa sakit. Halos maging lumpo siya sa sobrang pangangatal ng katawan niya, inihiga namin siya sa kama niya at hanggang ngayon ay patuloy pa din siya sa pag-iyak. Hindi ko alam kung ang iniiyak niya, iyon bang masakit niyang tuhod at pagkakabagsak o ang pinag-usapan namin kanina.

Time check 12:24 noon. Nakahiga na si Psalm ng dumating ang Nurse na siyang taga ayos ng bandage ni Psalm sa tuhod. Maya maya pa ay tumigil na rin siya sa pag iyak, kitang kita pa rin sa mukha niya na umiyak siya kanina. And then she look at me, her eyes asking a lot of questions. I just nodded at her and sat beside Reanna.









TMW: Academy Of Magic (Curax Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon