Chapter 2: The Dark Magic

14.3K 305 18
                                    


Chapter 2: The Dark Magic




Kaet's POV

Ilang oras na ang ginugol namin upang maperfect ang potion na ginagawa namin, at dahil hindi ako bihasa sa paggawa ng mga ganito kaunti lang ang naitutulong ko sa dalawa. Si Quira ang nagturo sa akin tungkol sa potion kaya unti unti ko na ring nagugustuhan kahit papaano.






Makalipas ang ilang oras ay malapit na rin naming matapos ang isang 50 ml potion, dalawang ingredients na lang ang kailangan namin sa huling steps na nakasulat sa notebook ni Quira at sana naman gumana na ito kapag naipainom namin kay Psalm.

Nalalapit na rin kasi ang unang kabilugan ng buwan ngayong taon gayundin ang pagbabalik namin sa Academy of Magic.


Nga pala hindi namin magawang sambitin ang salitang magic sa harap ni Psalm, nag-iinit ang ulo niya sa tuwing isinisingit namin ang salitang iyon sa usapan namin kaya kadalasan nahihirapan kaming mag-usap nina Coolen at Quira kung ano na ba ang kaganapan sa Academy. Ayaw niya kasi sa magic kaya ayaw niyang pinag uusapan iyon sa harap niya.

So about sa magic, hindi ko pa pala nabanggit sa inyo kung ano ang mga kakayahan at kapangyarihang taglay namin. I'm an air user, I have the abilities to switch places which is teleportation and to read mind. Isa akong primary student na isa ring elementalist sa Academy of Magic at kung saan talaga kami galing.

Moving on, Coolen is a snow user, isa din siyang primary student and her special ability is teleportation, while Quira is a water user, primary student slash elementalist and a mind reader. Parang pinaghatian lang nilang dalawa ang special abilities ko haha but by the way they are both sweet and that is their charm.




May apat na klase ng estudyante sa Academy of Magic. Primary students, secondary students, semi students at division students.

Apat na klase rin naman ang kapangyarihan na nangingibabaw sa buong Magical. Elementalist, Enfilementalist, Cybernetist at Omnipotent. Elementalist kung saan kayang i summon ang apat na elements, water, earth, fire and air. Enfilementalist which is the secondary elements like ice, thunder, lightning, metal and woods. Cybernetist, those students who can use the power of technology, pero napakarare nito sa panahon ngayon. Mas lalo na ang omnipotent, wala pa akong nakikilalang may ganitong taglay na kapangyarihan kaya wala akong idea kung ano ang nagagawa nila.

Siguro napansin niyo rin na nakabase sa pangalan namin ang kakayahan namin. It's a tradition to our world, kaya once na magpakilala ka alam na agad namin kung anong kakayahan ang meron ka. But not Psalm, sa pagkakaalam ko kasi wand at broom stick ang meron siya. Both color red ang mga iyon kaya for sure iyon din ang favorite color niya, never pa akong nagkaroon na kakilala na isang witch na kasing ganda ni Psalm o kaya sorcerer na kasing cold niya. Special ability still unknown, iyan lang kasi ang mga impormasyon na ibinigay sa amin ni HM Draew (Draw). Ewan ko kay Psalm di ko pa siya nakikitang ginagamit ang magic niya pero sabi ni HM Draew malakas daw ang magic niya, yes daw kasi di pa namin totally nakikita iyon, hindi iyon basta basta 'yun ang sabi niya sa aming tatlo.

At kaya kami nandito sa Mortal World para hanapin ang nawawalang Prinsesa, 10 taon na ang nakakalipas, ang saya ko nga dahil ka edad namin 'yung Prinsesa pero bigo kami na mahanap siya noong nakaraang taon kaya ibang mission na lamang ang ibinigay sa aming tatlo, at iyon ay ang hanapin  namin ang isang taong may malakas na aura tulad ng sa Prinsesa. 

Noong una wala kaming idea kung saan namin iyon hahanapin ngunit ibinigay din ni HM kung sino at saan siya mahahanap, then si Psalm iyon wala ng iba pa. Sa lahat ng kakilala ko sa kanya lang hindi gumagana ang ability ko na makabasa ng isipan, maging si Quira na isa ring mind reader.


TMW: Academy Of Magic (Curax Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon