Chapter 41: The Kiss

5.1K 111 4
                                    


After a several days

Kier's POV

Hindi pa rin nagigising si Psalm mula noong gabing iyon hanggang ngayon, halos ang lahat ay gumaling na at nakakapagliwaliw na sa Academy ngunit hindi si Psalm, nakahiga pa rin siya at natutulog. Siguro dahil sa sobrang daming pwersa na inilabas ng gabing iyon lalo ng huling sandaling nakamulat ang kanyang mga mata. Kitang kita ko ang ngiti niya sa kanyang labi noong gabing iyon, ngunit hindi ko agad siya natulungan ng saksakin siya ni Revil mula sa likuran.

Halos maayos na ang lahat sa Academy, mula sa Hall, sa bawat pasilyo, ang tempered glass sa itaas na bahagi ng Hall at ang ibang column, nakarecover na rin ang bawat isang estudyante na dumalo ng Magic Ball Night, ang Hall ay maaari ng pagdausan muli matapos masira at halos mawasak ng gabing iyon.

"First time in the history na halos masira ang buong Hall." Napalingon ako sa aking likuran ng marinig ang boses ng isang nurse na kakapasok lang ng room ni Psalm, tiningnan ko siya ng lumapit siya kay Psalm at agad na kinukuhanan  ng dugo. Tumayo ako sa kinauupuan ko ng ilapag ng nurse ang stainless bed tray malapit kay Psalm, nginitian niya ako at ginantihan ko naman siya, napatingin ako sa ginagawa niya magmula sa pagtusok niya ng mahabang karayom sa median cubital vein ng kanang braso ni Psalm, nakita ko ang dugo na nasa loob ng syringe na iyon. Halos araw araw nilang kinukuhanan ng dugo si Psalm, tinitest nila iyon kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising. Under observation ang lahat ng nangyayari sa monitor na nakakabit kay Psalm.

Nakamove on na ang lahat sa pangyayari pero ako hindi pa dahil nakaukit pa rin sa aking paningin at isipan ang mga sandaling nginitian ako ni Psalm ng salagin ko ang kapangyarihan ni Revil patungo sa kanya. Lumakad ako palabas ng terrace ng sabihin ng nurse na papalitan niya ng damit si Psalm, pagkalabas ay agad akong umupo sa couch, napabuntong hininga pa ako habang nakasandal sa headboard ng upuan na available. Walang ibang pumapasok sa aking isipan kundi ang mga nangyari noong gabing iyon, maya maya pa ay napansin ko ang paru-paro na papalapit sa akin kinaroroonan. Dahan dahang gumuhit sa aking labi ang ngiti ng makita ang kulay nito, kahit na hindi pa ako okay ay napangiti ako ng isang paru-paro, dumapo iyon sa vase na nakalagay sa table.

Ang sarap ng pakiramdam ko ngayong mga sandali kahit na medyo pagod, ipinikit ko sandali ang aking mata ngunit agad akong napamulat ng may marinig na ingay na nagmumula sa loob ng room ni Psalm. Napatayo ako sa aking kinauupuan at agad na pumasok, tumambad sa akin ang mga mukha nina Crytt, Dhaecob, Coolen at Quira na abala sa pinag uusapan nila. Wala si Kieth sa mga sandaling iyon, maging sina Kaet at Zanderr. Umupo ako sa tabi ng kama ni Psalm, may couch kasi na nakalagay kaya doon na lang ako umupo.

"Kamusta siya?" Bungad na tanong sa akin ni Coolen.

"Gumising na ba siya?" Sunod naman na tanong ni Crytt habang nakaharap sa hawak niyang libro. Napansin ko lang nitong mga nakaraang araw kapag nagsama silang dalawa tila kambal dahil parehong may pagsang ayon sa mga sinasabi nila sa isa't-isa, kung ano ang tanong ng isa iyon din ang tanong ng isa. Hays.

"Dhaecob, nakabihis na ba si Alice?" Pag-iiba ko ng usapan, tiningnan ko si Dhaecob habang nakalingkis naman ang kamay ni Quira sa kanyang braso.

"Opo kanina pa, your highness." Sagot ni Quira, napakunot na lang ako ng noo sa sagot niya. Hindi ko na lang sila pinansin sa halip ay itinuon ang atensyon sa natutulog na si Psalm. Magdadalawang linggo na ang nakakalipas at hanggang ngayon ay tulog pa rin siya. 

"Psalm, gumising ka na please. Hays ano ba kasi ang nangyari sa kanya sa ere, naku Kier kung anu ano na naman ang iniisip mo hays makapagpahinga na nga lamang." Tanging sambit ko sa aking isipan, tumayo na ako sa kinauupuan ko at nagpaalam sa aking mga kasamahan. Gusto ko na munang matulog tutal dumating naman na sila at mayroon ng magbabantay kay Psalm.

Sa pagtayo kong iyon ay nagulat ako sa sunod kong ginawa.

"Kier!" Agad akong napatingin kay Dhaecob ng sumigaw siya, ang mga mata nilang lahat ay nakatuon sa aking kinatatayuan. Tinaas ko ang kilay ko at inihakbang ang paa palabas ng room.

"Oh my!" Narinig ako ang pagtili nina Coolen at Quira ng makalabas ako sa room, napabuntong hininga ako ng balikan ang mga sandaling halikan ko ang labi ni Psalm, hinawakan ko ang aking labi sa mga sandaling iyon maging ang aking pisngi na hanggang ngayon ay namumula sa init, para akong lalagnatin dahil sa sobrang init niyon. Maging ako ay nagulat sa ginawa ko kay Psalm, mabuti na lamang at tulog siya dahil for sure binatukan na ako ng babaeng iyon, o kaya pinitik na ang aking tainga.

"Kier bakit ka nagbablush? Okay lang yan tutal mahal mo naman siya, kaso mahal kaba niya?" Nagulat ako ng marinig ang boses ni Quira, kaya lumingon ako at nakita siyang nakatayo sa nakabukas na pinto. Napatango lang ako sa mga sandaling iyon, inilagay ko ang kamay ko sa bulsa ng pants na suot ko at humakbang palayo sa room na iyon. Lumakad lang ako ng lumakad, napagdesisyunan kong tumungo sa cafeteria upang kumain sandali.

Crytt's POV

Lamabas na si Kier matapos halikan si Psalm, kitang kita ng mga mata ko ang ginawa niya kay Psalm kanina, kung si Dhaecob ay nagulat ako naman ay napangiti na lang ako sa mga oras na iyon. Naiwan kaming apat dito sa room upang bantayan si Psalm, dalawang linggo na ang nakakalipas ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising. Hindi naman namin alam kung ano ang nangyari noong gabing iyon dahil sa makakapal na pulang usok na nakaharang sa aming paningin, tapos sinabayan pa ni King Revil sa paghagis ng itim na bola.

Nakaupo kaming tatlo  sa sofa habang si Coolen ay sa couch na inupuan ni Kier kanina. Nagkekwentuhan lang sila, pero ako nakatingin lang kay Psalm. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari noong nakaraang linggo.

"Bukas na magaganap ang pagsasakdal sa mga Darkinians." Napatango ako ng sabihin iyon ni Dhaecob, oo bukas na iyon magaganap. Nag-aalala ako kay Keith kasi kanina ayaw niyang iwanan sa room si Uye, hindi kasi siya dinadalaw nina Gale at Ella magmula ng malaman na nagtraydor ito sa kanila. Naiintindihan ko ang pinagdadaanan ni Uye ngunit hindi naman magandang idea ang sumanip sa Darkinians, lalo na nitong mga nakaraang taon. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kanyang isipan na sumanib sa isa sa kinamumuhian ng bawat kaharian dito sa Magical World.

"Sa tingin niyo ba magbabago sila sa loob ng Jail Academy?" Tanong ni Quira na katabi ni Dhaecob habang nakahawak sa braso nito, napabuntong hininga na lang ako sa mga oras na iyon at ipinagpatuloy ang pagbabasa sa librong hawak ko.

"Bakit sino bang kilala mo ang hindi nagbago sa loob ng Jail Academy?" Balik na tanong ko kay Quira. Sa ilang taon kong nag eexist dito ngayon ko lang narinig ang ganyang tanong mula sa isang elementalist, hindi ba siya nagbabasa ng history about sa mga nakulong sa lugar na iyon? Bulong ko sa aking isipan sa mga sandaling iyon.

"Yeah isa akong elementalist gaya mo ngunit sumagi lang sa isipan ko ang ganyang tanong. Hindi ibig sabihin hindi ako nagbabasa ng history kaya ako nagtatanong, I'm just asking for possible thing that I can't predict." Napatigil ako sa pagbabasa ng libro ng marinig ang malamig na pakiramdam ng sabihin ni Quira iyon, oo nga pala she's mind reader.

"Sorry for that." Sagot ko sa kanya at muling ipinagpatuloy ang pagbabasa.

"Prince Crytt sorry to cross in line pero tama si Quira, she's just asking for possible thing your highness." Pumikit ako at ibinaba ang librong binabasa ko, napabuuntong hininga ako bago imulat ang aking mga mata. 

"Sang ayon ako sa sinabi ni Butler Dhaecob your highness." Napalingon ako sa kinauupuan ni Coolen. Teka kailan pa siya nag-iba ang pananaw ko, is she's dumping me? Nanliit ang mata ko habang sinasambit iyon sa aking isipan.

"No you're not Prince Crytt, sumasang ayon lang siya sa alam niyang posibleng mangyari." 

"Hindi kami pumunta dito para pag-awayan ang ganyang klaseng bagay, pumunta kami dito para bantayan si Psalm." Tumigil na ako sa pag-iisip ng isasagot sa halip ay tumahimik na lang. Tama si Coolen, hindi porket may crush siya sa akin sasang ayon na siya sa lahat ng sabihin ko. Sobra kong minaliit ang pagkakagusto niya sa akin, hays ganito pala ang feeling kapag may humahanga sayo. Hindi naman porket mas mataas ang status ko sa kanilang tatlo ay tatratuhin ko na silang iba sa akin, hays pagod lang ako at stress pa matapos ang gabing iyon. 

"Alam kong stress ka noong gabing iyon, pero mas stress ngayon ang isa sa mga gumawa ng paraan para pigilan ang pagkuha ni Revil sa labis na lakas ng full moon noong gabing iyon." Ngumiti ako kay Quira at tumayo sa aking kinauupuan.

"I'm soryy about that." Sambit ko sabay abot ng libro na binabasa ko lang kanina.





TMW: Academy Of Magic (Curax Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon