Chapter 1: Magic

27K 390 43
                                    

Bata pa lang ako mahilig na ako sa magic, lumaki akong kasama ang magic lalo na sa bawat nangyayari sa pang-araw araw kong pamumuhay, in short involved ang magic sa lahat.

Mahal na mahal ko ang magic, sobrang mahal ngunit nagbago ito sa hindi ko inaasahang pangyayari at biglang nabura sa aking bukabularyo ang salitang iyon.

Lumipas na ang halos ilang taon, wala na akong naririnig tungkol sa ganoong usapin, mula sa bahay hanggang sa school.

Ginawang impyerno ng salitang iyon ang buhay ko ng ilang taon kaya nararapat lang na hindi ko gamitin at sambitin pa iyon.




Masakit ang mga pangyayari, kaganapan at katotohanang wala na sa akin ang pinakamahalagang tao sa buhay ko kaya mas pinili kong kalimutan at talikuran ang pag exist nito kahit alam kong nanatili iyon dito sa loob ng puso ko.

Sa tuwing maririnig ko ang salitang iyon ay nagpapanting na lang ang aking tainga, umiinit din ang ulo ko sa sinumang bumanggit niyon.




First of all my name is Psalmmer (Samer) Gomez, 17 years old. They call me walking library after I lost my parents. Why walking library? Para kasi sa akin hindi makukumpleto ang araw ko ng hindi nagbabasa ng libro. Oo mahilig ako sa libro, ngunit maliban sa libro na naglalaman tungkol sa pinakaayaw ko sa lahat, at ng dahil doon nawala ang lahat sa akin, iyon rin ang naging dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon.


.

.

.

Nandito ako ngayon sa pinakapaborito kong lugar, ano pa edi dito sa library. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin tapos sa pagkuha ng exam ang mahal kong kaibigan na sina Kaet (Keyt) at Quira (Kira), pero itong si Coolen (Kulin) walang magawa kaya sumama na lang sa akin, hindi ko naman siya pinilit na samahan ako dito dahil sanay naman akong mapag-isa.


.

.

.

After 30 minutes


"Psalm (Sam), Coolen (Kulin)!" Napalingon ako sa may pinto ng library matapos marinig ang boses na iyon.

"Miss Haile silence." Ayaw ko ng maraming satsat upang ipaliwanag pa ang ginawa ni Quira pero kailangan ko para mas malinaw sa mga nagbabasa ang flow ng istorya.

Okay, so sumigaw lang naman si Quira at dito pa mismo sa loob ng library kaya hayun pinalabas ng library staff.








"Hay naku 'di na nasanay si Quira sa library, porket di pa nakakapasok dito." Tiningnan ko lang si Coolen at lumabas na ng library.

"Kala ko 'di na kayo makakatapos." Salubong kong sambit nang makalabas ng library.

"As always naman kaming nahuhuli sa history subject." Nakasimangot na tugon ni Quira habang pakamot kamot sa kanyang ulo. 


"Matagal ko na kayong sinasabihan about sa subject na 'yan pero 'di kayo naniwala."


"E 'di naman kasi namin talaga hilig ni Kaet ang history, diba?"



"Nalate lang ako ng gising kanina kaya nahuli akong pumasok para sa exam ngayong araw." Tiningnan ko lang ang tatlo habang nag uusap.

Never kong sinubukan makipag-usap sa mga kaklase ko magmula ng mawala ang lahat sa akin, pero simula ng dumating sa buhay ko ang tatlong ito medyo may nagbago sa akin. Pero hindi pa rin ako titigil hangga't hindi ko nakukuha ang sagot sa lahat ng tanong ko.



TMW: Academy Of Magic (Curax Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon