Chapter 13: Powerful Magic

7.4K 181 0
                                    

Zanderr's POV

Hi there I'm Zanderr Jordan 19 years old. Air user and my special ability is mind reader, Kaet is my one and only love.

We are here at Training Room halos lahat ay pagod na pagod, maliban kay Kier dahil wala siya dito. I don't know where he is? And I don't care what he is doing right now. 2 days na lang ang nalalabi naming mga sandali bago mag full moon, nagsisikap kami na maging handa sa kung anumang mangyari at upang matalo ang mga Darkinians at hindi namin hahayaan na maging palpak ang planong ito.

I watch all student while training their self. At may napansin akong kakaiba sa paligid. Dumidilim ang paligid na halos gumabi na pero 1:00 pa lamang hapon, kaya natigilan ang lahat at lumabas ng Training Room, wala kaming makita dahil napakadilim. Kaya binuksan ang bawat ilawan sa hallway at sa buong Academy. Tila nagbabadya ang paligid na may darating na panganib. Napakalakas ng hangin, napakadilim at halos lahat ng mga bagay na nasa labas ay nadala ng hangin.

"Sino naman ang gagawa nito?"
Napatingin ako kay Kaet ng sabihin niya iyon sa isip niya, at nangangatal siya sa takot.
"Sino ang may gawa nito?" Muli niyang tanong sa kanyang isipan, nilinga linga ko din si Kier at nakita ko na kadarating lamang at bigla kong nabasa ang isip niya.

"Ano na naman ba ang nangyayari? At sino nanaman ang gumagawa nitong illusion na ito?" Basa ko sa isip ni Kier.

Teka illusion? Si Ella siya ang illusionist sa amin.

Agad ko namang hinanap si Ella, ngunit  hindi ko siya makita. Baka kasi siya ang may kagagawan ng mga ito. Hinanap ko siya ng hinanap, hanggang makarating ako sa isang malaking puno na malapit sa kabilang building, umiiyak siya ng makita ko. Ewan ko ba kung bakit siya umiiyak, lumapit ako sa kanya at napansin ang mga maliliit na sugar niya sa kanyang braso niya, pero biglang may humila sa akin si Kaet lang pala.

"Ella ikaw ba ang may kagagawan ng mga iyon?" Tanong ni Gale ng makalapit kay Ella.

"No Gale, hindi ako." Niyakap ni Gale si Ella ngunit nagulat siya ng biglang humagulhol ng iyak si Ella.

"Huhuhuhu Gale, may gumagamit ng magic ko. Please tulungan niyo ako!" Sumunod na lumapit si Uye kay Ella at mas lalo itong humagulhol ng iyak, napansin ko na nadagdagan ang mga sugat niya.

"Kaet sinong kilala mo ang shape shifter?" Tanong ko sa babaeng nasa likod ko, ngunit di siya nakasagot sa mga oras na iyon. Kasi kung hindi si Ella ang ginagawa nito, sino naman? Tanging shape shifter lang ang makakagawa nito, o kaya isa ding illusionist. Pero sino ang gumagawa nito?. Tanging tanong ko sa aking sarili ko habang napapaisip ng malalim.

Elementalist lang ang maaaring gumawa ng Air Tornado, at hindi lang ito basta Air Tornado dahil kulay pula ito at may kasama pang kidlat. Napatingin din ako kay Dhaecob butler ni Kier na isang Thunder User.

"Sino ang gagawa ng ganitong klase ng palabas?" Tanong ni Dhaecob sa kanyang isip. Kaya ibinalik ko ang atensyon sa labas, mas lumakas at lumaki pa ang tornado at ang kidlat nito, at kung  sinuman ang lumapit ay maaaring mamatay. Nadagdagan pa ito ng isa pang kapangyarihan, pinaghalong tubig at apoy na naging lava.

Posible kaninong Magic ito? Sino ang may gawa nito? Tanong ng karamihan sa kabilang mga isipan. Nadagdagan ang laki nito at lumakas. The size get bigger and bigger, and parang gumagalaw ito sa direksyon ng Hospital Academy kaya napatingin kami sa Hospital Academy at tila doon tatama ang hindi maintindihang kapangyarihan. Nabahala kami ng maalala na nandoon pa sina Principal, HM at Psalm.

Agad kaming tumakbo at pilit pinipigilan ang malahiganting kapangyarihan. Halos madala ang lahat ng puno at ang mga nakatayong istraktura. Nagtulong tulong kami na lusawin ang nabubuong panganib na iyon, ngunit lahat kami ay nahirapan. Maging ang mga Professor namin ay tumulong na rin sa amin, pero wala pa din, kahit ang charm ni Kier hindi napatigil ang malahiganteng panganib.

"Kier puntahan mo sina Psalm, ilabas mo sila sa Hospital." Nag-aalalang sambit ni Quira, agad namang umalis si Kier. Habang kaming naiwan ay gumawa ng paraan para mapatigil ang kung anumang bagay na nasa harap namin na patungo sa Hospital Acadey, ng makalayo si Kier hindi na namin siya natanaw pa dahil nagkaroon ng makapal na fog sa buong Academy. Huminto ang lahat sa pagpigil dahil ang malahalimaw na kapangyarihan ay nalusaw at napalitan ng makakapal na fog. Halos hindi kami magkakitaan. Agad ko namang hinanap si Kaet na kanina lang ay nasa likod ko lamang. Wala akong makita kahit biglang lumiwanag ang paligid, siguro dahil na rin sa makapal na fog kaya't hinanap ko na lang ng hinanap si Kaet.

Lumakad ako ng ilan at may nakabunggo, magsasalita pa lamang siya ng bigla ko siyang yakapin. Umiiyak na kasi siya kaya niyakap ko na, kahit hindi ko alam kung sino siya. Habang nakakapit sa akin ang babaeng umiiyak kanina ay todo pa rin ako sa paghahanap kay Kaet. Oo babae ang kayakapan ko dahil nahawakan ko ang mahaba niyang buhok.

Nasaan kana Kaet? Anu na nangyari sayo?
Tanong ko sa isipan ko at tumingin tingin ako sa paligid at sa wakas nawawala na ang makapal na fog na minuto din ang itinagal. Hindi ko muna tiningnan ang babaeng umiiyak kanina dahil tumahan na din naman na siya, at hindi ko pa rin makita si Kaet.

"Kaet nasaan kana?!" Malakas kong sigaw, hindi ko kasi siya makita tapos kanina ko pa siya hinahanap.

"Aray!" Malakas na pagbatok ang akin naramdaman sa mga oras na iyon, at tiningnan ko kung sino ang gumawa niyon. At ganoon na lang ang pagkagulat ko ng makita kung sino ang bumatok sa akin.

"Sigaw ka ng sigaw e nandito lang ako sa tabi mo." Si Kaet na nakasimangot at may mga luha pa sa kanyang kanang mata.

"Nandyan ka pala, kanina ka pa ba dyan?" Tanong ko sa kanya habang napapakamot sa baton ko.

"Oo kanina pa tapos niyakap mo pa kaya ako." Malambing niyang sagot.

"Hindi kasi kita napansin."

"Ibig sabihin kung ibang babae pala ang niyakap mo kanina, hindi mo din bibitawan katulad ng ginawa mo akin?" Galit niyang tanong sa akin.

"E k-kasi naawa ako, kaya niyakap ko na lang siya." Palusot kong sagot, e di ko naman akalain na siya pala yung umiiyak kanina.

Okay balik tayo sa nangyari. Nagulat ako ng makita ang paligid, pati sila nagulat din. At itong si Kaet nakakapit na sa akin.

Paano ba naman kami hindi magugulat? E halos walang nasira sa paligid, kahit yung mga puno na nabuwal kanina at mga istraktura na natumba. Maayos ang lahat walang nagbago sa paligid, hindi ito sira sira. Walang bahid na binayo ng malahalimaw na kapangyarihan.

Hindi ko maintindihan kung ano ba talaga ang nangyari kanina. Napansin lang namin ang basang lupa, hindi naman umulan pero basa ito at agad kaming tumungo ng Hospital.

.
.
.
Ng makarating sa Hospital. Pagkabukas na pagkabukas ay tumambad sa amin ang mukha ni Psalm.

"Psalm okay kana?" Tanong ni Kaet na kanina pa nadikit sa akin. Hindi niya kami pinansin at tumakbo lang siya papuntang Academy. Hinabol lang namin siya ng tingin, at takbo pa rin siya ng takbo.

Lumabas sina Kier, Principal Reanna at HM Draew.

"Ano po ang nangyari?" Mahinhin na tanong ni Coolen. Hindi naman nagsalita ang tatlo, sa halip ay nagtungo sila kung saan pumunta si Psalm.








Author's Note

Guys gusto ko po magpasalamat sa mga bumasa ng story ko. I hope you like it and God Bless po.

TMW: Academy Of Magic (Curax Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon