Chapter 22: Da' Moves

5.4K 130 0
                                    


"Shhhh." Tinakluban nya ang bibig ko kaya di na ako nakapagsalita. Ewan ko ba kung papaano nya nalaman na nandito ako. Hays nakakainis naman, ayaw ko pa naman siyang kasama. Parang nagugulo ang buhay ko pag sya ang nakikita ko.

.

.

.

Kier's POV

I'm with her nandito kami sa garden. Parang dun sa panaginip ko. Hahaha sana talaga siya si Princess Blair.

Nga pala kaya ako nandito sa tabi niya is because nakita ko siyang naglalakad kanina. Kaya sinundan ko na baka kasi mapahamak na naman siya e, alam nyo naman tagapagtanggol ng lahat yata ang tawag nila sa akin, hehe back to the story. Sa totoo lang pupunta sana ako sa dorm nila, pero nung nakita ko syang naglalakad sinundan ko na lang. At yung mga ibon kanina na lumalapit sa kanya ay dahil ko. Itinaboy ko sila papunta kay Psalm. Di ko alam kung bakit ko iyon ginawa, baliw na yata ako hahaha. Okay, kaya ko naman tinakluban ang bibig nya is because maririnig nung dalawang nag-uusap na nandito kami. That's why I cover her mouth before she say anything.

"What are you doing here?" Pabulong na tanong nya sa akin. Uy feeling close hahaha.

"I just wanted to see you." Pabulong kong sagot. Teka bakit iyon ang isinagot ko. No no no no.
Sambit ko sa isip ko at sya naman ngumiti lamang. Para bang sang-ayon sya sa sinabi ko.
At bigla akong kinabahan, sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Pinakiramdaman ko sya kung anu ang gagawin nya. Maya maya pa ay isinandal nya ang tainga nya sa halaman at parang may pinakikinggan. Nakakunot ang noo niyo, pero biglang nagbago at ngayon nakatawa na sya. Ang weird nya, kukunot ang noo tapos ngingiti. Pero biglang naging seryoso ang mukha nya at pumikit. Ako naman isinandal din ang tainga sa halaman may naririnig akong pag-uusap at ito yung dalawang hinahanap ni Psalm. I close my eyes and feel those words that I heard sa dalawang nag-uusap.

Para bang pinag-uusapan  nila ang gagawin mamayang gabi.
I move my ear at hinanap  kung saan mas maririnig ko ang pinag-uusapan nila. Natigilan ako ng may maramdaman akong mabango at mainit na hininga. Minulat ko ang aking mga mata, at nakita ko ang napakagandang mukha ni Psalm. Nakapikit pa rin ang mga mata nya at pinapakinggan ang pinag-uusapan nung dalawa. Ngayon ko lang sya nakita ng ganito kalapit. Napakakinis talaga ng mukha nya, then namumula mula pa ang kanyang pisngi, napakatangos ng ilong nya at tiningnan ko ang kanyang itim at mahabang pilik-mata. Hindi ako kumikibo, tanging mata ko lamang ang gumagalaw at pinagmamasdan ang napakagandang si Psalmmer Gomez na sa tingin ko ay si Princess Blair.

Sana ikaw ang babaeng nakita ko sa panaginip ko. Pero doon sa panaginip ko napansin ko na umalis ka at tinungo ang madilim na lugar. Bakit ka umalis ayaw mo ba dito sa Magical World, ayaw mo ba sa akin? Sambit ko sa aking isipan habang pinagmamasdan si Psalm.

Maya maya pa ay unti-unti niyang minulat ang kanyang mata, kaya agad akong pumikit para di nya mahalata na tinititigan ko sya. Hindi ko alam kung anu na ba ang ginagawa nya. Pero nakapikit pa rin ako. Sana di sya nakahalata. Habang nakapikit ako ay pinapakinggan ko ang pinag-uusapan nung dalawa. Makikinig muna ako baka kasi nakamulat pa si Psalm. Baka mahalata nya ako.

.

.

.

Psalm's POV

Pagmulat ko ng aking mata nakita ko agad ang mukha ni Kier na malapit sa mukha ko. Tinitigan ko lang sya kung anu ang ginagawa nya. Pero nakapikit pa rin sya, kaya tinitigan ko na lang sya. Kanina nung tinakluban nya ang aking bibig biglang bumilis ang tibok ng puso ko, lalo na nung nginitian nya ako, kaya ngumiti din ako. Hindi ko na kasi mapigilan ang paglapad ng aking pag ngiti, kaya ayun hinayaan ko na lang.

Hayyy Psalm nababaliw kana. Ang sabi mo ayaw mo syang kasama, bakit ang payapa mo pag tinititigan mo sya? Hindi ko alam sa sarili ko, may sariling isip yata ang aking puso bigla biglang tumitibok ng mabilis e hindi ko naman sinasabi. Naku Psalm gutom ka lamang, kaya ka ganyan. Sambit sa akin ng isip ko habang nakatitig pa rin kay Kier. Hindi na ako pumikit sa halip tinitigan ko na lang sya. Tutal gwapo naman sya, ay hindi pala gwapo kundi, sobrang gwapo hahaha para na akong tanga.

I feel happy today and I can't hide it. Dahil nakangiti ako ngayon habang tinititigan sya at hindi napapagod kakangiti ang labi ko. Halos minuto rin ang itinagal ng pagtitig ko sa kanya dahil bigla din niyang minulat ang kanyang mga mata at ako hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya.

"Wala na sila." Pabulong niyang sambit, ako naman nakangiti pa rin. Nagulat ako ng tinapik nya ang braso ko.

"A-anong sabi mo?" Tanong ko sa kanya na gulat na gulat.

"Wala, sabi ko bakit ka tulala?" Mahinhin nyang tanong. E hindi ko masyadong narinig dahil pabulong ang ginawa nya.

"Ah wala ma-may iniisip kasi ako, kaya ako tulala." Pagpalusot kong sambit sa kanya. Pero sya naman ang dahilan kung bakit ako natutulala. Inilapit ko ang aking labi sa kanyang tainga.
"Ahm pwede magtanong?" Tumango tango siya na ibig sabihin pwede.

"Kilala mo ba sina Prince Alexx Saffkier, Prince Kieth, Prince Crytt at Prince Zanderr?"
Napatawa naman siya sa tanong ko. Ang weird nya bakit naman sya natatawa sa sinabi ko?

"Hindi mo sila kilala?" Balik nyang tanong sa akin.

"Kapangalan kasi nina Kieth eh. Teka Prinsipe ba sila?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Yup Prinsipe sila. Teka hindi mo rin ba kilala si Alexx Saffkier?" Tanong nya ulit na para bang kilalang kilala nya si Prince Alexx. Yung yun ipinangalan ko sa kanya, ang cute kasi e.  

"Bakit kilala mo ba siya? Close ba kayo?" Agad kong tanong para makilala ko sya.

"Mamayang gabi makikilala mo din sya. Ang totoo nga makikipagkita daw sya sayo at may sasabihin."

"Talaga? Bakit mo nalaman?"

"E kinausap nya ako. Ang sabi nya pa nga magkikita na daw kayo mamaya.
Busy kasi sya ngayon e. Alam mo na kapag Prinsipe maraming ginagawa."

Oo nga, may point siya. Bulong ko sa sarili ko.

"Matanong ko lang gwapo ba sya?"

"Oo naman. Napakagwapo nya, at siya ang pinakagwapo na nakilala ko sa lahat ng Prinsipe." Parang ang OA ng sagot niya, teka paano naman niya makikilala yun?









Author's Note:

Ahm pasensya na po kung masyadong mabilis mag the moves si Kier, OA lang talaga siya.

TMW: Academy Of Magic (Curax Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon