Chapter 23: Ring

5.5K 124 0
                                    

Tumayo na ako at aalis na sana, nang biglang hawakan ni Kier ang aking kamay. Nilingon ko sya, and he smile at me.

"Pwede bang dito ka muna?" Pakiusap niya sa akin, at para siyang batang na humihingi ng candy sa akin sa hitsura niya.

"Bakit naman?" Balik kong tanong sa kanya. E ano pa ba ang gagawin ko dito? Naboboring na kasi ako, kaya mas gusto kong umalis na lang.

"Wala kasi akong kasama. Pagbigyan mo na ako please?" Para talaga syang bata. Hays pagbibigyan ko ba ito? Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kanya. Ahm?

"Sige, pero aalis na rin ako maya maya." Tumango tango naman siya at napansin kong napangiti siya. Bata talaga ito mag-isip. Maya maya pa ay tumayo sya at naglakad  ng kaunti papalapit sa akin. Umatras naman ako dahil papalapit sya ng papalapit.

"T-teka a-anong g-ginagawa mo?" Wala siyang ibang ginawa kundi maglakad pa rin papalapit sa akin. He held me by my hand, and I felt he put something in my finger. Titingnan ko na sana iyon pero hinawakan niya ang dalawa kong pisngi. Tinitigan nya lang ako, my eyes meet his sparkling and colored maroon eyes. He stared na para bang may gustong sabihin, but I felt there is something na pumipigil sa kanya na banggitin niya iyon. I close my eyes gently.
"Don't move."  He whispered.

Niyakap nya ako, at unti unti ko namang binuksan ang aking mata. Hindi ko alam kung bakit nya ako niyakap. Ngunit sa mga sandaling iyon ay naramdaman ko na lang ang saya sa dibdib ko kaya hinayaan ko na lang na yakapin niya ako at gusto ko din siyang yakapin, kaya iniangat ko ang akong kamay at inilagay sa likuran niya.
Feeling ko nasa langit na ako at tila ayaw kong bumitaw sa pagkakayakap niyang iyon. Then again I close my eyes, ang tanging naririnig ko lang ay ang huni ng mga ibon.

"Psalm, I like you."  Sambit niya sa akin, pero yung simula lang ang narinig ko. Binulong nya lang kasi yung iba at di ko naintindihan at naparinig ng ayos kaya napakunot na lang ang noo ko at inaalala ang sinabi niya.

Maya maya pa ay bumitaw na sya sa akin. At malungkot na mukha ang iniharap nya sa akin.

"You can go na." Malungkot niyang sambit, ewan ko sa kanya kung bakit malungkot ang mukha nya. Humakbang siya palayo sa akin at umalis.

Ang weird nya yayakapin ako tapos malungkot na mukha ang ihaharap sa akin. Di ko talaga siya maintindihan. Tiningnan ko naman ang kamay ko kung ano ang inilagay niya.

Nagulat ako ng makita ang bagay na inilagay nya sa daliri ko, isa iyong sing sing. Napakaganda ng singsing na iyon, kumikinang sa ganda at nagreflect pa ang liwanag ng maitapat ko sa sinagot ng araw. Napangiti ako ngunit bigla ding napawi ang ngiting iyon ng mapansin na  katulad na katulad iyn ng kulay ng Sword ni Princess Blair.
I think Red Diamond ito. Buong ko sa sarili ko.

But wait at bakit naman nya ako bibigyan ng singsing na katulad ng kay Blair? Baliw na ba talaga sya? Hayyy ewan ko sa kanya. Bahala na nga lang.

.
.
.

Kier's POV

Naglakad na ako papalayo sa kinaroroonan ni Psalm. Ibinigay ko sa kanya ang singsing ni Prinsess Blair.
Kung tama man ang kutob ko na siya iyon okay lang, but if she is not her, okay lang din. At least nasabi ko na sa kanya ang nararamdaman ko kahit ibinulong ko lang, I'm not totally ready to tell her and maybe soon. Ayos lang na sa kanya ko ibigay ang singing na iyon ng Prinsesa dahil may isa pa namang accessory ang Princess and that is the Red Diamond Ruby Necklace. Kaya ayos lang na kay Psalm ko ibinigay ang singing na iyon.

Psalm sana maalala mo ako sa singsing na ibinigay ko sa iyo. Ito na ang huli na kakausapin kita, but umaasa pa rin ako na ikaw si Blair.

Dumiretso na ako sa Dorm ko at nagpahinga. 7:00 pa naman ng gabi ang simula, kaya matutulog at magpapahinga muna ako.

And it's just 1:47 at the afternoon. So matutulog muna ako.

.
.
.

Psalm's POV

About pala doon sa nag-uusap kanina. Akala ko kung sino yung babae si Gale lang pala at yung kausap nya kanina, kapatid lang pala niya na galing sa Kingdom of Earth. Dumating na kasi ang mga dadalo para mamayang gabi. E kaya pala sila nasa garden ay upang ipakita ng kapatid ni Gale ang bago nyang Magic. He is from Immortal Academy, akala ko kasi kung ano na naman ang malalaman ko. Nakakalito na kasi ang mga tao dito, at wala akong mapagkatiwalaan sa mga ikinikilos nilang lahat.

Umalis na ako sa garden at naglakad lakad, ilang minuto ang lumipas ay nanatili pa din akong naglalakad. Ayaw tumigil ng paa ko sa kalalakad at ewan ko ba dito, hindi yata napapagod kaya sinusunod ko na lang, kung saanman ako dalhin ng mga paa ko.

.
.
.

Principal Reanna's POV

Naghahanda na silang lahat. Kami din ay naghahanda na sa posibleng  paglusob ng Darkinian.

Nasa office ako ngayon ni Draew. Pinag-uusapan namin ang plano para mamayang gabi, nakasalalay sa amin ang posibleng mangyari at kami ang front desk sa pag welcome sa mga dadalo ngayong gabi.

"Draew kailan pala natin sasabihin kay Psalm ang totoo?" Napalingon sa kinauupuan ko si Draew, magkasalubong ang kulay niya at tila malalim ang iniisip.

"Siguro mamaya na lamang. At maaari na nating sabihin sa kanya ang lahat lahat." Napabuntong hininga pa siya ng banggitin niya ang mga salitang iyon.

"Hindi kaya siya magalit?" Muli kong tanong sa kanya, magmula kasi pagkabata kilala ko na si Psalm when it comes to this kind of situation.

"Hindi naman siguro."
"Nga pala about doon sa Red Diamond Ring nakita mo na ba?" Tanong naman niya sa akin. Matagal na kasi iyong nawawala at hanggang ngayon wala pang nakakapagreport na nakita nila iyon. Kailangan naming maibigay iyon kay Psalm before 12:00 in the midnight later. Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita, ang alam ko nailagay ko iyon sa isa sa mga dorm dito sa Academy, dahil sa nangyari 18 years ago.

Flashback

Hinahabol ako ngayn ng mga naka Dark Cloak, dahil hawak ko ang Red Diamond Ring at ang Red Diamond Ruby Necklace na pagmamay ari ni Princess Blair.

Pumasok ako sa isa sa mga dorm na iyon, napansin lo  kaka ayos pa lamang ng ceiling. Hindi ko alam kung saan pupunta at hindi ko din naman pepwedeng iwan ito kung saan saan.
Wala akong mapili kung saan itatago ang singsing. Maya maya pa biglang may bumagsak na pintura sa aking harapan. Kaya tumingala ako so ibig sabihin basa pa ang ceiling. And pwede kong ilagay doon ang singsing.

Inihagis ko pataas ang singsing.
And sa wakas dumikit din iyon.
Hindi ko alam kung hanggang kailan ang itatagal ng pinturang iyon. Hindi ko na inihagis paitaas ang necklace dahil nakalagay ito sa isang box. Hindi iyon didikit dahil masyadong mabigat ang box...

Pagkuway ay agad na akong umalis sa Dorm na iyon. At hindi ko man lang natandaan kung saang Dorm ko iyon nailagay.

Dala dala ko pa rin ang box ng necklace..

End of Flashback

"Draew itry kaya nating tingnan sa bawat Dorm."

"Natry na natin iyon, dba halos lahat nga ng rooms dito ay natry na nating tingnan ang ceiling. Pero wala tayong nakita."

"Dba iilaw naman iyon once na nasa kamay na iyon ni Psalm" Oo nga nu. Pero sana hindi iyon napunta sa masamang kamay.
Bakit kc hindi ko nilagyan ng tanda ang Dorm na iyon. Hayyy






Author's note:

Ang babaw talaga ng kwento ko...

TMW: Academy Of Magic (Curax Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon