Chapter 43: She's awake

5.1K 108 0
                                    


"Guys anong oras pala ang meeting natin?" Tanong ni Quira habang nakasandal kay Dhaecob. Sila na yes sila na noong nakaraang araw pa. Ilang araw lang niligawan ni Dhaecob pero sinagot agad ni Quira kaya ngayon parang ahas kung makakapit kay Dhaecob.

Ako naman ito libro ang pinagkakaabalahan, actually gusto kong magsabi kay Coolen kaso nahihiya akong kausapin siya, lalo na ngayon dahil sa inasta ko kay Quira kanina sa pagtatanong niya about sa mga nasa Jail Academy ngayon.

Pero noong nalaman ko na crush niya ako natuwa naman ako, sinabi sa akin iyon ni Quira noong nakaraang linggo. Masaya ako dahil crush ako ng gusto ko, kaso nahihiya pa ako at humahanap ng tamang bwelo para masabi ko na sa kanya ang totoo kong nararamdaman. Pero baka hanggang crush lang ang turing niya sa akin hindi totatlly love, hays sana naman hindi.

"Ano na naman ang iniisip mo diyan ha?" Tinapik ako ni Dhaecob sa aking balikat habang hinaharot siya ni Quira.

"Wala!" Nakakunot kong sigaw sa kanya, palibhasa sila na ni Quira kung anu ano na ang kanyang sinasabi sa akin. Kahit may dugo akong bughaw ay tinuring ko ng kapatid si Dhaecob kahit na minsan nakakainis siya kausap. Sina Quira at Coolen naman ay kamag anak ni Kieth, kaya medyo malapit silang tatlo.

"Ano na naman ang pinag-uusapan ninyo?" 

"Wala ka na dun." Naiinis kong sabmit sa nagtanong.

"Are you sure?" Nanlaki ang mata ko ng marinig ang malinaw na boses na iyon, dahan dahan kong inilingon ang aking ulo sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nakaupo na siya habang kinukusot ang kanyang mata, ilang sandali lang ng umalis si Kier ay nagising na si Psalm, bakit sa tuwing naalis si Kier saka nagising si Psalm. Nangyari na din ito noon at nakapagtataka naman na lagi na lamang ganun ang mga nangyayari.

Agad na lumapit si Coolen kay Psalm, niyakap niya iyon at umiyak pa sa mga oras na iyon.

"Psalm mabuti naman at nagising kana." Naiyak na sambit ni Coolen, ngumiti lang ng kaunti si Psalm kay Coolen at ibinaling sa amin ang paningin.

"May pagkain ba kayo dyan?" Nagkatinginan kaming lahat dahil sa tanong ni Psalm.

"Nagugutom ka ba?"

"Obvious ba? Kaya nga ako nagtatanong kung may pagkain kayo na kahit ano." Galit na sambit ni Psalm sabay hawak sa tiyan, narinig kong kumulo iyon, tama nagugutom na nga siya.

"Bibili na lang kami sa cafeteria." Tumayo si Dhaeccob at hinawakan sa kamay si Quira.

"Bakit tila close na yata sila?" Nagtatakang tanong ni Psalm habang tinitingnan ang pinto kung saan lumabas sina Dhaecob at Quira.

"Mahabang kwento Psalm, siguro sa susunod malalaman mo din. Teka, nga pala ano pala ang nangyari sayo sa ere at ang tagal mong bumaba?" Sambit na tanong ni Coolen, napatungo naman si Psalm ng itanong iyon ni Coolen at humiga muli sa kama, tiningnan ko si Coolen at nilakihan niya ako ng mata.

"Bakit?" Bulong ni Coolen sa akin dahil sa pagsama ng tingin ko sa kanya, sumenyas ako sa kanya kung bakit gamit ang aking mata at kilay.

"Hindi ko alam kung saan magsisimula, ngunit noong pababa na ako biglang may sumalubong na kapangyarihang itim sa akin, si Revil ang nagmamay-ari niyon mabuti na lamang may tumulong sa akin ngunit hindi ko inasahan ang sunod na nangyari. Sinaksak ako ni Revil mula sa aking likuran, noong una nahihilo lamang ako ngunit ng maramdaman ang sakit na iyon ay nawalan na ako ng balanse na bumaba makapal na usok ang sumalubong sa akin ng pababa na ako, pero pinilit ko pa ring daanan iyon. Nang makita ko si Revil na tumatakbo papalayo habang hinahabol siya ng ibang estudyante ay mas lalo akong nahilo. May hawak siyang patalim sa mga sandaling iyon at tiningnan ko lang iyon, hinagisan ko siya ng aking kapangyarihan, natamaan ko siya at naglahong bigla, hindi ko alam kung anong magic ang inilabas ko sa mga sandaling iyon kaya wala akong idea kung anong nangyari sa kanya. Tapos naramdaman ko na lang ang mga brasong sumalo sa akin hindi ko alam kung sino iyon, hanggang hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari." Mahabang salaysay ni Psalm habang nakatingin sa kisame ng room, biglang lumiwanag ang kanyang balikat ngunit hindi niya iyon pinansin. 

TMW: Academy Of Magic (Curax Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon