Chapter 27: Beginning of Revenge

5.4K 111 2
                                    


Sa wakas naman ay tumigil din sa pag-iyak si Kaet. Bulong ko sa sarili ko, lumingon siya sa akin at tiningnan lang ako.

"Basahin mo na lang ang isip ko. Para masagot na ang lahat ng mga katanungan  mo dyan sa iyong isipan." Nagulat ako ng dahil sa sinabi niya. Paano nya nalaman na kaya kong gawin iyon? E wala pa naman akong pinagsasabihan ng tungkol dito. Muli kong buong sa akin isipan sa mga sandaling iyon. Tumingin lang ako sa kanya sa mga sandaling iyon at bigla siyang suminyas. Sa ngayon ayaw ko muna gamitin ang aking---

"Kailangan kitang bantayan. Iyon ang iniutos sa akin ni Principal Reanna. Ayaw naming mapahamak ka, sinisisi ko ang sarili ko dahil sa nangyari sayo sa library noong nakaraang araw. Ayaw munang ipaalam ni Principal Reanna ang totoo sa iyong pagkatao. Siguro ay darating din ang araw na sasabihin namin sa iyo ang totoo. Noong una ay nagulat din ako sa sinabi niya, ngunit simula ng malaman ko iyon hindi na ako nagdalawang isip na bantayan ka. Ang ginagawa ko ngayon ay tulad din ng ginawa ng mga magulang ko noon. Gusto ko silang tularan at papatunayan ko na kaya ko din iyong gawin. Kaya ngayon sana maintindihan mo ang bawat ginagawa ko para sa iyo." Tila naging istatwa ako ng marinig ang boses ni Kaet sa aking isipan, hindi ko alam kung narinig ko ba o nabasa ko ang isipan niya sa hindi sinasadya. Bakit ano ba ang tunay kong pagkatao. A-ampon ba ako ni Mommy at Daddy or no no no no, it cannot be no!

No no no si Reanna ang tunay kong magulang. Kaya ba , kaya ba ganoon na lang siya kung mag-alala sa akin. Because she is my real Mom. Pero paano?

"Alam kong magtatanong ka kung ano ang totoo mong pagkatao. Dahil iyan din ang tinanong ko kay Principal, ngunit malapit munang malaman Psalm. Malapit na". Halos lahat ng sinabi nyang iyon ay paulit ulit na tumatakbo sa aking isipan. I want to use my teleportation ability. But my mind said stay and be strong. I feel I'm not existing in this world, I do not know the real me, I do not know who is my real family. Sunga ba ako o crazy lamang? Pati sarili kong katauhan hindi ko kilala. Ang posisyong aking kinatatayuan ay parang kasinungalingang walang hanggan. Patuloy kong pagtatanong sa aking isipan. Baliw na nga talaga ako, at hindi ko na kaya pang tagalan ang mga nangyayari. Maya maya pa napansin ko na tumayo si Kaet at humakbang papalapit sa akin, iniabot niya sa akin ang libro na binabasa ko kani kanina lang sa living room bago pa siya dumating. Itinango niya ang kanyang ulo sa harapan ko at dahan dahan niyang itinunghay iyon ng may ngiti sa kanyang labi, napansin ko ang magandang pares ng kanyang mata na nakatingin sa aking kinaroroonan, nakangiti din iyon tulad ng kanyang mga labi.

TMW: Academy Of Magic (Curax Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon