Chapter 10: Kingdom of Dark

8.4K 185 1
                                    

This is it pansit, hahahaha.

Psalm's POV


Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari, todo ang paghihintay ko sa training room para pasalamatan yung babaeng tumulong sa akin kanina pero that girl is me? Paano? Bakit? Naku maloloka na talaga ako. Kaya dapat makaalis na ako dito sa mas madaling panahon, at baka pagtumagal pa ako eh sa mental na ang diretso ko.

Wait speaking of Uye, bakit niya nagawa iyon? Uyela paano mo nagawang lokohin ang Academy, ikaw pala ang nag iispiya upang ipaalam sa iyong kamahalan ang bawat mangyayari dito, and who is King Revil? Tanging katanungan ko sa aking isipan. Hindi ko pala naitatanong kina Kaet kung anong magic ang meron yang Uyela na yan. Mas mabuti pa sigurong magresearch ako about those things, at bakit pala hindi itinuturo ang history ng mga Kingdom Kingdom na iyan hayys. Nakakaloka na talaga, as in NAKAKALOKA. 

Naglakad na ako palayo sa lugar na iyon, napatingin ako sa wrist watch ko, it's 3:36 am at hindi pa rin ako dinadalaw ng antok, kaya napagdesisyunan ko na lang na pumunta sa Library, para na rin makapag research ako about diyan sa Revil na yan.

Habang naglalakad sa hallway patungong Library ay may isa na naman akong aninong nakikita na papalapit at ito na naman magtatago na naman ako, ano bang buhay ito? Tanong ko sa sarili ko habang naghahanap ng matataguan. Tumago na lang ako sa isang madilim na bahagi ng pasilyo at ngayon si Kaet naman ang nakita ko na para bang may hinahanap.

Pati ba naman siya? Siguro si Uye ang hinahanap nito, halata sa mukha ang pag aalala eh, at parang importante ang bawat sasabihin niya.

Maya maya nagtungo na ito papuntang dorm. Buti naman at umalis na siya, hay buhay kailan ba matatapos itong kalbaryo ng buhay ko? At lumabas na ako sa pinagtataguan and nagtungo na ako sa Library, walang tao dito pero nakabukas na ang ilaw sa may pinto at ng bubuksan ko na ang pinto hindi ito nakalock. Mabuti naman at hindi ito nakalock, sambit ko sa isipan ko. Pumasok na ako at naghanap ng libro, medyo madilim dahil isang ilaw lang ang nakabukas. Wow, ang laki ng Library dito. Then the shelves of every books are wonderful and beautiful, siguro mga 10 feet ang taas bawat shelves. Parang gusto ko dito na lang tumira ang ganda kasi teka no no no no Psalm diba ayaw mong tumira dito diba? Diba? Sabay batok sa sarili ko. But infairness maganda talaga, hindi katulad sa mortal world.

Saan kaya nakalagay ang mga libro na iyon, hmn.

Hanap dito, hanap doon. Ano ba yan ang laki kasi nitong library, hindi ko tuloy makita ang ibang title ng mga books? Naglakad lakad ako sa bandang dulo ng Library habang hinahanap ang libro na kanina ko pa hinahanap. Nang makarating sa dulo nakita ko rin ang nag-iisang shelf na nasa harap ko.

History of Kingdoms and History of Academies

-The Kingdom of Water
-The Kingdom of Air
-The Kingdom of Earth
-The Kingdom of Fire
-The Kingdom of Dark
-The Kingdom of Magic

-Academy of Magic
-Immortal Academy
-Magical School

Agad kong kinuha ang bawat libro na nakahanay sa shelf, pero ang hirap abutin ang taas kasi, tumiyad na ako pero di ko pa rin maabot, naghanap ako ng upuan na pwede kong tungtungan, at mabuti nman may upuan sa tabi ng shelf pero parang medyo sira, pero ginamit ko pa rin at ng tumungtong ako ay naingit ingit pa ang upuang ginagamit ko, sa wakas nakuha ko din pero biglang

Bogsss.
Biglang bumigay ang upuan na tinutungtungan ko.

"Aray!" malakas kong sigaw.
Malas talaga nakakainis! Sambit ko sa isip ko at tumayo na lang ako at tiningnan ang tuhod ko.

"No, tuloy nagkasugat ako." Inis kong sambit.

8 books na ang hawak ko ngayon at umupo sa sahig kahit masakit ang tuhod at panimulang binasa ang mga ito. Pero una kong binasa ang libro na kanina pa tumatakbo sa isip ko at ito ay tungkol sa nabanggit ni Uye kanina na si King Revil.


Kingdom of Dark basa ko sa title, known as the selfish Kingdom,
King Reovinel was the King of the Kingdom of Dark, his son Prince Revil got injured due to the war between Kingdom of Magic and Kingdom of Dark.  After the war King Reovinel died,  and it was because of Prince Liam. Prince Revil moved on and married to an ordinary girl and got a baby girl. His wife and baby girl was die at third war of the same Kingdom, but it is his fault why the Queen and Princess died. King Revil wanted to revenge to all Kingdoms, especially to Kingdom of Magic.

"Kaya pala, namatay ang Reyna at Prinsesa nung digmaan kaya ganoon na lang ang galit niya sa lahat ng Kingdom.

"Nakakaloka naman itong si King Revil siya na nga ang may kasalanan kung bakit namatay ang mahal niya then idadamay niya pa ang ibang Kingdom, haist kaloka talaga hay.


It's quarter to five na, and napatingin ako sa labas at unti-unti ng sumisikat ang araw, parang dinadalaw na ako ng antok.

Maya maya unti-unti na ring pumipikit ang aking mata, hindi ko iyon mapigilang ipikit kaya hinayaan ko na lamang.












A/N:

Naku Psalm nakatulog ka na.

TMW: Academy Of Magic (Curax Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon