Chapter 9: Another Secret

8.6K 245 5
                                    


Psalm's POV

Ito ang 2nd day ng training ko, at hindi ako makatulog kaya napilitan akong bumangon sa kama at lumabas sa dorm. Mag aalas dos pa lamang ng umaga at hindi  ko din alam kung bakit hindi na ako makatulog. Habang naglalakad palabas ay hawak hawak ko naman ang schedule ko na nasa papel at  hanggang ngayon ay sinasaulo ko pa rin ito, napagpasyahan ko munang maglakad lakad sa pasilyo habang sinasaulo ang mga ito. 

Patuloy lang ako sa paglalakad at ng makarating sa dulong bahagi ay kumanan ako at nagpatuloy sa paglalakad, habang abala ako sa paglalakad may napansin akong liwanag na nanggagaling sa isang hindi pamilyar na lugar na nasa dulo ng nilikuan ko kanina tatawagin ko na lang na Creepy Forest kasi ang creepy ng hitsura. At syempre ayaw ko ng mga katanungan kaya lumapit ako doon ngunit biglang may bumato sa akin kaya napalingon ako pero wala namang ibang tao doon, ng tiningnan ko kung ano ang ibinato sa akin napansin ko ang isang papel na nasa sahig na, gusumot na iyon pero mukhang bago ang papel. Nang lalapitan ko na ang papel ay may napansin akong anino na papalapit sa aking kinaroroonan, kaya agad kong kinuha ko ang papel na iyon at tumago sa likod ng isang napakalaking halaman na malapit sa isang pinto. Maya maya pa ang napansin ko ang isang babae na naglalakad, isa siya sa mga kaklase ko sa history at mukhang isa siya sa kasamahan nung Gale ang pangalan. Si Uye, oo tama si Uye nga ito, palinga linga siya bago tumungo sa Creepy Forest kaya nagtaka ako, nang makapasok siya ay napansin ko ang madilim na bahagi na kanina ay maliwanag. Nang mga oras na iyon ay humakbang ako paatras para makabalik sa dorm ngunit may biglang tumulak sa akin patungo sa gubat na iyon, nilingon ko kung sino iyon ngunit nakatakbo na siya. 

"Sino ka?" Mahina kong tanong,pero tila nakikipag usap lang ako sa hangin dahil walang ibang tao dito kundi ako lamang. Wala na akong  nagawa kaya dumiretso na ako sa paglalakad sa gubat na iyon, nakakatakot sa loob dahil sa bawat pag ingit ng mga puno na naglalakihan at mayayabong na sanga, may naririnig din akong kuliglig ay hunid ng kuwago kaya mas lalong nakakatakot pakinggan, nakakapagtaka lang bakit may ganitong klase ng gubat sa isang paaralan na katulad nito. 

"Asan na ba siya?" Tanong ko sa sarili ko habang naglalakad, maya maya pa napansin ko na naman ang liwanag na nakita ko kanina, sinundan ko iyon ng sinundan hanggang sa makita si Uye sa isang bahagi ng gubat at may kinakausap siya. Umupo ako sa ilalim ng isang puno kung saan hindi masyadong creepy dahil medyo may kaliitan iyon. Hindi ko kilala kung sino ang kausap niya pero ng humakbang si Uye pakanan ay nakita ko ang buong hitsura ng kausap niya, isang tao na nakasuot ng cloak pero hindi ko makita ang mukha niya.

"They found her, masyado siyang malakas kaya mag-ingat kayo. Hindi niyo magugustuhang makalaban siya."

"Masusunod po." May pagkacreepy din ang kausap ni Uye kaya medyo nalilito akong hulaan kung sino iyon.

"And tell to my King that we have a chance to win this time, dahil walang kwenta ang nakita nilang kapalit ng Prinsesa." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Uye.

"Pero hindi pa tayo sigurado sa kaya niyang gawin, at kailangan pa nating mapadami ang hukbo natin. Sayo na rin nanggaling na hindi natin magugustuhan na makalaban siya, and I saw her power bago siya idala dito sa mundo natin, may ibubuga siya kaya mag iingat ka."

"Kilala mo ako Ravin, hindi ako nagpapatalo sa isang pangkariwan na tao gaya niya, nakalimutan mo yata na ako ang apprentice ni King Revil kaya mas may alam ako kaysa sa kanya." Napansin kong lumakad si Uye papalapit sa kausap niya at nakita kong itinutok niya ang kamay niya sa kausap niya, hinawi lang iyon ng kausap niya at nagpalabas ng isang itim na usok mula sa kamay.

"Darkinians!" Sambit ko, ngunit medyo napalakas kaya napalingon sa paligid ang dalawa.

"May tao ba diyan?" Tanong ni Uye habang naglakad lakad.

TMW: Academy Of Magic (Curax Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon