Chapter 37: Last Minute

4.8K 105 0
                                    

Coolen's POV

"Kaet! Kaet, Kaetttttttttttttttt!" Malakas na sigaw ang nagpatigil sa aming ginagawa, boses iyon ni Psalm kaya nagmadali na kami, ang utos sa amin ni Psalm ay gumawa ng potion hindi namin kung para saan pero ang sabi niya gumawa lang kami, sa lahat ng potion ito ang naiiba. Tila may project kaming ginagawa ni Quira ng dahil sa potion na ito.

Ang potion na ito ay hindi basta bastang potion, mahirap ito gawin dahil kailangan dito ng elementalist upang maging successful sa lahat ng ingredients. Isang ingredient na lang ang kulang para matapos na namin pero hindi alam ni Crytt kung ano ang ingredient na iyon. Sinabi ni Psalm na ang last ingredient ay mahirap mahanap dahil maging siya ay hindi alam kung saan ito mahahanap ngunit may nag iisang tao na kayang ibigay ang ingredient na iton, ngunit hindi sinabi ni Psalm kung sino iyon at wala kaming idea kung sino at saan siya matatagpuan lalo na at kailangang kailangan na naming matapos ito. 

"Wait! Parang kilala ko na kung sino ang tinutukoy ni Psalm. Nabasa ko sa isang libro ang tungkol sa kanya pero hindi ako sigurado kung siya nga ba ang tinutukoy ni Psalm at di ako sure kung tama ba ako. Teka iisip ko muna kung sino siya." Sambit ni Crytt habang nakaharap sa hawak niyang libro na kanina niya pa dala dala. 

Makalipas ang ilang minuto na pagbabasa niya sa librong iyon ay napatingin pa siya sa amin.

"Kilala ko na, kilala ko na siya. The person who can give the last ingredient is Princess Blair." Nagkatinginan kami ng sabihin iyon ni Cryyt.

"But how? Wala na tayong oras para hanapin ang Prinsesa, hindi nga natin alam kung saan siya hahanapin at kung saang lupalup siya nagpunta." Tugon ni Quira, maging ako ay napaisip sa sinabi ni Quira at Cryyt, napaisip din ako kung paano mahahanap ang nag-iisang ingredient.

"Alam ko na, subukan kaya natin kay Psalm tutal pareho lang sila ni Princess Blair. Diba the same lang naman ang magic nila ng Prinsesa kaya posibleng si Psalm din ang sagot sa hinahanap natin." Napatingin silang tatlo sa aking sinabi, yun lang kasi ang naiisip ko pero malay niyo gumana siya.

"Sige subukan natin." Tugon naman ni Dhaecob, inayos na namin ang gamit at nagtungo sa Hall upang puntahan si Psalm.

Uye's POV

Uyella Swift is the name, 18 years old.

"Kaet, Kaet gumising ka!" Sigaw na si Psalm sa pagtawag sa pangalan ni Kaet. Sa pagsigaw niyang iyon ay bigla nabalot ng makapal na usok ang buong paligid na kinatatayuan namin. Nagkalat sa sahig ang dugong isinuka ni Kaet maging ang dugo na nagmumula sa kanyang tagiliran habang nakayakap sa kanya si Psalm na  patuloy pa rin sa pag iyak. Nakapikit siya habang umiiyak, maya maya pa ay napansin kong unti unting nabubuwal ang aking kinatatayuan dahilan para panlakihan ko iyon ng aking mata bilang reaksyon.

"Teka ano ito?" Gulat na gulat ako ng makita ang mga apoy na dumadaloy mula sa luha ni Psalm. Oo lumuluha siya ng apoy na may halong tubig at tila lava iyon na katulad ng sa bulkan, nakaramdam ako ng kaba ng lingunin niya ang kinaroroonan ko, napalunok naman ako ng laway sa pagkakatitig niya. Ang usok ay napalitan ng apoy na katulad na katulad sa pagdaloy ng luha ni Psalm. Napaatras ako sa bawat pagdaloy ng apoy na may tubig patungo sa aking kinaroroonan. Napahakbang ako paatras at pilit iniiwasan ang mga lava na patuloy sa pagdaloy, maya maya pa ay napasigaw ako ng mahagip ang aking kanang paa pero pinilit ko pa ring tumakbo patungo kay Vidia ngunit tinulak ako ni Vidia imbes na tulungan. 

"Vidia, bakit? Tulungan mo ako please, ayaw ko pang mamatay marami pa akong plano." Humarap ako sa kanya ng sabihin ko iyon.

"Bakit mo ginawa yun? Diba ang plano ay yung puslit ang sasaksakin hindi yung Kaet na nakahiga." Namumula sa galit na sambit ni Vidia habang hinawakan ang aking braso.

TMW: Academy Of Magic (Curax Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon