Chapter 5: The Necklace and The Birth Mark

10.4K 233 15
                                    

Kinabukasan

Quira's POV

Nasa room na kami ngayon at tulad kahapon ganon pa rin si Psalm, tahimik, walang kibi sa bawat sinasabi namin at cold. Psalm kailan ba babalik ang tunay na ikaw? Namimis ko na kasi iyon. Sambit ko sa isip ko habang nagsusulat ng mga keyword na sinasabi ng professor namin.

Psalm's POV

"Psalm ito pala yung libro na ibinigay mo sa akin." Hindi ko iyon pinansin sa halip ay isinubsob ang ulo sa table ko, wala pa rin akong gana magbasa ng kahit anong libro sa ngayon, ang gusto ko lang ay ang matulog at magpahinga. Makalipas ang ilang sandali ay tumayo na ako sa kinauupuan ko at lumakad palabas ng room ngunit biglang may humarang sa aking dadaanan.

"Akala ko ba walking library ang tawag sayo sa Mortal World?" Tanong sa akin ng isang babae na may kasamang dalawa pang babae na nasa likuran niya at mukhang alalay kung titingnan.

Tiningnan ko lang siya at sinubukang lumakad palayo sa kanila ngunit idinipa niya ang kanang niyang braso upang hindi ako makaalis.

"O kaya hindi ka talaga walking library haha. I knew it! You're just a poor girl. "

"Leave me alone. "

"Whoa nagsalita ka din finally haha, paano kung ayaw ko? Ha?" Hindi na ako nagsalita sa sunod niyang tanong sa halip ay nanahimik, pansin kong nakatuon na ang atensyon ng lahat sa aming kinatoroonan kaya nakaramdam ako ng pagkainis lalo na sa ginagawa ng dalawang babae na nasa likuran niya. Kanina pa sila tawa ng tawa ngunit wala namang nakakatawa sa mga nangyayari ngayon.

"Huwag mo akong subukan." Pagbabanta ko sa kanya at muling inihakbang ang aking paa, umatras siya ng kaunti ngunit sinalubong ako ng isang walang kwentang ngisi niya, napailing lang ako ngunit at hinarangan ng dalawa namang babae.

"Whoa, nakakatakot ka naman, chill ka lang wala naman akong ginagawang masama. Nagtatanong lang naman ako diba girls? Hahaha, sinong tinakot mo?" Rinig ko ang hagalpakang tawa nila dito sa loob ng room, maging ang mga matang nanlilisik ang mga tingin na nagmumula sa aking likuran.

"Sinabing huwag mo akong susubukan"

"Oh bakit naiyak ka na? Wala pa naman akong ginagawa sayo para ikadahilan ng iyong pag iyak." Nagulat ako sa sinabi niya kaya agad kong pinunasan ang luha na umaagos sa aking pisngi. Peste namang luha ito hindi man lang nagsabi sa akin na papatak na pala, hays sino ba kasi qng tatlong ito na nasa harapan ko?

"Kawawa ka naman, wala na ngang magulang wala pang alam sa nangyayari." Nakaramdam na ako ng pagkainis sa mga salitang binitawan niya, ang luhang kanina ay dumadaloy sa aking pisngi ay mabilis na natuyo ng biglang umihip ang hangin na nagmumula sa labas ng pinto ng kuwartong ito.

"Wala na ngang magulang wala pang alam sa mga nangyayari."

"Wala na ngang magulang wala pang alam sa mga nangyayari."

"Wala na ngang magulang wala pang alam sa mga nangyayari."

Paulit ulit na buong sa akin ng aking isipan, hindi ko napigilan ang pamumuo ng tubig sa aking mga mata maging ang muling pagdaloy nito sa magkabila kong pisngi.

"Hoy, asungot huwag kang magsalita ng kung anu-ano diyan." Natigilan ako sa pag-iisip ng marinig ang boses ni Coolen na nagmumula sa aking likuran.

"Totoo naman diba? Nawala sila dahil sa kaibigan niyo, dahil kinakareer yata na maging katulad ng Prinsesa. Lilinawin ko lang sayo babae, hinliliit lang kita at itatak mo sa kukuti mo ang mga sinabi ko. Tsaka pasalamat ka at hindi pa nakikita ang Prinsesa, dahil for sure mas kawawa ka kapag siya ang hinarap mo, lalo na sa mortal attitude mo." Hindi ako makapagsalita sa mga oras na iyon dahil sa sinabi niya, maging ang pagbuka ng bibig ay hindi ko magawa. Tanging ang mga luha lamang na patuloy na umaagos sa aking magkabilang pisngi. Hindi ko din kasi alam ang sasabihin sa mga pabanat ng babaeng nasa harapan ko.

TMW: Academy Of Magic (Curax Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon