Chapter 33: 11:17 PM

4.8K 109 0
                                    


"Wait iba ang bantay hindi siya estudyante dito, tsaka ngayon ko lang sila nakita." Bulong sa amin ni Crytt. Tumigil kami sa paglakad at pinagmasdan ang bawat galaw sa loob ng Session Hall. Kakaiba ang bawat nangyayari at nahuli na nga kami. Maya maya pa ay may narinig akong nag-uusap, nilingon ko iyon si Reanna at HM iyon na nasa tabi.

"Kasalanan ko ito, hindi sana mangyayari ito kung hindi dahil sa akin." Boses iyon ni HM.

"Wag mong sisihin ang sarili mo, may paraan pa upang mapigilan natin sila. Lalo na pag dumating ang sinasabi ni Vidia na special guest." Reanna said.  Natigilan ako ng marinig ang salitang special guest. Iyon ang tinutukoy ni Kaet ng ikulong niya ako sa gubat na puno ng mahika. At ang special guest na iyon ay si King Revil, alam ko na ang plano nila hindi yata alam ni Kaet na kaya kong bumasa ng isip nila. Tinatrap ko naman siya kapag babasahin niya ang isip ko kaya mas lamang ako sa kanya, matagal ko ng nadiscover ang ability kong iyon, ayaw ko lang sabihin sa kanila dahil ayaw ko nga sa magic, pero parang unti unti ko na ring nagugustuhan ulit.

Pagkuway ay lumapit ako na kaunti sa may maliit na butas.

"Ha?" Nagulat ako ng makita ang lahat. Nagulat din sina Crytt at Coolen ng makita ngunit mas nagulat ako ng makita ko ang mag-asawang kasama ni Reanna at HM. Parang kilala ko sila, ngunit ngayon ko lang sila nakita.

"Psalm, anong gagawin natin?" Nakapout na tanong ni Coolen sa akin.

"Alam ko na, kaya niyo bang magpanggap na kawal?" Nagulat naman si Coolen sa tanong ko sa kanila. Wala silang magagawa yun ang sumagi sa isip ko eh. Maya maya pa ay tumango tango lang silang dalawa.

"Okay, kayong dalawa ang magpapanggap na kawal at ako naman ang -----

Nakatingin silang dalawa sa akin. At inaabangan ang pagbuka ng aking bibig sa susunod kong salita.

"Ano ang gagawin?" Malamig na boses ni Crytt.

"Basta umarte na lang kayo na parang mga kawal, yung best act niyo ha? Yung mapapaniwala niyo ang lahat ng makasalubong niyo." Tumango lang ang dalawa, basta gawin lang nila ang best nila, at kapag nangyari yun makakapasok kami at makakagawa ng ayos.

Gumawa ako ng damit na katulad ng kawal na nakita namin kanina. Ability ko din na manggaya at kaya ko iyon sa ibang tao. Nang maisuot na nina Crytt at Coolen ang damit na ginawa ko gamit ang magic ko ay nagpalit na din ako ng anyo.

"Huh." Napansin kong nagulat silang dalawa ng magpalit ako ng anyo.

"Ako 'to si Psalm." Paliwanag ko sa dalawa.

"Do your best for the Academy." Muli silang tumango tango sa sinabi ko.

Maya maya pa ay nagsimula na kaming maglakad at lumapit sa isang bantay. Tumango lang ito bilang paggalang, naglakad lang kami hanggang sa may magsalita na isang babae mula sa aming likuran.

"Habang naghihintay tayo, pwede kayong kumain kung gusto niyo." Muntik na kami, akala ko sisitahin kami yung pala magsasabi lang. Maya maya pa ay nakaramdam na ako ng gutom, hindi pa kasi ako nakain at ngayon pa talaga ako nagutom. Wrong timing naman ang sikmura ko hayy. Pero nagpatuloy pa rin kami kahit nakakakaba.

Habang naglalakad napansin ko ang tingin sa akin ni Reanna at HM, tila sinusumpa kami sa mga tingin nila pareho maging ang lahat ay masama ang tingin sa amin, halata sa mukha nila ang galit sa ginaya kong tao.

"Oh napaaga yata kayo." Yumuko sa akin ang babaeng may hawak na mikropono, lumapit siya sa akin at may ibinulong.

"Naniwala po sila sa plano ni Kaet, mukhang napasubo pa ang Hari at Reyna." Nakangiting bulong niya sa akin. Tumango ako at suminyas, ngunit hindi ito maintindihan ng kawal na si Crytt, kaya binulungan ko siya.

TMW: Academy Of Magic (Curax Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon