Chapter 25: Azureus

5K 118 1
                                    


Pupunta na sana ako sa dorm ni Kier, nang makita ang mga estudyante na nakatumpon tumpon. Hindi ko alam kung anong meron, kaya lumapit na lang ako sa karamihan at tiningnan ang mga nangyayari.

"Andyan na ang mga Royals." Girl 1
"Ang popogi at ang gaganda talaga nila." Girl 2
"Kahit may asawa at anak na sila ang pogi pa rin nila." Girl 3.

Nandiyan na siguro ang mga Hari at Reyna. Akala ko ba 8:00 pa ang dating nila? Bakit ang aga nila? Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa mga Hari at Reyna, napasulyap ako sa wall clock na nasa tabi ng isang dorm and it's already 3:24pm. Sumilip ako ng kaunti, pero hindi ako makasiksik dahil sa mga estudyanteng nagtitilian. Lumiyad ako upang makita ang kinaroroonan ng Royals ngunit kahit nakatiyad na ako ay di ko pa rin makita.

Ilang minuto ang lumipas, hindi ko pa rin iyon makita kaya nainis ako, umalis na lamang ako sa lugar na iyon ngunit napatigil ako sa paglalakad dahil ibang direction ang aking napuntahan.
Teka sa kabila ang dorm ni Kier, bakit nandito ako sa harap ng office ni Reanna? Bulong ko sa isipan ko sa mga oras na iyon.

Tumalikod na ako sa pintong iyon at aalis na sana, ngunit may marinig akong boses sa di kalayuan. Noong una ay hindi ko iyon pinansin ngunit natigilan ako ng marinig ang sunod na boses.

"Nakita na daw ang Prinsesa." Sambit ng isang boses lalaki, hindi iyon pamilyar sa akin kaya hindi ko mahulaan kung sino ang nagmamay ari niyon.

"Oo nga daw at si Kier daw mismo ang nakakita sa Prinsesa." Pagsang ayon naman ng isang boses babae.

"So ibig sabihin niyan, hindi na natin kailangang matakot sa posibleng gawin ng Darkinian?" Tanong naman ng isa pang boses, matinis iyon kaya sure akong babae ang nagmamay ari ng boses na iyon. Mas lumapit ako sa kinaroroonan ng office ni Reanna upang mas mapakinggan ang pinag uusapan ng mga estudyanteng iyon.

"Diba baby pa lang sila itinakda na sila ng mga magulang nila sa isa't-isa? Ang Prinsipe ng Kingdom of Fire at Prinsesa naman ng Kingdom of Magic." Muling sambit ng unang babae na nagsalita kanina, kaya nakaramdam ako ng pagkalungkot.

"Oo at ngayon hindi na natin kailangan yung Psalm na yun, ang yabang nya kasi. Tutal nandyan naman na si Princess Blair." Napakuyom ako ng kamao ko ng marinig ko ang sinabi ng lalaking iyon sa mga sandaling iyon, hindi ko inaasahan na marinig iyon.

"At ang sabi maganda daw si Princess Blair, sana maging close kami." Pag iiba ng usapan ng isang babae na may pagkatinis ang boses.

"Oo nga, sana maging ka close natin siya." Pangsang ayon naman ng isa pang babae.

"Kaya pala maagang dumating ang mga Royals, dahil nakita na ang nawawalang Prinsesa. Tara na, maghanda na tayo upang mapansin agad tayo ni Princess Blair." Muling sambit ng boses ng isang lalaki, lungkot at pagkainis ang naramdaman ko sa mga narinig kong iyon. Nagulat din ako sa sinabi nila tungkol kay Kier, what I mean Prince Kier at Princess Blair. Bakit hindi niya sinabi sa akin ang ganoong bagay? Tanong ko sa sarili ko sa mga sandaling nakatayo pa rin malapit sa office ni Reanna. Halos nawalan na ako ng ganang pumunta sa Ball para mamayang gabi, nanlalambot ako sa mga sinabi nila. 

Oo napacold ko sa kanila sa tuwing nasa klase ako, hindi ko sila pinapansin at iniimikan, pero hindi ko masisisi ang sarili ko kung bakit ganito ang mga ikinikilos ko sa mundo nila. Hindi nila alam ang pinagdadaanan ko, kaya wala silang karapatan na pag usapan ako ng nakatalikod. 

Flashback

Wala akong ganang makinig sa mga itinuturo ni Mrs. Jordan, wala din namang napasok sa isip ko kundi yung mga nangyari noong nakaraang araw. Tinitingnan ako ng iba kong estudyante. Nginitian nila ako, pero siniringan ko lang sila. Ayaw kong ngumiti hangga't hindi okay ang pakiramdam ko at dahil wala din ako sa mood makipagsocialize sa ibang taong hindi ko pa kilala.

TMW: Academy Of Magic (Curax Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon