Chapter 31: Flashback (Dreawidia)

4.8K 88 0
                                    


"Ako lang naman ang isa sa pinakamagaling na Professor dito sa Akademya noong araw. Of course I know all about the history of this Academy, and I am one of the author of Princess Blair Book. Di na ako magpapaligoy ligoy pa, diba your daughter have a birthmark on her right shoulder? At once na dumating first full moon of the year it means it is her birthday. Ngunit iba ngayon dahil she turns 18, meaning mamayang 12:00 in the midnight iilaw ang kanyang necklace and ring. At kapag nangyari iyon ang sumasakit niyang birthmark ay maglalaho na, dahil mabubura na iyon. I am right Draew?" Natigilan ako sa mga sinasabi niya. Halos pinalitan niya ang tunay na mangyayari once na dumating ang first full moon.
Ibang Vidia na ang nasa harap ko, ang Vidia na mahilig sa totoong history na ngayon ay binabago ang history na siya mismo ang nagsulat.

Hindi na nga siya ang dati kong kababata, hindi ko na siya kilala kahit hindi nagbago ang hitsura niya, for sure she use the potion na kayang gawin at panatilihin ang mukha na maganda. Pero alam kung may natitira pang kabutihan sa puso niya. Kilala ko siya at halos maging kambal kami noon.

Flashback bata pa kami dito, 18 ako si Vidia naman ay 19 years old.

Kami ang isa sa pinakabatang Professor. This is my first day to teach history, me and Vidia have the same position here in Academy. Pareho kaming Professor sa history at bata pa lamang ay magkasama na kami. Para ko na rin siyang kakambal, halos lahat kasi ng gusto namin iisa lamang kahit na minsan ang babaw ko, pero mas lamang si Vidia dahil sa galing niya sa history. Idol ko nga siya dahil sobrang galing niya at ang talino din.

"Draew tara na, late na tayo sa klase at hinihintay na tayo ng mga estudyante. Mamaya muna ikwento 'yan." Nakangiting sambit ni Vidia habang naglalagay ng gamit sa bag niya. Lumakad na kami at tinungo ang isa sa mga room. Pagpasok namin ay naghihintay na nga ang mga estudyante. Pagkadating na pagkadating ay agad na nagsimula si Vidia, ako naman nag oobserve bago pa lang kasi ako, at kinikilatis ko pa ang mga estudyante niya.

Nakaupo ako sa likod, habang si Vidia nagtuturo sa unahang bahagi ng silid aralan. Ang galing niya talaga, yan ang best friend ko matalino na maganda pa. Nginitian ako ni Vidia, at tinawag ako sa aking pangalan.

"Class this is your new Professor she is Draew Guttierez my bestfriend."

"Ma'am medyo hawig po kayo." Sambit ng isang estudyante

"Oo nga po, magkapatid po ba kayo?" Dagdag pa ng isang estudyante.

"Magkaibigan kami, pero magkapatid ang turing namin sa isa't-isa."  Nakangiti naman si Vidia ng sinabi ko iyon.

"Ma'am pwede po ba na ahmm. Pwede po bang Draewidia ang itawag namin sa friendship niyo?" Tanong ng estudyanteng naka eye glasses.

"Draewidia? Pwede naman ang ganda nga." Nakangiting sambit ni Vidia, maging ako ay ngumiti na rin bilang pagsang ayon sa kanila.

After several days and weeks. Napromote ako, ganun din si Vidia. Naging Assistant ng Headmaster si Vidia at ako Head Professor ng History then si Reanna, ang Principal ng school.

Nabigyan ng karangalan si Vidia dahil sa pagpigil sa pagsugod ng Dark King na si Revil, bata pa siya para maging Hari pero dahil namatay ang kanyang ama, siya ang ipinalit sa trono ng nito.

Sa lahat ng Professor at HM isa si Vidia sa may nakuha na pinakamaraming Award sa buong Magical World. Siya din ang kauna unahang babaeng nagkamit ng Red Diamond Medal na pumalit kay Prince Liam sa karangalang iyon. Dahil na rin nagkaroon na ng unang anak si Prince Liam at magtatlong taon na iyon. Kaya kay Vidia na iyon naisalin. Malapit na niyang matupad ang kanyang pangarap, kaunting adjust pa magiging HM na rin siya ng Akademyang ito. Bulong ko sa sarili ko sa mga sandaling iyon habang nakangiti sa kaibigan ko.

Ang daming karangalan ang tanggap niya noong mga panahong iyon, ngunit dumating ang araw na nagkasakit si Vidia. Siguro ay dahil na rin sa pagod, dahil fully schedule siya palagi. At wala na rin siyang time na magliwaliw at bisitahin ang pamilya niya sa Kingdom of Air. Tinamaan siya ng sakit na hindi siya makapag fucos sa pagsasaulo ng mga salita. Iyon pa naman ang kanyang libangan ang magsaulo ng libro at iba pa.

Hindi siya nakapasok ng ilang buwan. Araw araw ko siyang binibisita sa Hospital, pero everytime I came she is always in her sleeping beauty mode. Kaya di ko na siya nakakausap.
At sa pagdalaw kong iyon, unti unting nagbabago ang mukha niya, mas lalo siyang gumanda. Makalipas ang isang linggo ay gumaling na rin siya. Iba na ang mukha niya, siguro ay sa paglalagay ng potion upang gumaling siya, may side effect din pala iyon. Pagkagaling niya ay pumasok na ulit siya. Hindi ko pa pala nasasabi sa kanya ang nangyari sa loob ng apat na buwan. Ayaw ko muna na biglain siya, kaya di ko muna sinabi.

Pumasok na ako ng room at nagturo sa senior students. Si Vidia naman ay nagturo na rin, sa kabilang room siya nagturo at habang pinapagawa ko ng seatwork ang aking estudyante ay pumunta ako sa room kung saan nagtuturo si Vidia, pagpasok ko ay tumayo ang mga estudyante at binati ako.

"Good Morni ------." Pinutol ko na sila at sininyasan na umupo na lang. Nakangiti si Vidia sa akin ng pumasok ako, lumapit naman ako sa kanya.

"Sabay tayong mag lunch." Bungad kong sambit sa kanya ng nakangiti, tumango naman siya bilang sagot. 

After the class ay naglunch na kami, iniiwas ko siya sa office ko upang hindi niya makita. Bawat bumabati sa akin ay pinuputol ko sa pagsasalita, gusto ko kasi ako mismo ang magsabi sa kanya kaso bumibwelo pa ako. Natapos ang araw na hindi nalalaman ni Vidia ang totoo, pangarap niya kasi ang posisyon na meron ako ngayon, posisyong hindi ko ginusto, at kaya lang naman ako nandito sa Academy para may kasama si Vidia. Wala akong planong magturo dito, pero pinilit niya ako kaya napilitan din ako na sumama sa kanya. Then ngayon ako pa ang nakakuha sa position na pangarap niya, pero kung hindi siya nagkasakit ng matagal siya ngayon ang Head Mistress ng Academy na ito, masyado niya kasing kinawawa ang kanyang sarili noong mga nakalipas na buwan at hindi kinaya ng katawan niya ang pagod at puyat.

Sorry Vidia, ayaw ko naman talaga ng position ko ngayon, kung pwede nga lamang magshift matagal ko ng nagawa but si King Lexudo ama ni Prince Liam, siya mismo ang naglagay sa akin sa ganitong position dahil walang nakatalo sa akin noong mga panahong dapat ikaw ang lumalaban sa mga competition, pero kung nandoon ka Vidia ikaw ang nanalo, 1000% sure akong ikaw dahil sayo ko natutunan ang lahat lahat. Ilalagay na sana ni King Lexudo ang medal, pero sabi ko sa kanila na kapag nakarecover ka ay sa iyo ibibigay ang position. Pero binigyan nila ako ng limitation, pumayag naman sila dahil alam nilang ikaw ang magaling at hindi ako na mababaw pero minsan may utak din. I'm so sorry Vidia sana maintindihan mo ang sitwasyon ngayon.

"Bakit ka tulala? Hoy Draew."

"Ha?." Nagulat ako kay Vidia nasa dorm na pala kami, magkasama kami ni Vidia sa dorm, kahit na may sarili akong dorm. Gusto ko kasi siyang kausapin bago kami matulog.

Nakahiga na ako sa kama ni Vidia, gusto niya kasi na tabi kami. Namiss niya daw ako kaya pumayag naman ako, maya maya pa ay ipinikit na niya ang mata niya ngunit hinawakan ko siya sa braso. Bumagon siya at tumingin sa akin.

"Draew wait lang ha? Para kasing may nakalimutan ako sa office ko." Nakangiti niyang sambit, ginantihan ko lang iyon at napabuntong hininga. Pagbalik niya sasabihin ko na sa kanya ang lahat lahat. Bulong ko sa sarili ko ng makaalis si Vidia.

Vidia's POV

Hi there I'm Vidia Constantino, 19 years old. Mahilig ako sa history and bestfriend ko si Draew.

May nakalimutan ako sa office ko, iyon ay ang regalo ko kay Draew hindi ko kasi siya nabati nung birthday niya dahil nasa Hospital ako noong mga panahong iyon at sa tuwing dumadalaw siya ay palagi akong tulog, 30 minutes lang dapat akong gising para mas mabilis akong gumaling. Special ang regalo kong iyon, dahil sinamahan niya ako sa pangarap ko kahit na ayaw niyang magturo. Nandiyan siya palagi, gusto ko kasi na siya ang unang makaalam na malapit na akong maging HM. Kaya special ang gift ko sa kanya. Lumabas na ako ng dorm at pumunta sa office ko. Ilang minuto lang ang paglalakad ko ay nakarating din agad ako sa office ko. Kinuha ko din agad ang regalong iyon, nang lumabas ako ay napansin ko ang bagong kwarto sa tabi nito.

Teka ito ba yung magiging office ko. Bulong ko sa sarili ko, naglakad ako patungo doon at binuksan ang pinto, pagkapasok ko ay bumungad sa akin ang larawan at pangalan ng isang babae. Nanlaki ang mata ko sa mga sandaling iyon.







TMW: Academy Of Magic (Curax Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon