Chapter 47: Kingdom of Magic

5.8K 112 0
                                    


Pagkatapos naming kumain ng umagahan ay bumalik na din agad ako sa dorm, sinimulan ko ng mag-ayos ng damit kahit na tatlo lamang ang meron ako. Napabuntong hininga ako habang inilalagay iyon sa isang maliit na bag, pagkatapos ay napaupo ako sa balcony kung saan tanaw ko ang garden ng Academy na puno ng mga bulaklak at iba't-ibang klase ng puno maging ang mga ibon at paro-paro na nagsisiliparan. Wala akong maramdaman excitement sa aking dibdib sa mga oras na iyon sapagkat naaagaw ng aking pag-aalangan at pag-aalala ang mga posibleng mangyari sa akin, hindi ko alam kung paano harapin ang bagong lugar, bagong mundo, bagong kapaligiran, bagong batas, bagong pamilya at bagong ako.

Napagdesisyunan ko na lang na magpahinga dahil muli ko na namang naramdaman ang pagkahilo, habang nakahiga ay kinapa ko ang aking likuran kung saan may nakalagy na diamond kapalit ng aking nasirang lumbar spine. Ipinikit ko ang mata ko at pinakiramdaman iyon, maya maya pa ay biglang sumagi sa aking isipan ang isang tao na kanina ko pa iniisip kaya napabangon ako mula sa kama. Tiningnan ko ang kanang kamay ko kung saan nakalagay ang singsing na kumikinang pa, gusto ko siyang makita ngayon ngunit hindi ko alam kung nasaan siya naroroon, ilang araw na siyang hindi nagpapakita sa akin simula ng magising ako hanggang makalabas sa hospital.

Nakakamiss din ang kakulitan ng lalaking iyon hays, siguro abala lang siya. Bulong ko sa aking isipan kaya muli akong humiga at ipinikit ang aking mga mata.

Sana naman magpakita siya bukas bago ako umalis, hay ano ba? Bakit ko ba siya namimiss? Hays bahala na, basta ko siya makita bukas. Muli kong bulong sa aking isipan hanggang sa makatulog na ako.

Kinabukasan

Coolen's POV

Ngayong araw na ang alis ni Psalm patungong Kingdom Of Magic, nakahanda na ang lahat ng gamit niya kahit kakaunti lamang iyon. Noong una ay hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Kaet tungkol sa totoong pagkatao ni Psalm I mean Princess Blair. Hindi man lang sumagi sa aking isipan ang pagkakapareho ng kapangyarihang taglay niya sa Prinsesa dahil ang totoo ay siya talaga si Princess Blair na matagal na naming hinahanap. Ang isang former magic lover turn to magic hater and now a Princess, she's cold, a little bit bitch, rude but deep inside sweet, caring, kind, responsible and lovable especially when it comes to family.

Ang isang tulad ni Psalm ay mahirap mabasa ang attitude at emotion, kaya kadalasan hindi namin siya magets, ordinaryong babae lang siya noong una naming makilala ngunit habang tumatagal ay maraming nagbago sa kanya ngunit hindi ang deepest characteristics niya na tanging siya lang ang meron. Napakaswerte namin dahil nakilala namin ang isang tulad niya, masaya din ako dahil naging maayos na ang lahat lahat.

"Coolen tara na!" Napalingon ako kay Quira na nasa labas na ng sumigaw siya, agad naman akong lumabas at nakita ko ang isang train na nasa harap ng Academy habang ang ibang estudyante ay nakaabang sa paglabas ni Psalm. Ibinaba ko sa tapat ng train ang mga bagahe ko at nilingon ang building kung saan ako lumabas, at dahil may isang buwan kaming bakasyon napagdesisyunan muna naming ni Quira na bumalik sa Kingdom of Water.

Bukas pa sana kami aalis ngunit pinilit kami ni Psalm I mean ni Princess Blair na sumabay sa kanila, pumayag din si King Liam sa request ni Psalm kaya may ilang oras pa kaming maigugugol kasama siya.

Psalm's POV

Pasakay na kami ng train ng magsimula ng kumuway ang ibang estudyante na nasa labas ng Academy, sa susunod na buwan pa sila makakapagbakasyon sapagkat hindi maaaring iwanan ang Academy ng walang estudyante maging ang ibang professor, buhay pa si Revil kaya hindi dapat magpakampante sa mga susunod na araw.

Nagpa-iwan si HM Draew dahil ayaw niyang mabakante si Vidia habang nasa Jail Academy maging si Reanna at Mrs. Jordan ay nagpa-iwan din. Si Kieth naman ay nangako kay Queen Krystal na tatapusin at ipapasa ang nalalabing isang taon niya dito sa Academy ng walang ginagawang kalukuhan, bumalik na siya sa Kingdom of Water noong isang araw kasama ang mahal na reyna, may dalawang buwan siyang pamamalagi sa lugar na iyon upang gampanan ang tungkulin niya bilang panganay na Prinsipe. Ngunit bago siya umalis ay hindi maipinta sa mukha niya ang pagkalungkot ng magpaalam kay Uye, at hindi ko alam kung bakit nag-iba ang pagtingin ni Kieth kay Uye ng malaman niya ang katotohanan. May kakaibang katangian din pala ang lalaking iyon, Pareho lang ang pinagdadaanan naming ni Uye, pareho kaming nawalan ng mahal sa buhay at nangulila sa pagmamahal na nag-iwan sa aming puso ng pagkalungot at paghihigante sa mga pumatay at naging involve sa pagkawala ng mga magulang namin. Naiintidihan ko ang nararamdaman niya ngunit magkaiba kami ng paraan kung paano mabibigyan ng hustisya at mabibigyang kasagutan ang mga tanong na matagal naming hinahanap ang tama at saktong sagot.

TMW: Academy Of Magic (Curax Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon