Chapter 3: Headmaster June

Depuis le début
                                    

"Hindi ko alam kung nandito na ang anak nila, nang maluklok ako sa pwesto ginawa ko kaagad ang nag-iisang misyon ng paaralan sapagkat hindi ko alam kung kailan nila ipadadala rito ang anak nila. 5 years ago, nakatanggap ako ng balita galing sa isang trabahador ng kapatid ko na kaibigan ko. Sabi nito, wala na daw ang bata sa kapatid ko at malamang ay nagtungo na raw ito rito at nakapasok sa academy ng normal. Wala akong kasiguraduhan doon ngunit kung nandito na nga ang pamangkin ko, napakagaling niyang magtago na hindi ko sya mahanap."- saad ni Headmaster June.

"Papatay kayo dahil yun ang rule. Hahanapin niyo ang pamangkin ko na magiging Reyna dito sa isla at paaralan na ito, hahanapin nyo siya at sisikapin niyong mabuhay hanggang makagraduate kayo bilang estudyante. Take note, hindi madaling makagraduate. Bawat taon isa lang ang nakakagraduate at yun ay yung nagawa lahat ng ipinalaro ko, pinatay lahat ng target na ibinigay ko at nakapasok sa Top 5 ng Academy na ito."- saad ni Headmaster June.

"Naipaliwanag ko na ang nag-iisang rule at mission, sasabihin ko naman ang ibang mga dapat niyo pang malaman bilang estudyante."- saad ni Headmaster June na bahagya pang ngumiti.

Hindi sya mukhang nakakatakot, mukha siyang friendly..

"Ang paaralang ito ay ginawa para sa mga taong nais maging assassin, ngunit ng ako na ang mamuno ay kumaunti ang mga estudyante kaya naman nakipagkasundo ako sa gobyerno. Ginawa kong legal ang paaralan na ito na dati ay illegal, sinabi ko sa gobyerno na titriplehin ko ang binabayarang buwis ng paaralan ngunit kada taon ay kailangang bumunot sila ng pangalan ng limang katao sa isang lugar at kung sino ang mabunot ay yun ang ipadadala nila dito. Ipinatigil ko muna iyon ngayon dahil may bagong laro akong ipatutupad na kakailanganin ko ng malaking pera pero parang tuloy parin dahil sa inyo but well, ayos lang. Di naman nila kayo ipinadala dahil kusang loob kayong pumunta dito kaya naman hindi ko kailangang magbayad ng triple ngayong taon."- saad ni Headmaster June sabay ngiti na niya ng tuluyan.

"Triple ang binabayarang buwis ng paaralang ito, triple sa bayad ng mga normal na paaralan kaya naman minsan nagdurugo ang bulsa ko pero ayos lang. Alang-alang sa laro, magbibitaw ako ng malaking pera. Kahit magkano pa yan."- saad pa niya sabay ayos niya ng kanyang upo.

"Anyways, kada pasok ng taon ay may tatlong araw na pahinga at paghahanda ang mga estudyante dito, ngayon ang unang araw kaya naman sa huwebes pa ang simula ng lahat, sa huwebes pa ang simula ng laro at patayan."- saad niya.

"May mga grupo dito sa paaralan, sa lahat ang Dark Cards ang pinakamalakas dahilan upang sila ang maging pinakakinatatakutan at maging mga taong may mataas na katungkulan. Mayroon lamang labing apat na grupo dito, gusto niyong dumagdag?"- saad ni Headmaster June.

Agad namang tumango si Ice.

"Oo, magpaparehistro kami bilang grupo."- saad ni Ice.

Napatingin naman ako dun sa gwapong lalaki na nagsabi samin na yun ang gawin.

Nakangiti ito.

"Good, what is the name of your group?"- tanong ni Headmaster June.

Ngumiti naman si Ice.

"Reapers."- sagot ni Ice.

Bahagya naman akong napangiti dahil sa sagot niya.

Reapers, yun ang pangalan ng grupo namin sa sayawan at kantahan. Marami kami sa grupo, kalahati mga dancer at kalahati mga singer ngunit nagkandawatak-watak at kaming apat na lang ang natira. Kaya Reapers ang pangalan ng grupo namin ay dahil mahilig kaming magpatumba ng kalaban, para naming pinapatay ang mga ito sa entablado.

"Reapers, nice."- saad nung gwapong lalaki na nagdala samin dito.

Ano bang pangalan niya? tanungin ko kaya.. pero teka, bakit ba ko interesado?

"Okay, Reapers."- saad ni Headmaster June sabay patong niya ng mga kamay niya sa desk niya.

"You are now part of DIA's Group of Killers, you're in 15th place. Who is the Master and the Co-Master?"- tanong ni Headmaster June.

"Ice is the Master and Grey is the Co-Master."- saad ko.

"I agree to that."- pagsang-ayon agad sakin ni Ashlie.

"Okay, ngayon magpakilala kayong lahat, hindi pa kayo nagpapakilala at hindi niyo pa ibinibigay ang mga requirements niyo."- saad ni Headmaster June.

Tinignan naman ni Ice si Ashlie.

"Ayy! Sorry."- saad ni Ashlie sabay kuha niya sa bag niya ng mga requirements namin at lapag nun sa desk ni Headmaster June.

"I'm Ashlie Kim Mendez."- pakilala ni Ashlie pagkatapos niyang ilapag sa desk ni Headmaster June ang mga requirements namin at pagkabalik niya sa pwesto namin.

"I'm Ylana Raine Baltazar."- pakilala ko naman.

"Grey Vasque is the name."- saad ni Grey.

"Ice Rogiano."- saad naman ni Ice.

"Ashlie, Grey, Ylana and Ice."- saad ni Headmaster June sabay tingin niya kay Ice na nakangisi ngayon.

Halata ang excitement sa mukha nito.

Well that's Ice, nahawaan niya nga kami eh.

"There's a clue para malaman niyo kung ang pamangkin ko na ang kausap niyo, she's a short tempered and a little serious type. Bukod pa dun, may tattoo siya sa likod na ang itsura ay ang simbolo nitong paaralan. Di ko alam kung saan banda sa likod niya pero ayon sa pagkakaalala ko sa sinabi ng kapatid ko, may tattoo sa likod ang anak nila. Darkiela Alyson Roque Killiano ang pangalan ng taong hahanapin niyo, paniguradong pinalitan niya iyon. Di ko pa nakikita ng buo ang mukha ng pamangkin ko dahil palagi itong nakamaskara dahil sa hilig niya ang magmaskara na ginagaya niya sa kanyang Ama kaya naman tignan niyo na lamang ang larawan ng kapatid ko at ni Dante para may ideya kayo sa kung ano ang itsura ng taong hahanapin niyo."- saad ni Headmaster June sabay turo sa malaking larawan na nasa dingding.

Tinignan naman namin ang larawan ng mag-asawang Killiano.

"Yan sila."- saad ni Headmaster June.

"Sa tingin ko nasabi ko na lahat ng dapat kong sabihin, hanggang doon lamang ako. Ang ibang dapat niyo pang malaman ay hindi niyo sakin malalaman kaya ngayon maaari na kayong pumunta sa dorm niyo, narito ang susi at numero ng dorm niyo. Pumunta na kayo doon at ipadadala ko na lamang ang schedule niyo bukas at ang uniform niyo."- saad ni Headmaster June.

Agad namang kinuha ni Grey ang mga susi at ang maliit na papel na inilapag ni Headmaster June sa Desk niya.

"Again, welcome to DIA. You may now go to your dorm."- saad ni Headmaster June na tila nagmamadali.

Okay, Bakit? Natatae naba siya?

"Salamat."- saad ni Ice.

Pagkatapos nun, agad na kaming Umalis.

xxxxx

Someone's POV

"May nararamdaman akong hindi maganda sa babaeng nagngangalang Ice, may hindi ako magandang nararamdaman sa kanya na tila sa tingin ko siya ang hinahanap ko. Sa tingin ko kailangan siyang bantayan maging ang grupo niya."

"Masusunod Po."

Dark Island Academy 1Où les histoires vivent. Découvrez maintenant