Chapter 42: Punishment

Start from the beginning
                                    

Tumayo na kami sa aming kinauupuan at lumapit sa royalties na nasa unang bahagi, wala si Kaet at Zanderr sa mga sandaling ito, pareho silang nasa hospital pa rin hanggang ngayon dahil sa malalang tama na natamo nila noong gabing iyon.

Maya maya pa ay inilagay na sa bawat may sala ang bracelet na iyon sa kanilang wrist at agad iyon naging invisible sa paningin ko tanging ang pulang dot lamang ang natira na makikita doon. Pagkatapos malagyan ang bawat isa ay agad na din silang pinapasok, napansin kong nakatango lang sina Vidia at Uye habang naglalakad papasok sa loob. Nahagip ng aking mga mata ang naiyak na si HM maging si Principal Reanna na emosyonal na niyakap si HM, si Kieth naman ay nakatingin lang ng diretso sa mga may sala.

"Uye!" Napalingon kaming lahat ng marinig ang boses ni Kieth, nagsisimula ng mamula ang mata ni Kieth at nagbabadya ang luha na pumatak mula doon. Dahan dahang gumuhit sa labi niya ang ngiti, ginatihan lang iyon ni Uye at ibinalik ang atensyon sa paglalakad.

"Bibisitahin ka namin." Hindi ko na nilingon ang pinanggalingan ng boses na iyon dahil kilala ko na kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon, bigla silang lumapit kay Uye at niyakap ng mahigpit. Bakas sa mukhang nilang tatlo ang pagiging emosyonal, napangiti ako ng kaunti dahil kahit papaano ay dumalo sina Gale at Ella uoang saksihan ang pagpasok ni Uye sa Jail Academy.

"Bibisitahin mo ako ha?" Nakangiting sambit ni Vidia habang kumakaway  kay HM, biglang napahagulhol ng iyak si HM ng gawin iyon ni Vidia, lumapit siya doon at niyakap ng mahigpit. Pagkahiwalay sa pagkakayakap ay napansin ko ang pagkakahawig nilang dalawa, tila magkapatid sila ngunit lingid sa kaalaman ko na mag best friend sila noong mga panahong nagsisimula pa lamang sila pareho.

Napansin kong biglang sumimangot si Uye habang papasok.

"Araw araw kaming bibisita!" Sigaw ni Gale kaya nawala ang pagsimangot ni Uye sa kanyang mukha, nginitian niya ang dalawa at pumasok na sa loob ng Jail, kumuwat pa siya bago pa siya mawala sa aming paningin. Huminga ako ng malalim at lumapit kay Quira na naiyak din habang nakatingin kay HM Draew at Vidia.

Dahil hindi pa masyadong magaling ang mga natamong sugat nina Vidia at Uye, araw araw silang bibisitahin ng nurse at doctor para sa status ng kalusugan nila, every week naman ang pagkuha ng dugo ni Vidia para sa lason na nakuha niya sa patalim na ginamit ni King Revil.  Napangiti na lang ako dahil payapa na at wala na si Revil, ngunit hindi pa namin alam kung kailan babalik si King Revil. Hindi namin sure kung nakapasok ba siya sa kanyang Kingdom o hindi pero ang mahalaga ay ayos na ang lahat at payapa na.

Ilang minuto lang ang nakakalipas ng makapasok na silang lahat sa Jail, pagkuway ay umalis na rin kami at bumalik aming sa dorm pero napagdesisyunan muna namin ni Coolen na bisitahin si Kaet sa hospital.

Crytt's POV

Nang makarating kami sa dorm ay agad naming pinag usapan ni Kieth ang nangyari kanina, si Dhaecob ay kasama ni Princess Alice na kapatid ni Kier. Hindi pa rin umaalis ang royalties dahil may gaganapin pang na okasyon dito sa Academy ngunit hindi ko alam kung ano iyon.

"Dude araw araw ka namang bibisita doon kaya huwag ka ng mag-alala kay Uye." Tiningnan lang ako ni Kieth sa sinabi ko, uminom siya ng tubig at umupo sa kabilang couch.

"Nga pala kamusta ang pagsasabi mo sa Reyna?"

"Hindi siya payag." Napansin ko ang pagbusangot niya sa mga sandaling iyon.

"Naiintindihan ko kung bakit." Tumayo ako sa pagkakaupo at lumakad palapit sa refrigerator, kumuha ako doon ng ice cream, kumuha din ako ng dalawang maliit na bowl at dalawang kutsara, nilagyan ko ng ice cream ang isang bowl.

"Here, pampawala ng stress." Iniabot ko sa kanya ang maliit na bowl na may lamang ice cream.

"Wala akong ganang kumain ngayon." Sumandal siya sa headboard ng couch at ipinikit ang kanyang mga mata.

"Okay, sabi mo. Uubusin ko na lang ito lahat." Sumubo ako ng isang kutsara ng ice cream nang biglang bumangon si Kieth at kinuha sa akin ang bowl ng ice cream.

"Kahit kailan talaga napakadamot mo." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Teka ang sabi mo kanina ayaw mo ng ice cream, tapos ngayon ako pa ang madamot. Hay ewan ko sayo." Kumuha ako ng panibagong ice cream para sa akin.

End of Flashback

Iyon ang mga nangyari noong nakaraang linggo habang si Psalm ay tulog pa rin at nakahiga sa kanyang kama. Hindi namin alam kung kailan siya magigising, kahit ang mga healer ay walang idea kung kailan niya imumulat ang kanyang mga mata. Mas pinili na lamang nila na hintayin ang kusang paggising niya. Wala naman kaming ibang maitutulong kundi ang bantayan siya at maghintay lang din.













TMW: Academy Of Magic (Curax Series#1)Where stories live. Discover now