Chapter 36 - Light house

23.2K 388 27
                                    

Nang marating namin yung paanan ng lighthouse, binuksan ni Ross yung gate at nagsimula kami umakyat sa spiral stairs. Nang nasa highest floor na kami, kitang kita ko ang madilim na dagat at konting tint of orange sa horizon.

Niyakap uli ako ni Ross nang naramdaman niya na nilalamig ako. Sana ganto siya kasweet palagi, hindi yung inaaway ako na parang menopausal na nanay.


"Sayang di natin naabutan sunset. Para ka kasing Baguio oil kung matulog."

"Ok lang yun. Ang ganda dito! Kayo ba may-ari lahat nito?"

"Belle Belle?" hindi sinagot ni Ross ang tanong ko at hinawakan ang dalawa kong kamay. Dinala niya ito sa kanyang mga labi at hinalikan.

"Bakit Ross?"

"Mahal mo ba talaga ko?"

"Unfortunately, oo. Sorry, wala kong kwentang kaibigan. Di ako dapat nagfall sayo, pero wala na ko nagawa, hindi ko kayang kontrolin yung nararamdaman ko. Sorry ulit. Di naman ako nageexpect na mahalin mo ko. Sana lang, hayaan mo ko na mahalin kita."

"Belle Belle, alam mo ba na ikaw ang isa sa pinaka magandang nangyari sa buhay ko? You loved me because of what I am and what I am not. You see the good in me for all the wrong that I have done. And I am forever thankful that I met someone like you."

"Ross, magpapaalam ka na ba saken? Iiwan mo na ba ko? Ganto ba ang tinatawag mong mild break-up?"

"Badtrip ka din Belle Belle no? Patapusin mo muna ko okay? Tagal ko pinaractice to sa isip ko. Wag ka na kontra bulate."

"Ok fine, ano ba gusto mo sabihin?"

"Belle Belle, kung mararapatin mo, I want to be with you. I want to take care of you everyday. I want to see you smile and I want to make you happy. Belle Belle, I think I am falling in love with you," sabi ni Ross na hawak pa rin ang aking mga kamay.

"Haaaaaaah?" Napa-nga nga ako sa sinabi niya.

"Ganda ng sagot mo no? Romantic na nga ako, tapos sagot mo haaaaaa?"

"I mean, mahal mo rin ba ko Ross? Akala ko kasi mahal mo lang ako bilang kapatid, bestfriend, ganern."

"Tanga mo talaga. May best friend ba na hinahalikan sa labi? Ano tayo best friends with benefits?"

"Ayoko lang mag-assume kasi hindi mo naman ako type and besides, di naman ako kasing ganda ng mga girlfriends mo."

"Ngayon pede ka na mag-assume kasi sinasabi ko na sayo. Kasi slow ka din minsan. Kailangan sabihin ko pa sayo word by word bago mo maintindihan. When I told you that my heart is practically in your hands, I mean it. I tried to disregard this feeling, I tried having relationship with massive number of girls pero I fell in love with you more and more each day. Kaso nga, manhid ka din, parang pure friendship lang gusto mo."

"Sino ngayon satin ang assuming Ross?"


Kinulong uli ako ni Ross sa arms niya ulit at hinalikan ang noo ko. May kinuha siya sa bulsa niya na isang velvet box na may laman na white gold necklace.


"I am assuming that you love me, more than a friend. Will you be my girlfriend, Belle?"


I was speechless. Hindi ako makapaniwala na gusto ko maging girlfriend ni Ross. Hindi ako makapaniwala na ang lalakeng mahal ko ay mahal pa din ako. Tumango lang ako dahil di ko macontain ang happiness ko.

Kinabit ni Ross ang necklace sa leeg ko. It looks so cute because of the dog paw pendant pero elegant din at the same time.


"I am planning to give this to you sa graduation day natin pero ayoko ng maghintay pa, para kong sasabog. Gusto ko nang malaman kung mahal mo din ako. Pangako, hindi kita sasaktan. Bubugbugin ako ni Kyle pag nagkataon."

"Hindi kita mahal Ross, kasi mahal na mahal kita."


And we sealed our first night as a couple with a fiery kiss with the sea and sunset as our witness.


---The End * Book 1---

Book 2 - The Heartbreaker is Mine (Ross and Belle Story)

Book 3 - The Perfect Heartbreaker (Ross and Belle Story) 





My Bestfriend Is A Heartbreaker [Completed]Where stories live. Discover now