Chapter 33 - Bipolar

17.7K 422 9
                                    

Medyo madilim na nung namulat yung mata ko. Ang sakit ng braso ko at ang sakit ng katawan ko pero ok lang kasi kayakap ko naman si Ross.


Wait lang. Bakit ko ulit kayakap si Ross?


"Gising ka na pala. Nagugutom ka na ba?" tanong niya sakin gamit ang sweetest voice ever niya.


 Kanina magkaaway lang kami di ba? Ano na naman nakain nito?


"Medyo gutom na, ano ba food?"

"Hotdog gusto mo?"


Nagising bigla ang diwa ko nung marinig ko yung word na hotdog


Bakit ako nasa kwarto ni Ross ulit? At bakit ako nakahubad?


Breathe in, breathe out. Think, gamitin ang brain cells.


"Fuck, Ross, may nangyari ba saten?" tanong ko sabay kuha ng kumot at takip sa harap ko.

"Wala naman. Natulog lang tayo ng nakahubad kasi trip lang natin," sabay yakap sakin ng mahigpit sa ilalim ng kumot.

"Ha? Wait medyo naguguluhan ako."

"Explain ko sayo..." sinimulan ni Ross halikan yung leeg ko at haplusin yung likod ko. Di ko alam kung maiinis ako o matutuwa sa ginagawa niya.

"Ganto kasi yun, Belle Belle. Inakit mo ko kanina at since marupok lang ako, pinagbigyan kita. Sino ba naman ako para ipagdamot ang maganda kong katawan?"


Dun lang nagsimulang unti unting magregister ang mga nangyari. Bumalik ang alaala ng love making namin sa kalagitnaan ng sikat ng araw.


"Ross, I am so sorry..."

"Sorry for what?" he immediately snapped at me. Drastic change of mood na naman si Mr. Bipolar.

"I am sorry for myself," bulong ko sa kanya.

"Ha? Belle Belle, anong kadramahan yan?"

"Ross, alam ko naman na magsasawa ka din saken. Short time lang to katulad ng mga libo libo mong relasyon. Alam ko sa ngayon masaya ako dahil kasama kita, pero ipagpapalit mo din ako sa near far dark future. At alam ko, ako lang din ang masasaktan sa huli kasi ikaw, magmomove-on na after me, samantalang ako, balik na naman ako sa endless nights ko ng kakaiyak..."

"Magsasawa? Short time? Move on?"

"Oo, Ross. Ganun ka naman di ba? Ganun naman ang mga babae sayo. Past time lang. At ang nakakainis, isinama mo pa ko sa listahan mo. Pota naman! Akala ko ba kaibigan kita? Gago ka din eh. Bakit mo ba ko hinalikan?"


Tinignan ko si Ross ng derecho sa kanyang mga mata. He remained silent habang nakatingin sa akin.

"Pero Ross, kasalanan ko din to, isa rin akong tanga. I fell in love with you knowing that you are a heartbreaker."

My Bestfriend Is A Heartbreaker [Completed]Where stories live. Discover now