Chapter 7 - Lagoon

23.4K 499 34
                                    

Nanalo si Ross. Hindi ko na kinausap si Drew. After ilan days, I received a text message from Drew. He is not asking for an apology this time, but blaming me for what happened. Kung di daw ako nagkulang sa kanya, di daw siya mambababae.


Wow ha? Ako pa mali ngayon? Sorry ah!


"Sabihan mo lang ako Belle Belle kung kailan ko papasalvage yang baboy na yan. Matanong ko lang, ilan beses ka niya itext or tinatawagan sa loob ng isang araw?"

"Everyday nag-tetext pa din si Drew. Sinunod ko naman payo mo. Di ko na siya tinatawagan or nirereplyan. Pero sa totoo lang, Ross, minsan natetempt ako magreply sa kan..."


Di ko pa natatapos ang sasabihin ko nang biglang hinablot at binato ni Ross yung phone ko sa gitna ng man-made lake sa campus.


*Plok Plok Plok. Squish Squish Squish.*


Parang slow motion sa isang movie, lumipad ang phone ko at unti unting lumubog sa tubig. Paalam na cellphone ko.


"Waaaah! Ross naman!"

"I'll buy you a new phone. Saka change your number na din. Pero kung mas gusto mo pa replyan si tukmol, go ahead, sisirin mo yung phone mo sa lake."

"Pota naman, ang dami ko contacts at pictures dun."

"Gusto mo talaga sisirin? Aba, wala pumipigil sayo. Gora!"


Sa totoo lang, para kong nabunutan ng tinik sa ginawa ni Ross. Matagal ko na gusto na putulin ang communication ko kay Drew pero wala akong lakas ng loob. At least, di na ko aasa na kokontakin niya ko.


Minsan kasi pag heartbroken ka, masama yung teeny weeny hope eh. Aasa ka na naman, maaalala mo yung past nyo. Babalik yung mga happy moments niyo together.

Yung parang nang-aasar yung brain mo at paulit ulit mo siya maassociate sa kahit maliit na bagay. Yung pag nakita mo kahit cuticle remover, maaalala mo siya.

Tapos iiyak ka at makakarelate ka sa lahat ng love songs na para bang ginawa yun para sayo. Then, ma-rerealize mo na mahal mo pa rin. 


Pero wag ganun, past is past...

Kailangan na mag move-on...


Kailangan na mahalin ko rin ang sarili ko pag may time. Tama na yung pinakita niya na basura ko, wag na maghabol. Ok na yung pina-mukha niya sakin kung anong worth ko.


Kaya pala palagi siya busy at walang time. Kala ko nagfofocus ang walang hiya sa studies niya, ibang babae pala kinakarenkeng ni Drew.


Lumipas ang weeks at nakakabangon sa pagkakalugmok ko sa pighating dulot ni Drew. Di na ko umiiyak gabi gabi, mga once a week na lang. Naaalala ko pa din siya, pero mga once or twice a day na lang, yung very very quick lang.

Feeling ko nga achievement kapag di ko siya naalala sa isang araw. Ang problema ko kasi, pag naalala ko na siya, hayun na. Nag-oopen na ang floodgates ng memories namin. Ayan, iiyak na naman ako. 


Back to zero na naman ang moving-on process ko...

My Bestfriend Is A Heartbreaker [Completed]Where stories live. Discover now