Chapter 34 - Corregidor

18.3K 424 15
                                    

Di ko na napigilan ang pag-iyak. I felt so small and I pity myself. Alam ko na naman ang ending namin, pero ang gaga ko din. Sinuko ko pa din ang Corregidor kay Ross.

Ganun talaga siguro kapag mahal mo, willing ka irisk lahat, kahit masaktan pa, makamit lang ang panandaliang tamis ng pag-ibig. 


Yung pag-ibig na magical, rare at once in a lifetime. Ang deep no?


Si Ross naman, mukhang walang speck ng empathy sa mukha at parang nag-eenjoy pa sa suffering ko. 


Walang hiya talaga tong gago na to!


"Ows talaga, Belle Belle? You love me? Kailan pa?"

"Matagal na, manhid ka lang siguro. Isa't kalahating bobo ka din kasi."

"Maka bobo ka saken, eh mahal na mahal mo naman pala ko kahit playboy ako. Sino kayang bobo saten?"


Pinahid niya ng luha ko at niyakap ng mahigpit. Lalo tuloy ako naiyak. Feeling ko, sooner or later mawawala na si Ross sa buhay ko.


"Alam mo, Ross, after nito, kung iiwan mo ko, wag ka na magpapakita sakin ever. Ayoko ng makita ang hilatsa ng pagmumukha mo."


Binatukan ako ni Ross ng very light at sinabi, "Sino may sabi sayo iiwan kita?"

"Makabatok ka kala mo pet mo ko ah? Kala mo ha?" binatukan ko din siya pero this time, nilakasan ko.

"Belle Belle ah, sinasaktan mo ko. Di pa nga tayo mag-asawa, nananakit ka na. Gusto mong ipabantay bata kita?"

"Bakit bata ka pa ba? Ang laki mo kayang damulag. Saka umusog ka nga, nasisikipan ako."


Tinulak ko siya kasi hanggang ngayon, mahigpit pa rin yakap niya sakin na para bang anytime ay makakawala ako. Honestly, kinikilig naman talaga ko sa yakap niya. I feel so safe and secured in his arms.


Parang this is the place where my happiness belongs.


Pero di papatinag si Ross at hinigpitan pa niya yakap niya saken. Gustong gusto ko naman na niyayakap niya ko ganto. At least madami ko remembrance in case iwan niya ko.


"Belle Belle, magbihis ka, aalis tayo."

"Gabi na ah? Alis pa tayo?"

"Ayaw mo? Gusto mo lang dito sa kwarto tayong dalawa maglalandian? Ok lang kaso gusto sana kita dalin dun sa last surprise ko."

"Meron ka pa surprise?"

"Ay wala! Kasasabi ko lang di ba? Paulit ullt."

My Bestfriend Is A Heartbreaker [Completed]Where stories live. Discover now