Chapter 18 - Retouch

18.3K 427 9
                                    

Tama si Jasmine at Hailey. Naiinlove na ko sa best friend ko. Ilan beses ko na ni-reject yung idea na yan kasi walang patutunguhan. Pero this time, wala na ko magagawa, mukhang mahal ko talaga siya. Ang malungkot lang, I need to love him silently. Di ko ata kakayanin na masira pagkakaibigan namin para sa feelings ko para sa kanya.


Retouch retouch. Tanggalin ang traces ng tunaw na mascara at eyeliner. 


Peste kasi tong luha na to, nakakasira ng make-up. Inabot ako ng ilang minuto mag-retouch at paglabas ko ng CR, andun pa din si Ross, nakasandal sa wall na parang model ng Armani suits.


"Belle Belle, bakit ang tagal mong tumae? Kanina pa ko andito ah!"

"Anong ginagawa mo dito Ross?"

"Naghihintay ng pasko, obvious ba?"

"Sinabi ko ba na maghintay ka? Di ba sabi ko pupuntahan na lang kita?"

"Aba, tignan mo nga yang bunganga mo! Ikaw na hinintay, ikaw pa galit?"

"Bakit ka ba andito? Baka hinahanap ka na ni Heidi. Naku, baka awayin pa ko nun. Bitchera yun eh!"

"Ok na ba tiyan mo? Nagtatae ka pa ba? Gusto mo ba hatid na kita pauwi?"

"Yan tayo Ross eh. Napaka sweet mo tapos expect mo hindi ko ma-iinlove sayo? Bobo mo din minsan."

"Haaaaaa? Ano sabi mo?"

"Wala. Sabi ko magpapaalam na ko kay Jasmine at Hailey, uuwi na ko. Kaya ko mag-isa. Bumalik ka na dun sa ka-date mo."

"Wag ka muna umuwi, sayaw muna tayo."


Di na hinintay ni Ross sagot ko at kinaladkad na niya ko papunta sa event hall. 

My Bestfriend Is A Heartbreaker [Completed]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang