Chapter 13 - Bataan

20.8K 487 15
                                    

Iyon na huling pagkikita namin ni Ross... 


Charot lang! Iyon na ang huli naming discussion about sa lovelife niya. 


Hindi na siya nag-open at kapag dun napupunta ang usapan, he deliberately change the topic.


"Belle Belle, sino kasama mo sa grand ball?" tanong ni Ross habang nagliligpit ako ng gamit pagtapos ang class namin.

"Anong grand ball pinagsasabi mo?"

"Di ba lahat ng senior college students ng ating department ay kasali sa grand ball? Parang dinner ball dun sa The Expensive Hotel. Di ka ba nasabihan ni Professor Taas Kilay?"


Different course nga pala kami ni Ross, pero same department kami. Few months na lang at gragraduate na kami. Nakakalungkot isipin na maghihiwalay na kami ni Ross ng landas.


"Ah yun ba? Niyayaya nga ko ni Jasmine pumunta, pero tinatamad ako. Ikaw ba sino kasama mo, si Pauline or Therese ba yun?"

"Baka si Heidi, yung naging Miss University last year?"

"Ah oo, yung malaki yun panga?"

"Laitera, girlfriend ko kaya yung sinasabihan mo na malaki panga."

"Girlfriend mo today, ewan ko lang after ilang weeks. Hay nako, Ross. Buti di ka pa nagkaka STD sa mga kalokohan mo."

"Hoy babaeng tigang. Ano akala mo sakin di marunong mag ingat? Maka-STD ka, wagas ah. Siguro kaya ka iyak ng iyak kay Drew dati dahil naisuko mo na ang Bataan sa kanya no?"

"Fuck you, Ross!" sabay labas ng classroom.

"So sasama ka nga sa grandball next week?" tanong ni Ross habang naglalakad kami sa corridor.

"Parang ayaw ko nga eh, di ba may bayad pa yun? Gastos, bili na lang ako chocolates madami. Masarap yung Meiji chocolates, mura lang. Bili mo nga ko nun."

"Pota, napaka KJ mo Belle Belle. Mahirap ka ba? Pumunta ka, ako bahala sayo."

My Bestfriend Is A Heartbreaker [Completed]Where stories live. Discover now