Chapter 2 - Rider Kick

40.3K 681 89
                                    

Naging classmate ko si Ross nung college freshmen years sa University of the Unnamed Country. Unang kita ko pa lang sa kanya, makalaglag panty talaga si Ross. Tanga lang ang di mapapatingin sa kanya ng dalawang beses.


Ang hirap idescribe, pero angelic ang face niya. Shiny black hair na parang sa anime mo lang makikita. Kulang na lang magsparkle sa ka-gwapuhan parang si Edward Cullen.


Matangkad at maganda katawan niya, yung tipong Daniel Matsunaga. Basta, imagine a perfect guy, yun si Ross


Wag na kumontra, storya ko to!


Moreover, napaka-sweet din nitong si Ross sa mga kababaihan at kung bobita ka, mag fafall head over heels ka talaga sa taong to. Yung feeling mo special ka na, pero ganun lang talaga siya sa lahat. 


Bwiset no?


Sabay kami madalas pumasok ni Ross sa umaga dahil sinasabay niya ko kotse niya, pero hindi ngayon. Masama daw ang pakiramdam niya at bukas na lang daw siya papasok.


Aba, tinatablan pala ng sakit ang kumag?


Bago pumasok sa aming respective classrooms, nagkikita kami ng aking mga super friends na sina Jasmine at Hailey sa likod ng chapel para sabay sabay pumasok. Kung naging college student ka at may friends ka, makakarelate ka.

Pero napaaga ata ako dahil wala pa sila hanggang ngayon. Sinubukan kong buksan ang aking phone para itext ang dalawang bakla.


Belle: Anong petsa na? Dito na me chapel. ^.^


Naghintay ako ng ilang minuto pero walang reply ang dalawang baklita. Di ko namalayan nang may biglang pumarada na itim na tinted van sa tapat ko. Biglang may bumaba na apat na lalake na naka black leather jacket at naka mask.


May shooting ba ng action film sa school? Bakit walang nag chika sa akin?


Bago pa ko makapagreact, nilapitan ako ng dalawang lalake at hinawakan ang magkabila kong kamay. Yung isang lalaki naman ay hinawakan ang aking mga binti. At yung isa, nilagyan ng takip ang bibig at mata ko.


Sinubukan kong manlaban, Rider Kick here, Rider Kick there, pero wala ko nagawa, Ate Charo. Mabilis nila ko naipasok sa van nang wala akong kalaban laban.


"Boss, andito na yung package. Itatapon na ba namin to sa gitna ng Janila Bay?"

"Yes, boss. Pede din naman namin chop-chopin yung katawan at ipa-LBC sa isla ng Jawi Jawi."


Tama ba yung naririnig ko? Papatayin ba nila ko?

Ano ba ang nagawa kong kasalanan at bakit may nagtatangka sa buhay ko?


Sinubukan kong magkakawag na parang isang overweight na walrus. Sinubukan kong magsisigaw kahit useless. Pero kailangan kong lumaban. Hindi ako pedeng mamatay agad!


Hindi ko pa natitikman si Ross!

My Bestfriend Is A Heartbreaker [Completed]Where stories live. Discover now