Chapter 30 - High heels

18.4K 390 0
                                    

Almost noon na nung bumalik kami ni Ross sa resthouse. Nakakapagod din ang makipaghalikan, este ang lumangoy. 

Pag dating namin, nakahanda na ang lunch sa lamesa. May ulam, kanin, fruits at may dessert pa na buko salad.


Hala may multo? Sino nagluto?

Nalaman ko na lang na may care taker pala yung rest house pero bakit di ko sila nakikita? Ano yun may invisibility cloak?


Sinigang na maya maya ang ulam. Favorite daw ni Ross nung bata pa siya. Kaso bigla na naman siyang tumahimik sa kalagitnaan ng kain namin. Ano na naman problema nito? Minsan parang babae pa siya saken sa pagkamoody niya.


"Pupunta ba tayo ng bayan?" tanong ko kay Ross habang kumukuha ng pangatlo kong rice.

"Hindi na. Nagpabili na lang ako kay manang ng pagkain at grocery. Magpahinga ka pagkakain mo, may pupuntahan tayo mamayang hapon."

"San tayo pupunta?"

"Secret, di pede sabihin. Wag mo na ko tanungin, period," sabi niya ng walang kahit anong emosyon.

"Haisst! Ano susuot ko? Pang swimming ulit? San nga tayo pupunta?"

"Suot ka gown saka high heels."

"King-ina mo, tinatanong kita ng maayos eh!" sigaw ko sa kanya. 


Gusto ko siya tuhugin ng hawak kong tinidor. Ang hirap kausap nitong gagong to!


"Secret nga kasi. Ano ba mahirap intindihin dun?" sigaw din niya sakin na mas malakas pa sa boses ko. Feeling ko, maririnig ang sigawan namin kahit sa kabilang isla.

"Eh bakit galit ka? Napaka moody mo, Ross. May regla ka ba?"


Aba, siyempre di ako papatalo. Moody ka Ross? Sasabayan kita! Siya lang ba ang may karapatan mag change ng mood? Dapat nga ako magalit, hinalikan niya ko ng walang paalam.


"Kamote naman. Surprise yung pupuntahan natin kaya di ko sasabihin. Nagets mo na? Spell ko pa sayo? Ano ba yan Belle Belle!"

"Eh bakit kasi nagagalit ka agad, nagtatanong lang naman ako."

"Wala na ko gana kumain. Magpahinga ka na, aalis tayo sa hapon. Matutulog lang ako," biglang tumayo si Ross sa lamesa. Niligpit na ni Ross ang plato niya at iniwan ako mag-isa.


What the fuck? Ano problema nung lalakeng yun? 


May nasabi ba ko mali? Hotdog lang naman yung huli namin usapan. May Bipolar disorder talaga si Ross.


Tinapos ko lang yung kinain ko at pumunta na ko dun sa kwarto ko. Maagap pa naman. Di naman siguro ko mumultuhin ng lolo ni Ross. Saka ang ganda ng kwarto, immaculate white. Parang ma-oout of place ang multo dito.

My Bestfriend Is A Heartbreaker [Completed]Where stories live. Discover now