Chapter 25 - Jackpot

18.9K 459 28
                                    

I decided na dun na lang matulog sa room ni Ross. Inarte pa ba ko? Mas pipiliin ko ba dun sa kabilang room, eh dito, katabi ko pa si Ross na almost naked.


Di ba jackpot? Ang landi ko talaga, feeling ko malapit na ko tamaan ng kidlat.


Pag higa ko sa kama, niyakap agad ako ni Ross at inangkin ang aking mga labi. At buong gabi, binigay ko ang lahat lahat sa kanya.


Charot lang. Sex agad? Grabe kayo mag-isip no? Dumi dumi niyo.


Naligo muna ako bago matulog. Pero kinakabahan ako kasi first time ko matutulog na may katabi na lalake sa kwarto. 


Sana gahasain na lang ako ni Ross, promise di ako lalaban bwahahaha.


Well, as if naman may pagnanasa yung lalakeng yun sakin. Baka nga batuhin lang ako ng unan kapag naghubad ako sa harap niya.


Pagbalik ko sa kwarto, tulog na si Ross. Napagod din siguro magdrive. Tumabi ako sa kanya ng dahan dahan at tinitigan ang kanyang magandang mukha. Gusto ko haplusin yung mukha niya, kaso baka magising.


Sana akin ka na lang Ross. Sana mahalin mo din ako.


Sa sobrang antok ko, nagising na lang ako na medyo maliwanag na sa kwarto. Kumukulo na naman tiyan ko, pero hindi dahil natatae ko, nagugutom na ata ako.


Time check, 8:00 AM. Maagap pa pero wala na ko katabi. Kala ko pa naman pagkagising ko, nakayakap sakin si Ross.


Bakit bawal mangarap? Kwento ko to eh!


Pagbaba ko sa kitchen, nakaluto na si Ross ng breakfast at nagcocoffee habang nagbabasa ng newspaper. Mukhang bagong ligo, fresh na fresh parang milk.


"Belle Belle, kumain ka na at papasyal tayo."

"Uy mukhang masarap yan. Bacon at may hotdogs pa. Teka, san tayo papasyal?"


Nagmamadali akong umupo at kumain ng breakfast. Naipupu ko ata lahat ng kinain ko kagabi kaya gutom na gutom ako.


"Pagkatapos mo kumain mo, magbihis ka. Yung pedeng pangbasa, baka sumakay tayo bangka at baka maisipan ko itapon ka sa dagat. Andun yung rash gard natin sa bag ko."

"Saan nga tayo pupunta? Na-excite tuloy ako!" sabay kagat ng hotdog ni Ross, este hotdog na edible.

"Dun sa kabilang isla, may makalumang tribo dun, kailangan daw nila ng alay sa kalikasan. Ikaw yung bibigay ko."

"Patawa ka no? San ka nga pala natulog? Wala ka na sa tabi ko pag gising ko."

"Di naman ako lumipat ng kwarto. Paano ko makakalipat eh grabe pagkakayakap mo saken?"

"Heller? Ako? Yumakap sayo?"

"Hindi mo alam? Nakasampa pa nga yung mabigat na binti mo saken. Di ako masyado nakatulog dahil sayo. Grabe ka makayakap, para kang tuko. Nagsasalita ka pa kung ano ano sa pagtulog mo."

"Hoy, hoy, hoy, di kita niyakap no! Wala akong naaalalang ganun, imbento ka."

"Sabi mo nga - I love you Ross, I love you Ross, please love me, please be mine."

"Mukha mo, bakit ko sasabihin yun? Saka di ako nagsasalita pag tulog!"

"Tulog ka nga eh, pano mo naman nalaman na di ka nagsasalita? Kumain ka na nga. Next time vivideo ko kung pano mo ko pagsamantalahan sa kama para may proof ako."

My Bestfriend Is A Heartbreaker [Completed]Where stories live. Discover now