Chapter 3 - Choco Pao

34.1K 629 61
                                    

Tinanggal ng isa sa mga kidnappers ang takip sa bibig ko pero naka-blindfold pa din ako.


"Bakit niyo ko kinidnap? Nagkakamali kayo, hindi ako mayaman, wala akong pera! Walang pantubos ang mga magulang ko sa inyo! Hindi nga na approve ng Banco De Joro yung credit card application ko eh!" sigaw ko sa mga kidnappers ko, pero parang wala silang naririnig at dinedma lang ako. 


Decided na ba talaga sila na katayin ako?


"Mga koya, wag poh! May asawa at may tatlo kong junakis. Sila lang ang umaasa sakin. Pakawalan niyo na ko please lang?" pabebe kong sabi pero Silence of the Lamb pa rin ang peg ng mga kidnappers.


Huminga ko ng malalim at unti unting naging color green ang balat ko na parang si Incredible Hulk. Natanggal ko ang tali sa kamay at paa ko. Kinuha ko ang bato sa bulsa at sumigaw ng... 


Jarna!


OA, joke lang. Hindi po to Marvel na fiction, based po to sa real life events.


"Ok na, suko na ko! Ituturo ko na kung saan ko tinago yung Seven Magic balls. Tanggalin niyo lang yung blind fold ko please?" sabi ko ulit pero sayang ang effort ko dahil kebs lang ang mga kidnappers. 


Kung sino mang hinayupak ang boss nila, gusto talaga niya na mawala ako sa balat ng lupa.


After ilan minutes na paglalakbay, tumigil ang sasakyan. Dahan dahan nila kong nilabas ng van na parang may nakalagay na Fragile - Handle With Care.

Lakad dito, lakad doon at lakad pa more saka nila ko pinaupo sa isang stool. Tinanggal ang tali ko sa paa at kamay. At last, malalaman ko na kung sino ang boss nila.


Pagtanggal ko ng blind fold ko, biglang umalingaw-ngaw ang tunog ng torotot at palapkan.


*Ttooooooot! Ttooooooooooooooot!*

*Claaaap Claaaap Claaaap*

*Happy Birthday Belle!*


Nasa loob pala ko ng gymnasium at andun si Ross, Hailey at Jasmine, kasama ang buong basketball team ng school. Andun din si Professor Nipis Kilay at lahat ng classmates ko sa General Psychology subject. 

May balloons, confetti at happy birthday tarp. Sa isang mahabang table, andun ang spaghetti, lasagna, chicken lollipops, cake at iba pang pagkain na pang children birthday party. Lahat sila nakasuot ng party hat.


"Kinabahan ka ba sa mga kidnappers mo?" yakap sakin ni Hailey.

"Kinabahan? Muntik na kong maihi sa panty sa takot, kiking-ina niyo! Pero thank you, nasurprise talaga ko."

"Si Ross ang nakaisip na surprise ka. Pumayag naman si Professor Nipis Kilay dahil ikaw daw ang top student niya. Di ba ang sweet ni Ross?" bulong ni Jasmine.


Pagtingin ko kay Ross, nagtama ang paningin namin at bigla siyang ng peace sign na parang isang Japanese corn.


Siguro nagtatanong ka kung bakit di ako nililigawan ni Ross?


Unang una, hindi naman ako panget, pero di naman ako kagandahan at ka-level ni Solenn Heusaff para ligawan nya. May taste naman siya. Si Ross ay barkada din ni Kuya Kyle, kaya siguro off limits ako sa mga katarantaduhan niya.


Pangalawa, hindi din ako katulad nung mga bebot na nagkakandarapa para mamalimos ng atensyon niya. 


Alam din niya na hindi ako magfafall sa kanya. Not yet!


Siyempre gusto ko din na kasama siya, choosy pa ba ko? 

Pogi kaya ng friend ko!


Seatmate ko nga pala si Ross. Palagi kami magkatabi sa upuan kasi parehong letter V ang last name namin.


Oh ayan, may last name na kami pero letter V pa lang hehehe.


"Belle Belle, musta nga pala kayo ni Drew?" biglang tanong niya out of nowhere sa isang subject namin. 


Fast forward na to after ilan days ng surprise birthday celebration. Muntik na ko masamid sa tanong niya. Nakakabigla kasi, di naman tsismoso na tao si Ross. Hindi siya mahilig sa mga showbiz tsismis.


"Oy, bakit di mo na sinagot tanong ko? Break na ba kayo ni Drew?" sabay bato ng papel sa mukha ko.

"Ano ba pakialam mo? Pinapakialaman ba kita sa panlalandi mo sa mga babae mo?"

"Kailan ako naging malandi?"

"Uhmm, let me think. Like always?"

"Payong kaibigan lang Belle Belle, iwanan mo na yang si Drew, niloloko ka lang niyan. Humanap ka naman ng may hitsura, mukhang choco pao yang boyfriend mo."


Chubby, maitim at di kasing gwapo ni Ross si Drew. Pero mapagmahal at loyal si Drew. Unlike this man in front of me, kahit ata poste na lagyan ng palda, liligawan nito.


"Palibhasa gwapo, makapanglait ka, kasing pure ng Purefoods TJ hotdog! At least di babaero si Drew katulad mo."

"Kailan ako naging babaero?"

"Hay naku, tanong mo sa moon!"

My Bestfriend Is A Heartbreaker [Completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora