Chapter 11 - Manny Pacquiao

19.5K 511 5
                                    

Mukhang effective naman kasi napaatras yung dalawang alalay at mukhang natakot. May silbi din pala tong si Calvin.


"Hindi mo boyfriend si Ross? Bakit ka palagi nakasabay sa kotse niya? Ako nga, hindi niya sinasakay sa kotse niya."

"Bawal daw kasi animals sa loob ng kotse niya, kaya sorry ka na lang."

"Aba, hinahamon mo ko ah!"

"Hep hep hep, gusto mo talaga matikman kamao ko? Wala pa naman ako practice recently," sabi ko sabay acting na parang Manny Pacquiao. Patalon talon pa ko at nagstretch ng arms as if ready na ko sumabak sa boxing ring para mas effective ang acting.

"Jennifer, tara na, umuwi na lang tayo. Hindi naman pala girlfriend ni Ross yan," takot na sabi ni supporting actress number one.

"Oo nga, baka masapak pa tayo ng wala sa oras niyan," dagdag ni supporting actress number two.


Wala na sinabi si Jennifer at inirapan lang ako, sabay alis. Nakahinga lang ako ng maluwag nung hindi ko na nakikita ang tatlong mean girls.


"Hay salamat, Calvin. Buti andyan ka."

"Wala yun, gusto ko din naman na nakakatulong ako kahit konti. Tama si Ross. Inexpect na niya na aabangan ka ng mga yan."

"Ha? Alam ni Ross?"

"Sorry, secret lang namin ni Ross. Ilang araw na kasi siyang pinagbabantaan ni Jennifer at ang akala niya, ikaw yung pinalit sa kanya. Since wala ka kasabay umuwi ngayon, humingi siya ng pabor na abangan kita at ihatid kahit hanggang makasakay ka ng jeep."

"Ganun ba? Kaya ko naman sarili ko. Taob sakin yung tatlong fake Barbie dolls na yun."

"Alam naman niya na kaya mo sarili mo, pero alam mo naman si Ross, gusto nun safe ka pa rin."


Di ko alam kung tatalon ang puso ko sa tuwa. Napaka maalalahanin talaga ni Ross. Kahit kasama niya ngayon new girlfriend niya, iniisip pa rin niya ang safety ko.

My Bestfriend Is A Heartbreaker [Completed]Where stories live. Discover now