Chapter 35 - Sunset

18.7K 364 8
                                    

Mabilis lang ako nagbihis at nagpony ng buhok. Sobrang excited ko, ewan ko ba kung bakit. Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang kaba. Binalikan ko si Ross, pero wala na siya sa kwarto. Andun na pala siya sa baba at naghihintay saken.


Pag lapit ko sa kanya, kinuha niya agad ang kamay ko at naglakad kami habang magkaholding hands. Sana palagi ganito. Kakaibang happiness ang nararamdaman ko kapag kasama ko si Ross. First time ko mafeel ang gantong klaseng love, yung parang nasa heaven.


Medyo madilim na ang daan, konti na lang ang liwanag. Buti na lang at may dalang flashlight si Ross kasi weak ang mata ko sa dilim. Tahimik lang kami pareho at yung sound lang ng hangin at alon ang naririnig namin.


"Nilalamig ka ba?" tanong ni Ross na nakahawak pa din sa kamay ko.

"Konti lang."

"Bakit ka kasi nagshorts? Ang lamig lamig, alam mo na lalabas tayo."

"Nagmamadali na kasi ako. Saka ano ba pakialam mo kung gusto ko naka shorts! Pakialamerong froglet."

"Gusto mo talaga ipakita yung legs mo saken no? Nakita ko na yan, natikman ko na yan, di na kailangan."

"Feeling mo naman inaakit kita? Di ba pedeng gusto ko lang magshorts, tapos?"

"Halika nga dito, dami mo pa sinasabi," hinawakan ni Ross ang baywang ko palapit sa kanya.


Sweet naman pala, nagrereklamo pa sa shorts ko. Pero tama si Ross, malamig nga. After ilan minutes na paglalakad, nagiginaw na ko. Medyo rough yung daan pero kitang kita pa din yung pathway.


"Dun ba tayo pupunta?" tanong ko kay Ross ng matanaw ko ang isang white lighthouse na overlooking sa sea.

"Yep."

"Anong meron dun?"

"You'll see..."

My Bestfriend Is A Heartbreaker [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon