Chapter 19 - Perfect

19K 469 13
                                    

Mukhang patapos na ang ball kasi tapos na yung program. May iilang tao na naiwan at nagsasayaw sa gitna ng dance floor.

Hinila ko ni Ross sa gitna at nagsimula kaming magsayaw sa slow music. Medyo awkward kasi nakayakap yung mga braso niya saken at wala akong choice kundi ipatong yung kamay ko sa balikat nya.


"Kaya kita sinama dito para ma-experience to, hindi para ubusin ang oras mo sa CR," bulong ni Ross sa tenga ko.


♫♫♫ If I'm not in love with you. What is this I'm going through tonight. And if this heart is lying then, what should I believe in. Why do I go crazy. Every time I think about you baby. Why else to I want you like I do. If I'm not in love with you. ♫♫♫


Parang gusto ko kilabutan, pero in a good way. Sobrang dikit namin at kung di namin kilala ang isat-isa, mukha kaming lovers.


"Ross, salamat ah? Sorry talaga kung naistorbo ko kayo ni Heidi. Di ka tuloy naka-score."


♫♫♫ And if I don't need your touch. Why do I miss you so much tonight? If it's just infatuation. Then why is my heart achin'. To hold you forever. Give a part of me I thought I'd never. Give again to someone I could lose. If I'm not in love with you. ♫♫♫


"Sayo na lang ako iiscore, ok ba Belle Belle?"

"Leche ka, Ross," sabay tulak sa kanya, pero lalo lang hinigpitan ni Ross ang yakap saken.

"Joke lang, chillax, Belle Belle. Wag mo sirain yung moment natin. Eto na ang chance mo na mayakap ang gwapo mong friend."

"Paasa ka no? What if mainlove ako sayo? Yan ang hirap sayo, wala ka kasing pakundangan paglaruan ang puso ko."


♫♫♫ Oh why in every fantasy, do I feel your arms embracing me? Like lovers lost in sweet desire. And why in dreams do I surrender like a little baby? How do I explain this feeling, someone tell me. ♫♫♫


Dahan dahan akong binitawan ni Ross at tumingin sa mga mata ko. Mga ilang segundo din siya nakatitig sakin as if ako lang ang babae sa buhay niya. Yung bang parang sa movie scene at kulang na lang sabihin niya na mahal niya ko...


"Hindi kita paglalaruan, Belle Belle. My heart is practically in your hand."

Napatulala ako sa sinabi ni Ross. As in nga nga, open jaw. . .


May feelings din ba siya saken? Mahal din kaya niya ko?


Kaso bago pa ko magsimulang umasa, biglang humalakhak si Ross at nag peace sign saken. Ano ka Japanese? Panira ng moment talaga tong hayop na to.

Niyakap niya ko ulit at patuloy kami nagsayaw. Gusto ko maiyak sa inis. Akala ata nitong balasubas na to ay binibiro ko siya.


Biglang tumugtog naman ang kanta ni Ed Sheeran na Perfect. We look perfect tonight... 


Perfect bestfriends...


♫♫♫ Baby, I'm dancing in the dark with you between my arms
Barefoot on the grass, listening to our favorite song
When you said you looked a mess, I whispered underneath my breath
But you heard it, darling, you look perfect tonight 
♫♫♫


"Belle Belle, gusto mo na ba umuwi?" tanong niya saken matapos ang ilang kanta.

"Pede din, past eleven na. Papasundo na lang ako kay kuya."

"Ako na maghahatid sa..."

"Stop stop stop!"


Bigla ako kumalas sa pagkakayakap ni Ross at face to face sila ng palm ko.

Badtrip kasi. My heart is practically in your hand pa siya eh niloloko lang naman pala ko. Asa naman kasi ko agad. Shunga ko din naman para maniwala sa mga jokes ni Ross.


"Hatid mo yung girlfriend mo, wag ako. Sasabay ako kay Jasmine. Magpapasundo kami kay kuya."


Moment ko to kaya hindi ko na hinintay makapagsalita pa si Ross. Kulang na lang tumakbo ko palabas ng hall at maiwan ko yung crystal shoes ko. Kaso hindi ako si Cinderella, walang prince Ross na humabol saken.


Kung kailan ko pa kasi narealize na mahal ko na nga siya, saka pa niya ako bibiruin. Siyempre sensitive ako. 


Kwento ko to, deal with it. May karapatan ako mag-inarte!

My Bestfriend Is A Heartbreaker [Completed]Where stories live. Discover now