Chapter 9 - Ice Cream Cake

23.4K 526 19
                                    

Kapag di ko kasama si Ross, si Jasmine at si Hailey ang kasama ko. Pati silang dalawa ay crush na crush ni Ross.


Sino bang babae ang hindi mahuhumaling sa isang gwapo, matalino na mayaman na, mabait pa?


Ako lang ata ang bulag na hindi nagkakacrush kay Ross. Pero minsan, di rin ako sure kasi bumibilis tibok ng dibdib ko pag kasama ko siya.


*Lub Dub Lub Dub Lub Dub*


Ano ulit tawag dun? Love ba o lande?


Hindi pinapatulan ni Ross yung dalawa kong friends dahil pinagbantaan ko na ang buhay niya. Sabi ko, pag pinaiyak niya si Jasmine or Hailey, puputulin ko hotdog niya.


Sa totoo lang, ayoko lang makita si Ross kasama mga kaibigan ko. Parang hindi ko kayang isipin na girlfriend ni Ross si Jasmine or si Hailey. Parang masakit ata sa dibdib yun pag nagkataon.


"Alam mo na ba ang balita?" tanong samin ni Hailey nung makahanap kami ng magandang pwesto sa likod ng university. Dun madalas kami tumambay kasi bihira tao at malamig ang hangin.

"Current events ba yan or tsismis?" tanong ni Jasmine habang nagsisimulang magretouch ng kanyang make-up.

"Kilala niyo ba si Althea? Yung president ng student council? Nagwawala daw dun sa student council room nung isang araw."


Napataas ang kilay ko dahil kilala ko si Althea. Eto yung current girlfriend ni Ross. Matino na babae si Althea. Matalino at maganda. Possible silang magtagal, pero knowing Ross, walang permanente sa gagong yun.


"Ang balita ko, nakipagbreak daw si Ross sa kanya at hindi niya matanggap. Emotional breakdown ang loka sa student council room," patuloy na kwento ni Hailey.

"Ano ba pa ineexpect ni Althea kay Ross? Ipapakilala siya sa parents at magiging fiancee? Nakakatawa siya. Kasalanan niya yun, pumatol siya kay Ross," depensa ni Jasmine kay Ross.


Madalas kay Ross umiikot ang kwentuhan namin. Pag-uusapan namin ang current girlfriend ni Ross at etong si Jasmine, palagi niyang pinagtatanggol si Ross.


"Jas, may balak ka ba mag lawyer? Palagi mo dinedefend si Ross. Walang puso yung kaibigan kong yun. Di ka babayaran nun kahit idefend mo siya sa korte."

"As a psychology student, inaanalyze ko lang mabuti si Ross. Palagi na lang nakikita ng tao na babaero siya, pero what if defense mechanism pala niya yun? What if nasaktan siya ng todo before dahil sa sobrang pagmamahal kaya siya naging ganyan? Ikaw ang bestfriend niya, may alam ka ba?"

"Wala sinasabi si Ross about sa past niya. Di kami close," sabay bukas ng Deception Point by Dan Brown na libro. Sinagot ko sila ng maikli para isarado na ang usapan namin.


Pag si Ross ang topic, palagi nauuwi usapan namin kung naaattract na ba ko kay Ross or kung nagfafall na ba ko sa kanya. Ayoko ng ganung topic. Ayokong malaman ang sagot.


"Bes, wag magdeny. Kitang kita ko pamumula ng mukha mo pag palagi ka inaakbayan ni Ross," tukso ni Jasmine.

"Trulalu, bes. Feeling ko naiinlove ka na ng di mo namamalayan," dagdag pa ni Hailey.

"Tigilan niyo ko. Wala akong pagnanasa sa bugok na yun. Friends lang talaga kami. Period, no erase."

"Showbiz na showbiz ang sagot. Friends lang naman dati si Dingdong at Marian ah?" singit ni Hailey.

"Kung papayag ka, ok lang ba na makikipag one night stand ako kay Ross?" biglang seryosong tanong ni Jasmine.


Medyo nabigla ako sa tanong niya. Di ako prepared sa ganung tanong...


Papayag nga ba ko? Ok lang ba saken yun? 


Iniisip ko pa lang na magkaholding hands si Ross at Jasmine, gusto ko nang lumaklak ng cough syrup...


One night stand pa kaya?


"Wala ako pakialam sa sex life ni Ross. Kung ano nasa pu.......so mo, sundin mo," confident kong sagot sa kanya.


Di ko alam kung bakit pero biglang tumawa ng malakas si Jasmine at Hailey. Ako naman, sobrang confused. 


Ano ba nasabi ko? Ano ba nakakatawa?


"Sorry, friend. Joke lang yun. Alam ko naman na mahuhurt ka pagnagkataon," sabi ni Jas na todo smile pa din.

"Ako? Mahuhurt? Hindi no! Di ko type si Ross, masyado siya gwapo para saken."

"Ok lang magdeny, bes. Ganyan talaga sa simula. Medyo maguguluhan ka pa kung mahal mo si Ross dahil kaibigan mo siya. Pero one day, marerealize mo kung ano talaga nararamdaman mo sa kanya. Pag nasaktan ka dahil kay Ross, andito lang kami. Pero ok lang masaktan, at least nagmahal ka ulit." sabi ni Hailey sabay yakap saken.

"Treat ko kayo ng ice cream cake pag naging official couple na si Belle at Ross!" sigaw ni Jasmine sabay yakap saken na para kaming naka-group hug.


Tama ba si Hailey? May nararamdaman ba talaga ko kay Ross? 

Mahal ko na ba talaga ang heartbreaker kong bestfriend kahit chapter 9 pa lang? 

My Bestfriend Is A Heartbreaker [Completed]Where stories live. Discover now