Chapter 31 - Ebola Virus

18.7K 422 8
                                    

Medyo masakit din yung mga galamay ko. Ang tagal na din ng huli kong swimming. Pero di pa rin ako makatulog. Paulit ulit ko naaalala yung scene namin sa cave at sa gitna ng mahiwagang lawa. Parang pirated na DVD, replay ng replay sa same scene.


Ang sweet pala ng kisses pag galing kay Ross. Bakit ang lambot ng labi niya? Nababaliw na ba ko?


Sinubukan ko lumabas ng veranda dahil hindi naman ako makatulog. Ngayon ko lang nakita na ang ganda pala ng resthouse nila Ross, tanaw na tanaw ko ang sparkling blue sea. Sinubukan ko lumakad sa veranda papunta sa kwarto ni Ross, sisilipin ko lang naman kung natutulog siya.


Bukas ang sliding glass door, pero waley si gago. Asan na yun? Kala ko ba matutulog siya?


Pumasok na ko kasi curious at tsismosa talaga ko. Wala talaga si Ross. Umalis ba siya ng di nagpapaalam saken?


Bakit ako affected? 


Hindi naman ako girlfriend na dapat magpaalam siya kung aalis siya. Babalik na sana ko ng kwarto ng biglang bumukas ang pinto ng CR at lumabas doon ang hinahanap ko.


"Anak ng--- Anong ginagawa mo dito,Belle Belle? Kala ko naman kung sino, pinakaba mo ko."


Gulat na gulat si Ross ng makita ko. Namutla na parang nakakita ng multo. Duwag din kaya siya tulad ko?


Pero mas nagulat ako nang makita siyang nakacover lang ng towel sa lower part. Basang basa ang buhok na parang kakaligo lang.


"Nagpapahangin lang ako. Bukas yung sliding door, kaso wala ka naman. Kala ko umalis ka."

"Bumalik ka na sa kwarto mo. Magbibihis ako," sabi ni Ross gamit ang kanyang pinaka malamig na tone na parang mas malamig pa sa mga icebergs ng Arctic circle.

"Galit ka ba? Iniwan mo ko kanina sa dining room. Mag-isa lang ako kumain. Dinatnan ka ba ng period mo at ganyan ka ka-sensitive?"

"Ano ba sabi ko? Uulitin ko ba? Lumabas ka na at bumalik ka sa kwarto mo. Magbibihis nga ko. Mahirap ba intindihin yun?" sabi ni Ross habang naghahanap ng pamalit na damit sa bag.

"Ano ba problema mo Ross?"

"Ikaw ang problema ko kasi ayaw mo umalis dito, magbibihis nga ko!"


Bakit ba ganto sumagot saken tong taong to? Ano ba ginawa ko? Napaka antagonistic niya sakin at pinagtatabuyan ako na parang may Ebola virus ako.


"Ross, di ka naman ganyan kanina. Sabihin mo naman kung may nagawa ba ko na kinagalit mo?"

"Belle Belle, lumabas ka na pwede? Hindi ka ba makaintindi? Bobo ka ba? May utak ka naman di ba? Gamitin mo naman kahit minsan lang. Bakit ba napaka-kulit mo, napipikon na ko sayo."

"Ang sakit mo naman magsalita. May problema ka alam ko. Hindi ka naman bigla biglang magagalit ng walang dahilan. Bakit mo ba ko tinataboy?"


Tumigil si Ross sa kakahalungkat ng damit. Tumingin siya sa ceiling as if kinokontrol ang galit na pede sumabog na parang Tsar Bomba.


Gusto na ba niya ko sapakin? Aba, di ko siya uurungan


Alam ko marami siya alam sa martial arts pero nagkikick boxing din naman ako. May laban ako kanya. 


Teka, meron nga ba? Sasaktan ba talaga ko ni Ross?


"Ross naman, ano ba talaga problema at bigla bigla yung mood swings mo? Ok naman tayo nung umuwi tayo dito sa rest house. Galit ka ba sakin?"


Hinila ni Ross ng marahas yung braso ko palapit sa kanya. Medyo mahigpit yung pagkakakapit niya. I am sure, anytime sasaktan na niya ko.


"Gusto mo malaman problema ko, Belle? Sigurado ka?" galit niyang sabi sakin.

"Ross, wait. Nasasaktan na ako."

"Gusto mo malaman problema ko di ba?" mas lalong lumakas ang boses niya, di ko na alam kung ilang decibels.

"Ano ba, Ross! Masakit sa braso. Bitiwan mo ko!"


Pero di nagpatinag si Ross dahil kinaladkad niya ko malapit sa kama niya at dun ako tinulak. Tatayo sana ko pero biglang dumagan si Ross. Ramdam ko ang bigat ng buong katawan niya.


"Binalaan na kita, pero ang kulit mo," yung ang huling sinabi ni Ross bago niya tinakpan ng labi niya ang mga labi ko. 


Pero hindi katulad kanina, medyo harsh ang paghalik niya. Masakit, punishing dahil sa kakulitan ko. I can even taste a slight tinge of blood.

Imbes na matakot ako sa ginawa niya, parang biglang sinilaban ang buo ko katawan. 


Mahangin naman pero bakit parang ang init uli?


I can't explain but every stroke of his lips, para kong nasa heaven. I dared to kissed him back with equal passion. Wala ko magagawa, I want this and I want him.

Pero bigla siyang tumigil at tinitigan ako sa mga mata. He looks at me as if maraming emosyon ang gumugulo sa kanya.


"Belle Belle, kung ayaw mo nito, sabihin mo. Ayoko ng half hearted refusal lang. Reject me with all your heart, push me away with all your might. Because if you don't, I will not be able to stop myself from owning you, right here, right now!"


Di ko na alam ang mga nangyayari. Di na ata nagfufunction ang frontal lobe ko kaya I took the initiative to kiss him back. Sa gitna ng katanghalian, hindi ko ineexpect na dun ko maisusuko kay Ross ang lahat. 


Bukas na lang ako magsisisi kapag tapos na...

My Bestfriend Is A Heartbreaker [Completed]On viuen les histories. Descobreix ara