Chapter 23 - High school

19.4K 452 8
                                    

Mukhang kaming dalawa lang ang tao dito, kaya sumunod din ako agad. Apat ang kwarto sa taas. Since curious ako, binuksan ko lahat ng kwarto. Wow, parang hotel suites.


"Etong kwartong to ang gagamitin ko. Dun ka sa kabilang kwarto," sabi ni Ross habang binaba ang mga bag.


May sliding glass door papunta sa veranda. Meron din daan papunta sa kabilang kwarto. Wala akong matanaw sa veranda kasi sobrang dilim, pero I am sure dagat na yung kaharap ko dahil ang lakas ng tunog ng alon.


*Woooooosh Wooooooosh Woooosh*


"Kanino tong bahay? Ang ganda naman, parang modern na resthouse."

"Pag-aari ng lolo ko. Bukas samahan mo ko bayan, bili tayo food, alam ko naman matakaw ka. Alam mo ba na si Kyle ang nag interior design nito?"

"Si kuya? Kaya pala pumayag siya na kidnapin mo ko para makita ko to. Ilan taon na tong house na to? Parang luma na yung labas?"

"Di ko sure, pero alam ko nakatayo na ito bata pa lang ang daddy ko. Ancient na. Eto ang isa sa mga unang projects ni Kyle."

"Teka, unang project? Magkakilala na ba kayo ni kuya noon pa? Akala ko naging close lang kayo nung magkakilala kayo sa bahay."

"Di mo alam? Matagal ko na kakilala si Kyle. Kabarkada niya yung pinsan ko na si Gabriel nung high school days nila, kaya naging katropa ko din si Kyle. Kasama ko siya sa banda saka si Harvey. Nung nalaman niya na same school tayo, hiniling niya bantayan din kita, kasi clumsy ka daw. Bakit sa tingin mo madalas kita nilalapitan nung first year? Feeling mo siguro crush kita no?"


Basahin niyo po ang  Heartbreaker Series. Book 1 - 3, kwento ni Ross at ni Belle. Andoon din po si Belle at si Ross sa Book 4 - My Boss is a Heartbreaker.

Book 5 (Gabriel Vargas) Miss Balyena and The Heartbreaker

Book 6 (Harvey Weston) The Last Heartbreaker


Grabe yung author, makapag promote ng iba niyang stories, wagas!


"Ewan ko sayo, Ross. Matutulog na ko. Wag mo na ko kakausapin ever ha! Gusto ko na umuwi bukas!"


Kaya pala palagi nakadikit si Ross saken, binilin pala ko ni kuya sa kanya. Akala ko pa naman dahil gusto ako ni Ross. Asa much kaya hayun, hurt much. Tinalikuran ko si Ross at pumunta na sa veranda para pumasok sa kabilang kwarto ko.


"Ingat ka na lang dyan. Tawagin mo lang ako pag may kumalabit sayo mamaya."


Tinignan ko ng masama si Ross. Gumaganti ata ang walang hiya. Alam na alam niya na duwag ako sa multo or kahit sa horror movies. Kahit nga yung The Ring, di ko pa napapanuod.


"Hmmph! Ikaw din naman mag-isa diyan sa kwarto mo."

"At least dito sa kwartong to walang nagpaparamdam. Diyan sa kabila, madalas daw magpakita si lolo. Pero di ko sure, sabi sabi lang ng mga caretakers."

"Walang hiya ka! Expect mo makakatulog pa ko sa sinabi mo? Dito na ko matutulog sa kama mo, dun ka sa carpet!"

My Bestfriend Is A Heartbreaker [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon