Chapter 44: Honest Sky

735 22 1
                                    

Skyler Pov

"Mommy" nakangisi kong saad.

Bigla nyang inalis ang shade sa mata ko.

"Magpaliwanag ka. Bakit ganyan ang mata mo? Bakit naging kayo agad ni Miguel? At ano itong dalawa mong favor kay Daniel? May nangyari ba anak at mukha kang nasasaktan?"

"Pagod na ngayon ang anak mo" saad ni Daddy.

"No! Kailangan nyang sagutin ang tanong ko."

Nagbuntong hininga muna ako.

"Mommy nakakilala ako ng taong kinaiinisan ko at malakas ang topak naging magulo ang buhay ko dahil sa kanya pero dahil rin sa kanya naging masaya ako. Dahil rin sa kanya natuto akong magmahal. Dahil rin sa kanya nalaman ko kung ano ibig sabihin ng salitang 'love'. Mommy pero pinaubaya ko na siya. Pinaubaya ko na siya sa bestfriend ko. Mommy... mahal ko siya pero mas mahal ko si Kylie." niyakap lang ako ni Mommy.

Hinagod nya ang likod ko.

"Anak. Paano naging kayo ni Miguel? Panakip-butas mo lang ba siya?"

Tumango ako.

"Anak masama iyon."

"Pero wala na akong alam na paraan Mommy. Walang-wala na ako. Sobrang sakit na Mommy. Sobrang nahihirapan na ako"

"Pero kung nahihirapan ka mas nahihirapan si Miguel. Anak huwag mong saktan si Miguel"

Tumango ako at pinunsasan ang luha ko.

"Matulog ka na anak" saad ni Daddy.

"Teka lang po. May hindi pa ako nasasagot yung dalawa kong favor kay Daniel. Humingi ako ng favor sa kanya na kapag nakita ko ang kapatid nya lalayo na sya sa akin at magiging sila ng bestfriend ko. Mommy at Daddy natupad na po yung dalawa kong favor. Masaya po ako. Sobrang saya ko"

Hindi ko namalayang umiiyak na naman pala ako. Niyapos lang ako nina Daddy at Mommy.

Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang