Chapter 65: Last

889 19 1
                                    

Skyler Pov

Ako ba ay pinagloloko ng baklang 'to?

"Kelan ko nagustuhan ang lollipop at pusa?"

"Kakasabi mo lang kanina doon sa Noby mong mukhang bakla, duh have a class Sky. Lamang ako sa kanya ng sampung ligo seryoso" tapos nagrolled-eyes na naman sya.

Para 'tong tanga. Hindi ko malaman kung bat 'to umaastang ganto eh.

"Kain mo na 'tong lollipop"

"Ayoko" wika ko.

Pero binuksan nya parin eto at inilagay sa bunganga ko.

Binigyan ko sya ng death glare.

"Jinjaskeyrd" tapos rolled-eyes ulit.

Iniluwa ko na lang yong lollipop.

"Pwede bang kahit ngayon lang sundin mo ang sinasabi ko? Wag kang magtataray. Please?"

Wala na akong naggawa. Kasi ang hina ko talaga pagdating sa kanya. Nagbukas muli sya ng lollipop at inilagay sa bunganga ko.

Napapikit ako. One thing kung bakit ayoko ng sweet. Hindi dahil ayoko talaga. May diabetes ako simula palang nong bata kaya kahit anong gustuhin ko hindi pwede. Pero kung saan naman ako sasaya bakit hindi diba?

Habang naglalakad kaming dalawa bigla nyang hinawakan ang palad ko. I mean interwined na ang daliri namin.

Huh?

"Hoy--"

"Wag kang umangal please? Kahit anong gawin ko"

Pilit akong tumango. Mahal ko nga talaga 'tong baklang 'to. Kahit mamatay ako gagawin ko para lang maranasan isang araw na maging masaya kasama sya.

Marami kaming ginawa. Una na doon kumain ulit kami. Binigyan nya ako ng ice cream kahit na bawal sakin ang malamig di ko nalang sinabi sa kanya. Sunod noon kumain kami ng pancit buti nalang alam nyang may allergy ako sa hipon kaya nagpaggawa ulit sya ng bago. Pagkatapos noong sumakay kami sa rides tapos nag-ikot-ikot. Then ngayon nasa may sea side kami para manood ng fireworks display. Gabi na rin kasi.

"Hindi mo dala yong coat na binigay ko sayo?"

"Para saan?"

"Duh. Look nilalamig ka. Halika nga rito"

Tapos sya na mismo ang humila sa akin at niyakap ako. Kalma Skyler! Yakap lang yon.

"Look at the sky"

Tumingala ako at nakita ang magandang fireworks. Ang liwanag. Ang ganda tingnan.

"Kyle?" rinig kong may binubulong sya pero hindi ko naririnig kasi ang lakas ng fireworks.

Bigla nya nalang ako kinabig at hinalkan sa labi.

Ako na mismo ang kusang lumayo sa kanya. Tama na siguro. Masaya na ako. Sobra pa.

Tatakbo akong umalis sa harap nya pagkatapos nong kiss. Mali ang ginagawa ko. Kasi sila ng bestfriend ko maaaring masira ang relasyon nila.

Nakarating ako sa bahay namin.

"Sky anong nangyari?"

"Okay ka lang ba anak?"

Tanging tango lang ang nasagot ko. Dire-diretso akong pumasok sa kwarto ko.

At doon ibinuhos ang luha ko. Umiiyak ako sa kadahilanang may nagawa akong kasalanan sa bestfriend ko. Maling-mali ito.

Kumuha ako ng pirasong papel at nagsulat, doon ko ibinuhos ang gusto kong mangyari kung maaari man. 

Pagkatapos kong gawin iyon. Idinikit ko ito sa likod nong mga ayaw ko kay bakla.

Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon