Chapter 53: Kasalanan mo to

752 19 0
                                    

Skyler Pov

Isang linggo na ang nakakalipas matapos nung pagpapakilala kay Miguel bilang isang Garcia. At sa loob ng isang linggo na iyo puro sya lang ang kasama ko. Araw-araw kaming lumalabas para kumain o kaya maglaro sa mall bonding kumbaga pero para sa kanya date iyon.

Sa loob rin ng isang linggo na yun biglang nawala ang lahat. Dejoke lang. Ano lang nag-improve na kami ni Daniel. Dati nagkakausap pa kami ngayon never na talaga. Never kaming magkakatinginan. Siguro magkikita pero lalagpasan namin ang isa't isa na para bang hindi kami nagkakilala. Hays.

"Baby sino iniisip mo?" pagtatanong nya.

"Ha? Wala tara na sa mall" saad ko.

Nakarating kami sa mall na tahimik lang kaming dalawa.

"Ang obvious pala ng tanong ko kanina Baby. Malamang sya parin yung iniisip mo. Mahal mo eh"

Umirap ako sa kanya.

"Kapal mo. Nevah~"

"Talaga?"

"Oo na. Kasalanan ko bang nahulog ang isang tulad kong bitter at hindi naniniwala sa love sa taong hindi naman pala ako kayang saluhin at sambutin? Kasalanan mo 'to eh."

"Paano namang kasalanan ko?"

"Sinumpa mo ako. Sabi mo kapag ako nainlove humanda ako"

"Binalaan lang kita hindi kita sinumpa. Tara na nga magquantum Baby"

"Whatever" saad ko at sumunod narin sa kanya.

Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔Where stories live. Discover now