Chapter 6: Nakakainis

1.5K 47 0
                                    

Skyler Pov

"Tanga bakit ganyan na naman mukha mo?" tatakbong paglapit ng baklang 'to.

Lunch break na namin at heto ako papunta na sa canteen kaso umepal na naman tong baklang to.

"Wala" bored kong saad at dumiretso ng pumila.

"Hindi kita pipilitin." saad nya pagkatapos ay dumiretso sa likod ko para pumila.

Bakla talaga. Biruin mo nakatingin sa lalaking varsity dito.

"Yung laway mo punasan mo tumutulo bakla"

Nagrolled-eyes na naman sya sa akin pagkatapos ay kumuha na ako ng pagkain ko. Spaghetti tsaka c2.

Umupo na ako sa bakanteng upuan.

Habang kumakain ako umupo naman tong baklang to sa harapan ko.

"Bakit hindi itlog pugo binili mo?" pagtatanong nya habang iniinom ang coke in can nya.

"Kasi nga naalala ko lang si Kyle roon" inis kong saad.

Naiinis sya sa tuwing kumakain ako ng itlog pugo kaya mas nainganyuhan akong kumain noon at sa hindi ko malamang dahilan iyon ang naging favorite ko. Pero ngayon? Sigurado akong ang masarap na pagkain para sa panlasa ko ngayon ay mapait at kahit kailan ay hindi magiging masarap.

Nakakawalang gana. Tumayo na ako kahit tinatawag nya pa ako. Dumiretso nalang ako sa room namin.

*ringgg*

Nag-inat muna ako bago ayusin ang gamit ko at agad ring lumabas ng room.

Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko sa di kalayuan si Kylie kasama nya ang mga staffers ng school paper.

Hindi ako naglakad pero sya/sila naglakad parin.

"Ky--" di ko na natapos ang sasabihin ko dahil nilagpasan nya/nila ako.

Napabagsak na naman ang balikat ko. Ano bang nangyayari Kylie? Tama pa ba ang pagkakakilala ko sayo?

Ihahakbang ko na sana ang paa ako ng batukan ako ni Bakla.

Aba't.

"Hoy! Naiinis na ako sayo bakla ha! Noong una yung hindi mo pagbigay sa akin ng papel pangalawa yung pagbabad trip mo sa akin sa simpleng presensya mo at pangatlo ay ang pagbatok mo ngayon. Ano bang problema mo sa akin?" malakas kong sigaw.

"Wala naman akong problema sayo eh. Tanga ka lang talaga" pagkatapos ay nagrolled-eyes na naman sya.

"Bakla ka"

"Tanga ka"

"Hindi ako tanga"

"Mas hindi ako bakla"

Napatigil ako sa dapat ko sanang sabihin.

"Anong sabi mo di ka bakla? Eh yung simpleng pagro-rolled-eyes mo hindi pa ba yan gawain ng isang bakla?"

"Whatever" at nilagpasan nya na agad ako.

Kapal ng mukha ng baklang yon. Naiinis na naman ako.

Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔Where stories live. Discover now