Chapter 18: Out of balance

851 31 0
                                    


Skyler Pov

"Daniel may itata--" di ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang tumunog ang phone nya.

Medyo lumayo sya sa akin noong sinagot nya iyon.

Lumipas ang dalawang minuto. Lumapit sya sa akin.

"Skyler sorry. Tara na sa inyo. May nangyaring masama kay Kylie"

Nanlaki ang mata ko.

"Anong nangyari sa kanya?"

"Naaksidente raw. Sasama ka ba sa akin sa hospital"

Agad akong tumango. Habang naglalakad kami sa kalsada bigla akong napatigil.

"Natatanga ka na naman ba? Wala akong panahon para sa katangahan mo ngayon rin. Bahala ka na umuwi. Kailangan na talaga ako ni Kylie" agad syang tumakbo.

May next time pa naman para itanong kung sya ba talaga yung childhood friend ko.

Isa lang naman ang dahilan kung bakit tumigil ako.

Hindi kami ayos ni Kylie.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad kahit na madilim. Hindi naman ako takot sa dilim eh. Takot lang talaga ako sa makakasalubong kong pusa.

"Meow"

Ito na naman tayo. Lord naman eh. Kakasabi ko lang takot ako sa pusa tapos nagpadala pa kayo.
"Meow"

Papalapit sya ng papalapit sa akin.

Hindi ko maggalaw yung paa ko. Peste naninigas ako. Tulong. Ayoko sa pusa.

"Meow"

"Tu-tumigil k-ka na nga pusa. Hi-hindi ako ta-ta-takot sa-sayo." putol-putol kong saad.

"Meow"

"Ayoko na. Mommy tulong!" malakas kong sigaw.

"Hello asan ka na? Hello~" rinig kong may sumisigaw.

"Tulong! Tulong!" sigaw kong saad.

Naiiyak na ako peste. Tapos yung pusa black pa.

Dadambahan nya sana ako pero umatras agad akong nakapikit.

Sakto namang may dumaang motor.

Napapikit nalang ako. Naramdaman kong may humila ng kamay ko.

Ha?

Pagmulat ko.

"Skyler naman alam kong tanga ka pero magpapabangga ka talaga?"

Sumimangot ako.

"Kapal mong hangal ka. May atraso ka pa sa akin"

"Ano naman yun?"

"Sabi mo papakas--"

Okay. =_= Hindi ko na naman natapos yung sasabihin ko dahil kinuha nya yung pusa.

"Hello andito kalang pala. Pinahirapan mo pa ako" kausap nya sa pusa.

Inilapit nya sa mukha ko. Putangina. Wala akong naggawa kung hindi ang umatras kahit alam kong maa-out of balance ako.

Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz