Chapter 41: Hurt

735 24 1
                                    

Skyler Pov

Ang hirap magpanggap na okay ka kahit sa loob-loob mo gusto mo ng umiyak. Gustong-gusto mong maglupasay sa sahig para maibsan yung sakit. Gustong-gusto mong sumigaw para iparamdam sa kanila na tao ka lang rin. Nasasaktan ka rin.

Pinahid ko muli ang luhang patuloy na nagpapatakan sa mga mata ko. I hate it! Ayokong nakikita ang sarili kong mahina at ayokong kinakaawaan ako.

Pero ano nga ba ang maggagawa ko? Mahal sya ng mahal ko mahal rin nya ito. Ako lang pala yung panira sa litrato.

Unti-unti akong tumalikod sa kanilang dalawang masayang nagyayakapan sa gitna ng stage.

Hindi ko alam ang pupuntahan ko. Sobra kong sinisisi ang sarili ko sa lahat.

'Skyler sabi ko sayo hindi ka maiinlove but great you did! Nainlove ka sa taong hindi na pwede' pangangaral ko sa sarili ko.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi ko inaasahang napadpad ako sa hindi ko alam na lugar.

Just great Skyler! Naligaw ka pa. Ang tanga mo talaga.

Lumingon ako sa paligid at nakita ang kaonting taong nagtutumpukan sa gitna ng falls.

Nasaan ba ako?

Napaupo ako. Anong gagawin ko?

Pumikit ako kahit na tumutulo ang luha ko.

Naramdaman ko na lang na may nagpupunas ng mga luha ko.

Minulat ko ang mata ko at nakita ang mukhang alam kong tutulungan ako sa pagmomove-on.

"Miguel" bulong kong saad ngumiti lang sya sa akin ng pilit at umupo sa tabi ko.

"Akala ko ba hindi ka naniniwala sa love? Bitter ka diba? Pero bakit ka umiiyak ngayon? Bakit nainlove ka kay Daniel?"

Hindi ko maggawang sagutin ang tanong nya. Tama naman sya eh. Bitter ako. Never akong naniwala sa salitang love. Pero bakit ngayon? Mukha akong tangang broken hearted kahit ang totoo hindi naging kami.

"Miguel diba sinabi mo sa akin maghihintay ka sa akin? Diba sabi mo hindi ka mapapagod na mahalin ako? Hindi ka magsasawang antayin ako? Ngayon Miguel. Pwede bang tanungin mo ako ngayon"

Ngumiti sya ng mapait sa akin at ginulo ang buhok.

"Hindi ko aakalaing dito ako magtatanong kung pwede kang maging akin habang buhay. Hindi ko naimagine na wala man lang romantic kapag umu-oo ka. Pero kung ano pa man iyon wala na akong pakialam. Diba nangako ako sayo? Aantayan kita." bago nya ituloy ang sasabihin nya pinunasan nya muna ang pisngi ko.

"Will you be my girlfriend Skyler Rodriguez?" pagkatapos nyang sabihin iyon naglabasan ang mga luha nya.

"Yes. I do. I will be your girlfriend and your future wife. Soon to be Skyler Rodriguez-Garcia." niyakap nya agad ako ng mahigpit.

"I love you Skyler. Please let me be your husband for the rest of your lives" bulong nya sa tenga ko.

Iniharap ko sya sa akin at pinunasan ang mga luha nya.

"Let me fall for you Miguel. Paibigin mo ako sa karismang tinataglay mo."

"I will" at niyakap nya muli ako.

Alam kong selfish ang ginagawa ko. Hindi ko sya mahal pero sumagot ako ng oo. Pinapaasa ko lang sya sa wala pero anong maggagawa ko? Tao lang rin ako. Nasasaktan rin ako.

Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔Where stories live. Discover now