Chapter 35: Date ata?

764 22 0
                                    

Skyler Pov

Tatlong oras na akong nakatingin sa papel. Tatlong oras ko nang binabasa ito. Siguro nagtataka kayo no? Ito yung papel na sinulat ko noong nadetention kaming dalawa ni Daniel. 

Siguro nga ito yung panahong nainlove na agad ako sa kanya. Pero diba mali?

Maling magmahal sa taong may mahal na iba.

Maling magmahal sa taong ang mahal ay bestfriend mo.

Tama! Kailangan ko ng gawin ang nararapat.

Tinawagan ko si Miguel.

[Oh Skyler napatawag ka. Gabing-gabi na ah. Anong mapaglilingkod ko sayo?]

"Anong apelyido mo?"

[Migurl Garcia. Bakit? Kasi magiging Skyler Garcia ka na? Hahaha]

"Bakit ka Garcia?"

[Iyon yung sabi sa orpahanage eh.]

"Sige. Salamat. Magkita tayo bukas."

Agad kong ibinaba ang tawag  Kailangan ko pa ng sobrang tibay na ebidensya. Kailangan kong magpa-DNA.

--

"Skyler ano namiss mo ako no? Biruin mo isang linggo tayong hindi nagkita" pagbungad sa akin ni Miguel dito sa starbucks.

"Hahahaha. Oo naman namiss kita. Ikaw pa. Nga pala sorry kung nasaktan kita nung binasted kita"

"Ano ba naman yan Skyler. Akala ko yung pinunta mo ay maganda. Eh bakit parang papaiyakin mo ata ako?"

"Pero sorry talaga"

"Oo alam ko. Don't worry maghihintay ako."

"Pero Mig--"

"Akong bahala."

Hinayaan ko nalang sya.

"Miguel may sasabihin sana ako sayo"

"Ano naman yun?"

"MagpapaDNA sana ako"

"Kanina naman? Kay Mommy? Hello Skyler totoo ka nilang ana--"

Binatukan ko agad sya.

"Hindi. Sayo"

"La? Skyler naman. Masakit ha! Busted na nga ako magiging kapatid pa kita."

Binatukan ko ulit sya.

"Umayos ka Miguel. Seryoso ako. May hint na ako kung sino ang kapatid mo"

"Talaga? Sino?"

"Secret muna. Hindi pa naman talaga ako sure eh."

"Okay. Tara muna mamasyal."

Tumango na lang ako. Pumunta kami sa mall.

"Bakit tayo nandito?" pagtatanong ko.

"Magsu-swimming. Skyler naman alam kong tanga ka pero--"

Binatukan ko na ulit sya.

"Alam kong nasa mall tayo. Pwede namang sa park o playground ah!"

"Ayaw mo ba dito?"

"Ha? Hindi naman. Okay lang tara na. Ano ba una nating gagawin?"

"Manood tayo ng sine"

Mukha atang date ang kalalabasan nito. =_="

Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ