Chapter 17: Ikaw ba yung...?

906 33 3
                                    

Skyler Pov

"Tanga ano na! Ang bagal mo maglakad" pangsampung beses nya ng reklamo sa akin.

Kapal ng mukha ng baklang 'to. Nasaan kami ngayon? Nasa may kalsada kami. Ewan ko dyan kung saan kami pupunta.

"Malapit na tayo. Bilisan mo naman"

"Oo na eto na. Binibilisan na nga diba?"

Sarap bigwasan ng baklang 'to ngayon rin.

"Aray ko!"

Nakakainis. Biruin nyo nauntog na naman ako at sa kamalas-malasan ba naman sa likod pa ng baklang 'to. Bigla kasing tumigil hindi ko naman napansin.

"Tanga ka talaga. Andito na tayo"

Hinimas ko muna ang noo ko at tumingala para makita kung anong sinasabi nya.

Tree house?

Nagpalinga-linga ako para makumpirma kung ito nga iyon.

Tumakbo ako sa may puno nun at tiningnan sa likod nito kung may nakaukit.

-Flashback-

"Niel pakiramdam ko last time na natin 'tong pagkikita"

"Bakit mo naman nasabi? Hindi kita iiwan Kyle kahit anong mangyari"

"Wala" natatawa kong saad pagkatapos ay isinubo nya sa akin ang buong lollipop.

"Niel naman eh! Ayoko nga ng lasa ng lollipop. Masyadong matamis."

"Masarap kaya."

"Ewan ko sayo"

"Kyle tara na sa loob ng tree house. Bagong gawa lang 'to nina Dad"

Tatakbo naming tinungo ang tree house na sinasabi nya.

"Ta-da! Ang ganda diba?"

Napatango nalang ako habang nakangiti at hindi makapaniwala sa nakita ko. Tree house nga sya wow!

"Tara sa loob"

Hinila nya na naman ako pagkatapos ay umakyat kami sa tree house.

"Niel ang ganda dito. Next time magpapaggawa ako kina Dad ng tree house rin" manghang saad ko.

"O sige ba! Para naman halinlinan tayo. Ngayon akin munang tree house tapos sa susunod iyo naman. Deal?"

"Deal"

Naglaro lang kami ng kung ano-ano.

"Niel hinahanap ka na ng Mommy mo. Tara na" saad ng yaya nya.

"Bye Kyle ingat ka pag-uwi mo. Medyo engot ka pa naman. Hahaha pero hindi nga ingat ka. Bukas magpaggawa ka na agad ha ng tree house para doon naman tayo maglalaro. Bukas ulit. Kita tayo dito." ginulo nya ang buhok ko tapos ay tatakbong bumaba para makalapit sa yaya nya.

Nagwave ako hanggang mawala sya sa paningin ko.

Kinabukasan maaga akong nagising.

"Yaya tara sa may tree house" pag-aaya ko kay Yaya.

Tumango lang si Yaya. Nakarating ako roon na wala si Niel.

Hanggang maghapon wala parin ni anino ni Niel.

"Diba sabi mo magkikita pa tayo? Eh bakit parang hindi ka na darating"

"Iha baka nagkasakit si Niel. Bukas nalang ulit tayo bumalik."

Tumango nalang ako.

Lumipas ang mga araw hindi parin sya nagpakita. Dumalaw ako sa bahay nila ngunit wala na raw yung pamilya nya roon.

Anim na taon na ang nakakalipas. Ngunit kahit anino nya hindi nagpakita sa akin o kaya sulat manlang.

Pumunta ako mag-isa sa tree house.

"I hate you Niel! Sabi mo magkikita tayo rito. Asan na yung sinabi mo? Akala ko pangako lang ang napapako pero hindi pala. Kahit simpleng bagay napapako."

Nilibot ko ang tree house nya. Kumuha ako ng bato at inukit sa likod ng puno ang katagang:

"Niel aasa ako na darating ka. Kahit hindi ka nangako. Aasa pa rin akong magkikita tayo"

-Flashback Ends-

Nanlaki ang mata kong makumpirmang ito nga yung tree house.

Yung tree house na inukit kong sana magkita ulit tayo Niel. Ang chldhood friend ko. Ang lalaking uhugin. Ang lalaking mahilig sa lollipop.

Napalingon ako sa pwesto ni Daniel na nakakunot ang noo.

Isa lang ang tumatakbo sa utak ko ngayon. Ikaw ba yung childhood friend ko?

Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔Where stories live. Discover now