Chapter 26: Mamatay na raw ako?

805 24 1
                                    

Skyler Pov

"Tara na sa bahay Skyler"

"Teka lang. Selfie muna tayo"

Tumango sya ng nakangiti. Kinuha ko ang phone sa bag ko at nagselfie na kami.

"Wait! Syempre dapat sa akin rin may remebrance" saad ni Miguel.

At sya nga ang naghawak ng phone nya tapos nagselfie na ulit kami.

"Tara na sa inyo Migs. Gutom na rin ako" bulong ko sa kanya.

Sa totoo lang hindi naman ako totally gutom eh gusto ko lang talagang makaalis na sa school na 'to. Kasi kung nakakamatay lang ang tingin siguradong talagang patay na ako at nililibing. Nakakainis naman kasi eh. Bakit ba ang daming fangirls ni Miguel? I admit gwapo sya pero ganoon kadaming fangirl? Hell no!

"Hoy! Ano na Skyler? Tara na sa bahay?"

Tumango na lang ako.

Nakarating rin naman kami sa bahay nya.

"Tara sa kitchen. Panoorin mo  kung paano magluto ang mga gwapong katulad ko." at kumindat sya.

"Kapal talaga ng apog mo Migs"

Bigla nya akong siniringan.

"Anong ginawa ko? May mali ba akong nasabi? Hoy!"

"Wag mo kong tawaging Migs. Common na yun eh. Lahat sila iyon ang tawag sa akin tawagin mo nalang ako sa buong pangalan ko dahil ikaw lang ang tumatawag nun sa akin"

"Ang arte mo. Para kang si Dan--- ah nevermind"

Nagsimula na syang maggayat at kung ano-ano pa.

"Ta-da! Specialty ko yan. Ang adobo"

Pumalakpak ako ng maamoy ang adobo. Mukhang masarap talaga.

Nagdasal kami tapos nagsimula ng kumain.

"Ang takaw mo Skyler. Hindi ka ba nahihiya sa akin? Kasi usually lahat ng tao kapag may kasamang lalaki nahihiyang kumain o sumubo ng malaki. Tapos ikaw? Mukhang wala kang pake"

Nilunok ko muna ang kinakain ko tapos ay uminom ng tubig.

"Komportable na kasi ako sayo." nakangisi kong sagot.

"Paano kung hindi ka komportable sa akin? Maggagawa mo ba yan?"

"Oo naman. Basta pagkain wala yan sa akin. Kahit hindi ko kakilala basta ililibre ako go!"

"Matakaw ka talaga pero hindi ka naman tumataba. Ang payat mo"

"Yeah! Yun ang maganda sa akin kahit gaano ako katakaw hindi naman ako tumataba"

Natapos kaming kumain tumambay kami sa living room.

"Anong pangalan mo sa fb?" pagtatanong ko.

"Miguel Garcia"

Sinearch ko kaaga sya tapos nagrequest. Agad naman nyang inaccept.

Pinost ko yung picture namin kanina. With the caption 'Hi Miguel! Congrats!' yun lang.

Tapos ewan ko ba sa phone ko at peste parang naghang.

Hala? Anong nangyayari?

Napapikit ako ng makita yung notifications ko. Flood ng pesteng fangirls nya tsaka sa message flood rin nila. Puro ang sasama pa ng comment then angry then yung message nila. Mamatay na raw ako? Waaaah~

Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang