Chapter 31: Promise

757 20 0
                                    

Skyler Pov

"Tanga. Kanina pa ako nagsasalita rito. Ano na? Wala ka naman syang sinasabi. Bakit ba ang tahimik mo? Nagiging cold ka na naman"

"May itatanong ako sayo"

"Go on"

"Mali pala. Hihingi ako ng favor sayo"

"Ano naman yun"

"Dalawang favor"

"Ang kapal mo tanga ha! Ikaw na nga itong umiiwas eh"

"Once na makita ko na ang kapatid mo dalawa ang favor ko. Lalayuan mo na ako at magiging kayo na ni Kylie. Deal?"

Kailangan kong gawin ito. Para malayo na ako sa sakit. Malayo na ako sa pag-asang magiging kami. Bwesit.

"Ano bang sinasabi mo Skyler?"

"Gusto kong mangako ka. Kapag nahanap ko na ang kapatid mo hindi mo na ako gagambalain pa at magiging kayo na ni Kylie."

"Skyler. Akala mo ba ganoon lang kadaling maging kami ni Kylie? Ilang beses na ba akong umamin sa kanya. Ano bang napapala ko? Ang tawa nya at akalang joke yun. Nasasaktan rin naman ako Skyler sa bawat pagcoconfess ko sa kanya. Sa bawat pagtawa nya. Tao lang rin ako. Nasasaktan. Nahihirapan."

"Magiging kayo trust me" mapait kong ngiti.

"No! Hindi na ulit ako aamin sa kanya"

"Edi wag. Basta yung usang favor ko. Lalayuan mo na ako"

"Teka lang. Nahihilo ako"

"Okay ka lang ba?"

"Yeah"

Tumahimik nalang ako.

"Ano na?"

"Oo na. Basta mahanap mo ang kapatid ko"

"Pinky promise" at inaro ko ang hinliliit kong daliri.

"Pinky pro-pro--" di nya natapos ang sasabihin nya kasi umiiyak sya tapos umuungol na masakit ang ulo nya.

Anong gagawin ko?

Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔Where stories live. Discover now