Chapter 36: Iyakin

740 22 0
                                    

Skyler Pov

"Skyler anong gusto mong panoorin?"

"Bahala ka na. Bibili lang ako ng popcorn"

Pagkatapos kong bumili ng popcorn bumalik na ako agad.

"Tara na sa loob." pag-aaya ko.

Tumango lang sya. Hinila ko na ang braso nya at pumila na kami. Agad rin naman kaming nakapasok.

"Skyler san tayo pupwesto?"

"Likod tayo" saad ko. 

Nagsimula na ang panoodin namin. Mukha atang romantic pa ang pinili ng hangal na 'to.

"Miguel romantic ba 'to?" pagtatanong ko.

Kasi simula palang nagtilian na agad yung mga nanonood.

"Yes."

"Ano ba title nyan? Infairness maganda at gwapo ang bida."

"Barcelona A Love Untold. Malamang sina Kathryn at Daniel yan eh"

"Daniel?" pagtatanong ko.

"Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Bakit? Di mo sila kilala?"

"Dapat ko ba silang makilala?"

"Sira ka talaga. Sikat kaya sila"

"Ewan ko. Wala naman akong alam na balita sa ating bansa."

"Hindi ka ba naonood ng tv?"

"Hindi. Facebook at--"

Bago pa ako matapos nagtilian na naman silang lahat. Nakahithit ba ang mga ito ng katol?

Pinakita lang yung babaeng morena na kulot eh.

"Nalilito ka ba?" pagtatanong nya.

"Ha?"

"Mukha atang wala kapang gana manood"

"Hindi. Hindi ko lang magets sila. Pinkita lang yung babae kinilig na agad?"

"Mukha kang taga ibang planeta."

"Hayaan mo na nga ako. Tara nalang manood"

Nasa may part na kami na nung umiiyak si Mia dahil sa mga trabaho nya na puro palpak. Tss.

Itinuon ko nalang ang pansin ko sa pagkain ng popcorn.

Napalingon ako sa screen ng marinig kong sumigaw si Ely.

Nandoon na kami sa may part na 'Hindi ikaw si Celine and you will never own it'.

La? Nakakaiyak naman.
Bigla akong napalingon sa may kaliwang side ko.

Wtf! Nakakaiyak na nga yung eksena. Makita mo pa si Daniel nakaakbay kay Kylie.

Sila na. Sila na talaga.

"Cr lang ako" pagpaaalam ko.

Dumiretso na ako sa cr at naghilamos ng mukha. No Sky. Never kang iiyak. Tama na diba? Isang beses lang. Once is enough Sky. Hindi ka na iiyak muli. Tiwala lang. Malalagpasan mo 'to.

Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔Where stories live. Discover now