Chapter 46: Deal

735 24 0
                                    

Skyler Pov

"Skyler"

La? Bakit ako tinawag ni Daniel?

"Bakit?" pagtatanong ko.

"Pwede bang hindi ko gawin yung isa mong favor"

"Bakit naman?"

"Hindi ko kasi kaya"

"Ano ba roon? Yung hindi magiging kayo ni Kylie? Mukha nga kayong masaya eh. Ang sweet nyo pang dalawa. Bagay talaga kayo. Tapos kung yung isa naman na lalayo ka sa akin. Kayang kaya mo yun. Ikaw pa? Wala ka namang pake sa akin noon hanggang ngayon hindi ba?"

"Skyler seryoso ako"

"Mas seryoso ako Daniel. Alam mo ba kung bakit ko hiniling na lumayo ka sa akin? Kasi maiiissue ako. Kasi may girlfriend ka na tapos ako yung lagi mong kasama. Ako yung lagi mong trip asarin.Mas nagmumukhang tayo. O baka naman asauming lang ako? Tapos selosa pa ai Kylie. Baka mag-away lang kayo o kaming dalawa. Basta ayoko Daniel. Utang na loob. Lumayo ka sa akin."

"Pero Skyler may pake ako sayo."

"Wag kang magkaroon ng pake sa akin. Hindi ko yan deserve. Yung deserve ko? Ang iwan ako. Yung deserve ko? Yun layuan mo ako ngayon rin hanggang sa mamatay ako. Yun yung nararapat sa akin Daniel"

"Skyler naman. Ayoko. Ayoko. Kahit anong sabihin mo sa akin. Ayoko. Hindi ko susundin yung gusto mo"

"Well kung ganoon ako ang lalayo sayo. Antayin mo bukas. Lalayo na talaga ako sayo. Kung nahihirapan ka edi ako ang gagawa ng paraan para mapalayo sayo. Baka nga bukas na bukas rin hindi na ako papasok sa school na ito."

"No Skyler. Hindi ka lilipat ng school. Oo na lalayo na ako. Oo na susundin ko na yung dalawa mong favor. Huwag ka lang umalis. Huwag ka lang lumipat mg school. Skyler"

Napangiti ako ng marinig ang sinabi nya.

"If we bump or run to each other let's pretend we didn't know each other. Let's be strangers for the rest of our lives Daniel"

Inilahad ko yung kanang kamay ko para shake hands kami. Matagal bago nya tanggapin yung kamay ko.

Mahigpit nya itong hinawakan at binitawan rin agad.

Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔Where stories live. Discover now