CHAPTER 2: Who? (Second Draft)

1.2K 15 5
                                    

Skyler Pov

Kinakabahan ako para mamaya. Wahhh~ What should I do? Ayoko na pala sa unahan.

Rinig kong tinawag na ang section namin.

This is it na talaga! Sasayaw na kami at shete. Kinakabahan talaga ako. Hindi ako sanay sa maraming tao. Mahiyain ako.

Puwesto ako sa may pagitna.

"Bakit ka nandyan Skyler?" pagtatanong ng mga kaklase ko.

"Ah... eh.. gusto ko" at may pagkamot pa ako sa ulo. Wala akong kuti ha! Medyo nafufrustrate lang ako sa excuse na ginawa ko.

"Doon ka sa unahan. Napag-usapan na natin yun"

Tinulak na agad nila ako. Kaya mo 'to Skyler! Hwaiting.

Nagsimula na ang kanta. Habang sumasayaw ako hindi ako tumitingin sa mga nanonood kahit sa mga guro kundi sa mga kaklase ko sa likod. Hindi ako sanay na pinapakita ang talento ko.

Natapos ang kanta sabay-sabay kaming sumigaw ng Happy Teacher's Day po.

Hindi na talaga ako sasayaw. Ayoko na. Nakakahiya.

Agad akong tumakbo sa room namin at naki-connect sa wifi ng school. Secret lang natin 'to ah! Walang nakakaalam na guro na may nakaconnect sa wifi ng school. Bwuahahahaha kasi naman may password kaso marunong akong alamin ang password kapag sa laptop so ayun ang ginawa ko kaya ko nalaman.

Pag-open ko palang ng messenger. Bumungad agad sa akin ang flood messages ni Kylie as in PM. Private or personal message tsaka yung DSK squad.

Inopen ko kuna ang flood ni Kylie.

Kylie: Hi Skyler! My name is Kylie Tamara. I hope we will be in good terms. Please? Bestfriend na tayo ha! Wala ng bawian. Hambalusin kita dyan ng phone ko eh. Gaga ka bestfriend na tayo ha! Kain ka na ng talong. Hahahahaha. Hoy! Skyler! I mean bestfriend! Hi!

Napangiti ako ng matapos kong basahin ang pm nya. Ang kulit pala nya. First impression ko kasi sa kanya snob at cold kahit na nag-hi sya sa akin sa group chat pakiramdam ko cold sya.

Nagreply ako sa kanya. Syempre kalog sya so kalog rin ako.

Me: Hello Kylie! Gaga ka talaga. May pm ka pang nalalaman. Oo na bestfriend na tayo basta mas maganda ako sayo. Hahahahaha.

Pagkatapos kong isend iyon inopen ko naman ang DSK Squad na gc.

Daniel: Hi mga plat

Napansin ko lang laging plat 'tong si Daniel. Masama ba maging plat? Tss.

Kylie: Yo.

Daniel: Gaga ka

Kylie: =_=

Daniel: Cold mo talaga.

Kylie: Paki-hanap ng pake ko :">

Daniel: Nasaan ba ang pake mo? Ako na hahanap para sayo.

Kylie: Hanapin mo.

Daniel: Paano ko mahahanap?

Kylie: Ewan ko sayo.

Daniel: Anong ginagawa mo plat?

Kylie: Nilalaro si Toppy.

Daniel: Ah yung aso mong alaga.

Kylie sent a photo.

Daniel: Ang laki ng tiyan.

Kylie: Kakatapos lang nyan kumain.

Daniel: Tinanong ko?

Kylie: =_=

Daniel: Cold mo dyan ka na nga.

Kylie: Gago ./.
Seen by Daniel.

Magtatype sana ako ng 'hi' kaso ang fc naman. Wag na nga. Binack ko na agad.

Natapos ang araw na hindi ako nagchat sa gc. Nagpost lang ako ng mga selfies ko.

--

Busy ang mga guro ngayon. Kaya eto ako nakaconnect na naman sa wifi. Pero sa totoo lang bawal magdala ng phone kaya lang kulitis ako.

Syempre patago ang paggamit ng phone baka makita edi nasamsam pa.

Busy ako magstalk sa kung kaninong tao ng biglang nagpop-out yung chat heads namin ni Kylie.

Kylie: Yo.

Me: Gaga.

Kylie: =_=

Me: Kwento ka.

Kylie: Happy family. Mayaman. Maganda at magaling sumayaw tsaka magdrawing.

Me: Ako rin happy family. May kaya lang. Maganda at magaling sumayaw. Yung pagdadrawing wag na. Hindi ko nga alam kung paano magdrawing ng tao eh. Stick lang okay na.

Kylie: HAHAHAHAHAHA

Me: Gago. Mamatay ka sana kakatawa.

Kylie: Meron ka?

Me: Wala

Kylie: Akala ko meron ka. Medyo HB ka kasi.

Me: May topak lang ako ngayon.

Kylie: Ah. May pasok kayo?

"Skyler gaga! Nandyan na si Ma'am" bulyaw ng mga kaklase ko.

Agad kong tinago ang phone ko sa bulsa ng palda ko.

"Goodmorning Ma'am" bati ko kay Ma'am.

"Tapusin nyo na agad ang activity at magchecheck agad tayo"

Dali-dali kong tinapos ang activity sa Math at chinekan agad namin.

Lunch break na agad namin. Pagkatapos kong kumain dinukot ko agad ang phone ko sa bulsa at nagtago sa mga upuan.

Pag-open ko nakita ko kaagad ang chay heaf ng DSK Squad. Inopen ko.

Daniel: Sino yung Skyler?

Kylie: Bestfriend ko.

Natawa ako sa tanong ni Daniel. Sino raw ako? Bwahahaha.

--
A/n: Annyeong haseyo~ hihihi heto yong kasunod non. Hahahaha yeah~ hanggang dito lang ang ginawa ko. Kasi iniba ko na nga sya. Dapat kasi tatakbo yong story sa chat but iniba ko. So that's it. Hahahahaha thank you sa pagbabasa.

Ms. Tanga Meets Mr. Bakla ✔Where stories live. Discover now